Mga Vitamins na Mainam para sa mga Bata

July 24, 2017

Importante na ang mga bata ay makakuha ng sapat na vitamins and minerals sa diet nito para maganda ang overall development at kalusugan ng katawan nila. Subalit sa dami ng unhealthy food choices na nabibili ngayon, maaaring hindi sapat ang nutrisyon na nakukuha ng mga bata sa pagkain lamang, kung kaya’t importante na malaman ang mga vitamins and minerals na mainam para sa mga bata.

 

CGF (Chlorella Growth Factor)

Ang chlorella ay isang type ng algae na tumutubo sa fresh water. Ang buong halaman na ito ay ginagamit para gumawa ng gamot at supplements. Ang chlorella ay popular dahil sa sustansya at sa detoxifying properties na binibigay nito. Sa kasalukuyan, mayroong mga supplements na may CGF (chlorella growth factor) para sa mga bata dahil sa benepisyo na hatid nito sa development. Ang mga sumusunod ay mga benepisyo na maaaring makuha mula sa CGF:

 

Nakakatulong sa Pampatangkad

Ang CGF (Chlorella Growth Factor) ay sinasabi na mayroong growth stimulating properties na nakakatulong sa pagtangkad ng mga bata.

 

Detoxifying

Ang CGF (Chlorella Growth Factor) ay isang natural na detoxifying agent. Sa tulong nito, nababawasan ang mga nakakasamang chemical toxins na nakukuha sa kapaligiran.

 

Pampalakas ng Immune System

Ang CGF ay nakakatulong sa immune system ng mga bata dahil nakakatulong ito sa pag-produce ng T-cells sa katawan, na nakakatulong sa paglaban ng katawan laban sa mga sakit. Nakakatulong din ito sa paglaki ng white blood cells, na siya ring nakakatulong sa paglaban sa mga sakit.

 

Pampalakas ng Energy

Ang CGF ay mayaman sa nucleic acid, na siyang ng nakakatulong sa pag-increase ng energy levels. Para sa physical development mga bata, importante ang physical activities, kung kaya’t importante na mayroon silang sapat na energy bawat araw.

 

Tulong sa Digestive Health

Ang CGF ay nakakatulong sa pagpaganda ng pakiramdam laban sa sakit sa tiyan, digestive disorders at irregularity.

 

Taurine

Ang taurine ay isang importanteng amino acid para sa nervous system, lalong lalo na para sa brain development. May mga pagsusuri din na nagsasabi na ang taurine ay nakakatulong sa pagdala ng positive effects sa mga batang may ADHD. Ang mga sumusunod ay ang mga posibleng benefits ng taurine sa mga bata:

 

Brain Development

Ang taurine ay isang essential amino acid na nakakatulong sa brain development ng mga bata. Para sa mga bata na nasa developing stage, importante ang taurine para may tamang suporta ang kanilang brain development.

 

Supplement for ADHD

Dahil sa benefits ng taurine sa brain, may ilang mga pagsusuri na nagsasabi na mainam ito at maaaring makatulong sa mga batang may ADHD.

 

Vitamin A

Ang Vitamin A ay mainam sa mata, bone growth at immune system ng mga bata. Ang mga sumusunod ay mga benefits ng Vitamin A sa mga bata:

 

Healthy eyes

Ang Vitamin A ay may properties na nakakatulong sa mata. Para sa mga bata na nasa developing stage, mas mainam na sila ay maroon sapat ng Vitamin A para maganda ang development ng kanilang mga mata.

 

Bone Growth

Ang Vitamin A din ay mainam para sa bone growth ng mga bata. Para masigurado na malakas sila, dapat may sapat na Vitamin A silang nakukuha mula sa pagkain o gamot.

 

Pampalakas ng Immune System

Kagaya ng ibang mga vitamins, ang Vitamin A ay nakakatulong sa pampalakas ng immune system. Dahil madalas magkasakit ang mga bata, dapat may sapat silang Vitamin A na nakukuha para mayroon silang tamang proteksyon laban sa mga sakit.

 

Vitamin B-complex

Ang Vitamin B-complex ay combination ng B2 (thiamine), B2 (riboflavin), B3 (niacin), B5 (pantothenic), B6 (pyridoxine), B7 (biotin), B7 (folic acid) at B12 (cobalamin) na may iba’t ibang health benefits para sa mga bata.

 

Growth

Ang Vitamin B-complex ay nakakatulong sa bone health, production ng red blood cells at ibang hormones na importante sa mga bata.

 

Brain Development

Ang Vitamin B-complex ay nakakatulong sa oxygen circulation ng katawan, lalong lalo na sa brain. Importante para sa mga bata na makapagconcentrate sa school at nakakatulong ang Vitamin B-complex dito.

 

Stress Reduction

Hindi lang mga matatanda ang pwedeng ma-stress. Ang mga bata ay nakakaranas din nito. Ang Vitamin B-complex ay pinapalitan ang carbohydrates at fats na nilalabas ng katawan at ginagawa itong energy na kinakailangan para i-maintain ang nervous system at puso.
 

Vitamn C

Ang Vitamin C ay isang antioxidant na nakakatulong sa pagpalakas ng immune system, pag-produce ng protein collagen at pag-absorb ng iron.

 

Antioxidant

Ang Vitamin C ay isang antioxidant na prinoprotektahan ang katawan ng mga bata laban sa free radicals. Ang free radicals ay maaaring nabubuo galing sa ating katawan o exposure mula sa mga nakakasamang subtances na dulot ng pollution.

 

Pampalakas ng Immune System

Ang Vitamin C ay kinakailangan ng ating katawan para mapalakas nito ang ating immune system. Tinutulungan nito ang ating immune responses na siyang lumalaban sa mga sakit tulad ubo at sipon.

 

Collagen at Pampabilis ng Pag-galing ng Sugat

Kinakailangan ng ating katawan ang Vitamin C upang mapalakas ang collagen sa ating bones, cartilage, muscles at dugo. Ang Vitamin C din ay nakakatulong sa pag-galing ng minor wounds at pinapalakas nito ang ngipin at gums ng mga bata.

 

Iron Absorption

Ang Vitamin C ay nakakatulong sa pag-absorb ng iron. Importante ang iron dahil kinakailangan ito para sa rapid growth ng bata.

 

Vitamin D

undefined

 

Ang Vitamin D ay isang uri ng vitamin na nakukuha ng mga bata mula sa rays ng araw. Subalit dahil gumagamit ang ilang mga magulang ng sun screen para maprotektahan ang mga bata mula sa UV rays, maaaring magkulang sila sa Vitamin D. Importante ito dahil nakakatulong ito sa mag-absorb ng calcium, na siyang nakakatulong sa pagpalakas ng buto ng mga bata.

 

Zinc

Ang Zinc ay isang mineral na importante sa katawan ng mga bata dahil sa iba’t ibang benepisyo nito. Ito ay nagpapalakas ng immune system, nakakatulong sa paggaling ng mga sugat at nagsisilbing support sa growth ng mga bata.

 

Pampalakas ng Immune System

Ang Zinc ay nakakatulong sa pagpalakas ng immune system, kung kaya’t ginagamit na ito upang maka-iwas sa mga sakit na common sa mga bata tulad ng ubo at sipon.

 

Tulong sa Paggaling ng Sugat

Ang Zinc ay nakakatulong upang gamutin ang mga infections at pagalingin ang mga minor na sugat. Mayroon din mga Zinc ointment na gingamit para sa diaper rash at iba pang skin irritation. Dahil ang mga bata ay madalas magkaroon ng mga ito, importante na nakakakuha sila ng sapat na Zinc mula sa pagkain, inumin o gamot.

 

Suporta sa Paglaki

Dahil ang mga bata ay nasa developing stage pa, importante na sila ay makakuha ng sapat na Zinc dahil nakakatulong ito sa kanilang overall development.

Importante na malaman ng mga magulang ang mga vitamins at minerals na mainam para sa mga bata, upang masiguro nila na maganda ang overall development ng mga ito. Sa kasalukuyan ay may mga iba’t ibang affordable na multivitamins para sa mga bata na maaaring bilhin to ensure na makukuha nila ang tamang alaga para sa kanilang health and development.

 

Sources: