Paano Magpalaki ng Strong, Confident Kids?

September 11, 2018

Walang iisang paraan sa pagpapalaki ng mga bata. Mula sa paninigurado na sapat at tama ang nakukuha nilang nutrisyon, pagpapaaral para makakuha sila ng mabuting edukasyon, at pagbibigay ng kanilang mga pangangailangan, sinisikap ng mga magulang na mapalaki ng maayos ang mga anak na disiplinado, mapagmahal sa sarili at sa kapwa, independent, mataas ang pangarap, at malayo ang mararating sa buhay.

 

Kung isa sa tatlong aspeto – physical, mental, at emotional – ay mahina sa mga bata, maaari itong makaapekto sa kanilang overall well-being. Kailangang mabalanse ang mga ito at mabantayan para makaiwas sa anumang pinsala na pwedeng maging hadlang sa pag-achieve nila ng kanilang life goals.

 

Bilang celebration ng Linggo ng Kabataan, pag-usapan natin ang iba’t ibang paraan para maalagaan ang bawat aspeto ng well-being ng mga bata nang sa gayon ay mapalaki silang malakas ang pangangatawan, isipan, at damdamin – handa sa anumang hamon ng buhay!

 

Physical Care

 

Malaki ang epekto ng healthy na pangangatawan sa emotional at mental health ng kids. Kapag tama at sapat ang nutrisyon na nakukuha nila, nakaka-boost ito ng talas ng pag-iisip – sa memory, concentration, creativity, at pagkakaroon ng positive na outlook sa buhay. Ganun din naman ang dalang benefits nito pagdating sa pagiging matatag ng loob ng mga bata sa kabilang ng stress at mga problema sa pamilya, eskwela, relationships, at iba pa.

 

Ilan sa tips na pwede ninyong i-monitor at gawin para mapanatiling physically healthy ang inyong mga anak ay ang mga sumusunod:

 

  1. Magsagawa ng balanced diet

 

Bagama’t lagi itong pinapayo pagdating sa tamang pagpapalaki ng mga bata, hindi talaga dapat isawalang-bahala ang ang pagkain na ihinahain sa pamilya. Siguraduhing mayroong sapat na nutrisyon ang bawat meal na inihahanda o ipinapabaon sa kanila. Sa pagkonsulta sa inyong pediatrician, makakuha kayo ng idea kung anu-anong vitamins, minerals, at nutrients ang kailangan ng inyong mga anak na naaayon sa kanyang height, weight, age, at health condition. Bukod sa pagpapalakas ng katawan, ingatan sila lalo mula sa sakit sa pamamagitan ng pagpapainom ng ascorbic acid at chlorella growth factor na multivitamin supplements.

 

  1. Mag-promote ng active lifestyle

 

Sa panahon ngayon na madalas nakababad na ang kabataan sa paggamit ng gadgets, maging good example sa kanila sa pamamagitan ng pagiging active. I-encourage ang mga bata na maglaro sa labas, mag-exercise araw-araw, at mag-participate sa sports na kanilang kinahihiligan. Kung halimbawa namang may hika o iba pang health concern ang inyong anak, kumonsulta muna sa doktor kung anong exercise for kids o kids workout ang pwede para hindi ito makasama sa kanyang kalusugan.

 

undefined

Photo from Unsplash

 

  1. Magpaalala na importante ang pahinga

 

Kahit gaano pa ka-busy sa academic at extra-curricular activities ang kids, kailangan nilang mapunan ang 8 to 10 hours of sleep sa isang araw. Bukod dito, makabubuti rin sa kanilang kalusugan ang pag-idlip at pagpapahinga lalo na kung marami pa silang dapat gawin pagkatapos ng klase.

 

Mind Care

 

Para naman sa pag-aalaga sa mental health ng mga bata, hindi lang basta pagbabasa at pagso-solve ng puzzles ang pwedeng ipagawa sa kanila. Mayroon ding iba pang paraan para mapanatiling matalas, mabilis, at malakas ang kanilang pag-iisip.

 

  1. Mag-creative play

 

Likas na malakas ang imagination at creativity ng mga bata. Sa katunayan, may mga pag-aaral nang naisagawa na nagpapatunay ng importansya ng pagsuporta sa kids sa larangan ng arts. Bilang mental exercise for kids, i-encourage silang magpinta, gumuhit, o bumuo ng mga bagay gamit ang makukulay o di-pangkaraniwang materials para ma-challenge ang kanilang skills. Kasama rin dito ang pagpapasubok sa kanila ng iba’t ibang musical instruments. Bukod sa magiging healthy hobbies nila ang mga ito, may nabubuo ring disiplina dito na madadala nila hanggang sa paglaki.

 

  1. Mag-travel

 

Isang paraan para lumawak ang pag-iisip ng mga bata ay ang paglalakbay. Sa pagbisita ng iba’t ibang lugar, nabubuksan ang kanilang pananaw sa paraan na hindi maituturo sa paaralan. Hindi naman kailangang gumastos nang malaki para rito. Ang scheduled na mga outing at family bonding ay isa ring outlet para magawa ito. Bukod sa mga nasabing benefits, nakakatulong din ang pagta-travel para ma-develop ang social at cultural skills ng mga bata na kakailanganin nila para maging independent balang araw.

 

  1. Magpahinga

 

Kagaya ng sa physical care, kailangan ng isip ang pahinga para maiwasan ang mabilis na pagkasira ng brain cells na nagdudulot ng maagang pagkalimot, kawalan ng focus, at mood swings. Nakakatulong din ito para ma-refresh ang isip ng kids bago uli sumabak sa panibagong challenges at excitement ng susunod na araw.

 

Emotional Care

 

Nagsisimula ang pagpapatatag ng loob ng kids sa kanilang sariling pamilya. Ang aspetong ito ang madalas hindi napupunan sa mga bata dahil na rin sa mas matagal ang oras nila sa eskwela kaysa sa bahay, o kaya naman ay dahil sa pagiging busy ng mga magulang para mabigyan sila ng magandang kinabukasan. Ito ang ilang tips para ma-improve ang emotional well-being ng kids:

 

undefined

Photo from Unsplash

 

 

  1. Makipagkwentuhan

 

Kung minsan ay nawawala na sa pamilya ang simpleng pakikipagkwentuhan lalo na tuwing meal time. Kung hindi masyadong pala-kwento ang bata, subukang mag-open up ng topics na nasa kanyang interes. Maging approachable at handa sa mga katanungan na maaari nilang ilapit sa inyo. Mainam din na maramdaman nila na napapakinggan ang kanilang mga saloobin at opinyon maging sa mga patakaran sa loob ng bahay. Tatatag din ang relationship sa mag-anak dahil lumalalim ang pagkakakilanlan sa isa’t isa sa pamamagitan ng communication – isa sa mga emotional exercise for kids.

 

  1. Magparamdam ng pagmamahal

 

Ipinapayo sa parents ang pagpaparamdam sa mga bata ng pagmamahal lalo na sa kanilang developing age. Sa pagsasabi ng “I love you”, pagpapakita ng lambing, at pag-aalaga ay lumalakas ang kanilang mga emosyon – dahilan para magpakita rin sila sa iba ng kagandahang-asal. Kasama man sa pagiging magulang ang pagdidisiplina sa mga bata gaya ng pagpalo at pagse-set ng rules, maaaring gawin ang mga ito sa paraan na maipapatindi sa kanila kung bakit ito ginagawa at hindi lamang basta para maging parusa. Sa ganitong paraan, makukuha nila ang tamang paraan ng pagpapalaki at pagtrato sa kapwa.

 

  1. Magkaroon ng healthy environment sa tahanan

 

Iba-iba man ng kalagayan sa bawat pamilya, sikaping mapalaki ang mga bata sa isang tahanan na mararamdaman nilang sila ay ligtas, inaalagaan, minamahal, pinapakinggan, at pinapahalagahan. Ang bahay na puro kaguluhan, dumi, at walang pansinan ay nakakasama para sa overall well-being ng kids. Magkakaroon ito ng mga epekto hindi lamang sa kanilang pagtanda ngunit pati na rin sa kanilang buhay sa ngayon.

 

Lalaking maayos, may kumpyansa sa sarili, at healthy ang kids kung balanseng matutugunan ang kanilang physical, mental, at emotional needs. Wala mang perpektong paraan para gawin ang lahat nang ito, ang mahalaga ay ipinapaunawa natin sa mga bata ang kahalagahan ng bawat aspeto na ito para kasama sila sa pakikipagtulungan tungo sa kanilang magandang kinabukasan.

 

Sources:

 

https://www.psychologytoday.com/us/blog/peaceful-parents-happy-kids/201506/12-ways-raise-competent-confident-child-grit

https://childmind.org/article/12-tips-raising-confident-kids/

https://www.inc.com/amy-morin/5-simple-parenting-strategies-that-help-kids-build-massive-mental-strength.html

https://www.parents.com/toddlers-preschoolers/development/fear/secrets-of-confident-kids/