Mga Pagkaing Nakakatulong sa Pagtangkad

December 12, 2017

Ayon sa MAGIC Foundation for Children's Growth, ang normal na paglaki ng mga batang nasa edad apat hanggang umabot sila sa puberty stage ay nasa at least 2 inches kada taon. Sa edad pa lang na sampung taong gulang, dalawa't kalahati hanggang apat at kalahating pulgada na ang itinatangkad ng mga batang babae kada taon. Ang mga lalaki naman sa kabilang banda ay nagsisimulang tumangkad ng tatlo hanggang limang pulgada kada taon kapag sila ay dose anyos na.

 

Kasama ng sapat na oras ng tulog, ehersisyo, importanteng pakainin ng mga pagkaing nakakatulong sa pagtangkad ang mga chikiting. Kahit na malaki ang impluwensya ng genes sa height ng isang tao, importante pa din ang ginagampanang role ng pagkain sa tamang paglaki ng mga bata. Ang hindi pagtangkad ay kadalasang resulta ng hindi sapat na nutrisyon. Narito ang mga pagkaing dapat ihain sa mga chikiting habang sila ay lumalaki.

 

  1. Mga pagkaing gawa sa gatas

Parte ng grupo na ito ang gatas, keso at, yogurt. Nakakatulong ang mga ito sa pagtangkad ng mga bata dahil sa taglay nitong calcium, proteins at vitamins A, B, D at E. Ang calcium ay kailangan sa pagtangkad at pagpapatibay ng buto. Mayroong pag-aaral na nagsasabing ang mga batang umiinom ng rice, almond o soy milk ay mas maliit ang itinatangkad kung ikukumpara sa mga batang ang iniinom ay gatas ng baka. Base din sa isang pag-aaral ng, ang height ng isang tao ay konektado sa pag-inom nito ng gatas sa edad na lima hanggang 17.

 

  1. Manok

Ang manok ay isa sa mga pinaka mainam na source ng protina na syang tumutulong sa pagbuo ng tissue at muscle sa katawan. Ang protina ay nakakatulong sa pagtangkad dahil sa paggawa nito ng mga tissue. Mayroon itong amino acides na ginawa para sa mga growth hormone at kailangan sa pagma-maintain ng malulusog na buto, muscle, tissue, organ, balat at ngipin.

 

  1. Itlog

Ang itlog ay mayaman din sa protina. Ang puting bahagi ng itlog ay may taglay na 100% na protina. Ang itlog ay mayroon ding Vitamin D, calcium at B2.

 

  1. Saging

Ang saging ay mayaman sa minerals gaya ng potassium, manganese and calcium at healthy probiotic bacteria. Ang potassium na taglay ng saging ang syang prumoprotekta sa mga buto at ngipin mula sa panghihina. Ito din ang nag-neneutralize ng mga masamang epekto ng sodium sa buto. Tumutulong din ang prutas na ito sa concentration ng calcium.

 

  1. Isda

Ang mga isda gaya ng salmon, tuna at sardinas ay mayaman sa protina at Vitamin D. Ang Vitamin D ay kailangan sa development ng malulusog at malalakas na buto ng bata. Importante din ang role nito sa absorption ng calcium.

 

  1. Mga madadahong gulay

Kabilang dito ang spinach, russels sprouts, broccoli at repolyo. Mayaman ang mga gulay na dito sa Vitamin K. Ang bitaminang ito ay kailangan ng katawan para sa normal na blood-clotting process na sya namang kailangan sa pagkakaroon ng malusog na mga buto. Ang Vitamin K ay prino-produce din ng mga micro-organisms sa bituka at inilalagay sa atay.

 

  1. Mani at mga buto

Ang mga mani gaya ng peanuts, almonds at buto na gaya ng pumpkin seeds at flax seeds ay hindi lamang simple snack kundi mga pagkaing nakakatulong sa pagtangkad. Mayroon itong minerals, healthy fats at amino acids na tumutulong sa pag-repair ng mga body tissues. Ang mga nutrisyon na dala ng mga mani at buto ay nag-sstimulate ng growth hormones ng katawan.

 

Sources:

https://www.livestrong.com/article/343386-how-to-increase-my-height-at-18/

https://www.webmd.com/fitness-exercise/human-growth-hormone-hgh#1

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/15981182

https://growtallerwithshinlengthening.com/nutrition.html

http://www.thefitindian.com/foods-and-exercises-to-increase-height/

http://www.stylecraze.com/articles/amazing-foods-and-diet-for-increasing-height/#gref

 

 

undefined

https://www.pexels.com/photo/chicken-cooked-cuisine-cutlery-616354/

 

undefined

https://www.pexels.com/photo/basket-board-calcium-cheese-416656/

 

 

undefined

https://www.pexels.com/photo/healthy-drink-glass-milk-46520/