Mga Karaniwang Sakit na Nakukuha ng Mga Bata | RiteMED

Mga Karaniwang Sakit na Nakukuha ng Mga Bata

October 6, 2017

Mga Karaniwang Sakit na Nakukuha ng Mga Bata

Kada April at October ng bawat taon, binibigyang halaga ng Department of Health ang kalusugan ng mga bata, sa kanilang pag-celebrate ng Garantisadong Pambata Week. Pero hindi maiiwasan na minsan, nagkakasakit pa rin sila. Alamin ang mga sakit na madalas makuha ng mga bata, at kung paano gamutin ang mga ito.

 

Whooping Cough

Kilala rin bilang pertussis, ang whooping cough ay isang bacterial infection na dumadapo sa ilong at lalaluman, at mabilis kumalat. Sa una, ang sintomas ng whooping cough ay hindi naiiba sa normal na flu: pag-ubo, pagbahing, runny nose, at lagnat na 38.8 C pababa. Kapag tumagal na ito ng 7-10 araw, manunuyot na ang ubo at mahihirapan nang huminga ang bata habang inaatake siya. Lalabasan na rin siya ng whooping sound habang inuubo. Maliban dito, pwede ring magsuka at mapagod, lalo na kung matindi ng atake

Delikado ang whooping cough sa mga sanggol, lalo na kapag mas bata sa anim na buwan. Dalhin kaagad sila sa doktor kapag nakapansin na ng sintomas ng ganitong klaseng ubo. Para naman sa mas malaking bata, maari ay hindi na kailangan ng agarang atensyon ng doktor, pero mas mabuti na rin na ipasuri sila para mabigyan ng tamang diagnosis at gamot.

Pwedeng sumailalim sa blood tests o x-rays ang mga bata, para malaman kung gaano na ka-seryoso ang kanyang pertussis. Maari rin silang bigyan ng antibiotics.

Para maiwasan ang pertussis, pabakunahan ang mga anak habang sila’y maliit pa. Ang DTaP (diphtheria, tetanus, acellular pertussis) vaccine ang isang posibleng bakuna para dito.   

 

Tonsilitis

Ang tonsils sa likod ng lalamunan – sila ang dalawang tumpok sa magkabilaang side nito. Kapag ito’y nagkaroon ng impeksyon mula sa virus o bacteria, ang tawag dito ay tonsillitis. Malimit ang tonsillitis sa mga batang nasa edad five to 15.

Madalas na nakukuha ang tonsillitis mula sa sipon o flu, o kaya naman sa bacteria na streptococcus. Bumisita sa doktor kapag nararamdaman ng bata ang mga sumusunod na sintomas:

undefined

  • Namamaga at namumula na tonsils

  • Puti o dilaw na batik sa tonsils

  • Sakit kapag lumulunok

  • Sore throat

  • Lagnat

Ang treatment para sa tonsillitis ay nagdedepende kung dala ba siya ng bacteria o virus. Kung viral ang tonsillitis, kayang labanan ng katawan ang sakit ng mag-isa. Kapag bacteria naman ang sanhi, antibiotic ang madalas na binibigay ng doctor.

May mga self-care tips rin naman para maibsan ang tonsillitis ng bata. Subukan na bigyan sila ng maligamgam na tubig na may kalahating kutsaritang asin, para imumog nila. Iwasan rin ang pagbigay sa kanila ng malalamig at matatamis na pagkain o inumin.

 

Gastroenteritis

Katulad ng whooping cough at tonsillitis, isa ring impeksyon ang gastroenteritis, o stomach flu. Ito naman ay dumadali sa ating digestive system. Nakukuha ang sakit na ito mula sa viruses, o kaya naman sa mga bacteria katulad ng Salmonella at E. coli.

Ang pag-inom ng kontaminadong tubig, o pagkain ng kontaminadong pagkain ay ang kadalasang paraan ng pagdapo ng impeksyon na ito. Pero alalahanin rin na ang gastroenteritis ay isang nakakahawang sakit. Dahil ang mikrobyo ay pwedeng manirahan sa mga laruan o damit ng ilang oras hanggang araw, ang pakikipag-halubilo sa ibang batang may sakit ay maaring maging sanhi ng pagkalat ng virus.

Madalas, nagpapakita ang sintomas ng stomach flu isa hanggang tatlong araw makalipas ang initial contact ng bata sa infected na bagay o tao. Kung ang inyong anak ay nakakaranas ng diarrhea o matubig na dumi, nausea, pagsusuka, lagnat at pananakit ng tiyan, baka may gastroenteritis na siya. Ang mga sintomas na ito ay pwedeng magtagal ng isa hanggang 10 araw.

Habang ang gastroenteritis mismo ay hindi isang malubhang kondisyon, may posibilidad na maging dehydrated ang mga bata dahil dito. Painumin sila ng maraming tubig, para maibalik ang fluids na nawala sa kanilang katawan. Iwasan naman ang mga sugary drinks tulad ng soft drinks o fruit juices, kape, at tsaa. Para naman sa kanilang pagkain, bigyan sila ng tinapay, lugaw, patatas o mga biskwit.

Kung hindi bumuti ang pakiramdam ng bata matapos ang ilang araw, o kapag nakapansin na ng lagnat na lagpas 38°C, tuloy-tuloy na pagsusuka at pagtatae na may kasama nang dugo, o pagtigil ng normal na pag-ihi, dalhin na ang bata sa doktor para mabigyan ng wastong payo.

 

Chicken Pox

Isa pang impeksyon na madalas makuha ng mga bata ay ang bulutong, o chicken pox. Nanggagaling ito sa Varicella virus, at labis na nakakahawa.

Ang chicken pox virus ay airborne – ibig sabihin, kumakalat ito sa hangin. Bukod pa diyan, nakukuha rin ang ito mula sa body secretions. Kung tayo’y nagkaroon ng contact sa isang taong may bulutong (hal. nahawakan natin siya, o nahawakan natin ang gamit niya), malamang ay magkaka-impeksyon na rin tayo.

Mga makakating butlig sa balat, biglaang lagnat, panghihina, at pananakit ng laman at kasu-kasuan – ito ang mga kadalasang senyales ng bulutong. Kapag nakita ang mga sintomas na ito, ikonsulta na sa espesyalista. At kung na-diagnose na, siguraduhin na iiwas ang bata sa contact sa ibang tao, para mapigilan ang pagkalat nito.

Kahit walang paggamot, nawawala ng kusa ang bulutong matapos ang isa hanggang dalawang linggo. Pero maari pa ring resetahan ng gamot ang mga bata, lalo na kung may lagnat sila. Pwede rin silang mabigyan ng calamine lotion, para mabawasan ang kati.

Para naman sa pag-iwas sa bulutong, personal hygiene at cleanliness ang pinakamahalaga. Turuan ang mga bata na maghugas lagi ng kamay, at panatilihing malinis ang  kanilang kapaligiran. Ipaiwas rin sila sa mga pampublikong lugar kapag may balita na tungkol sa dumaraming kaso. Maliban ditto, alalahanin na ang period kung kalian pinaka-nakakahawa ang bulutong ay tatlo hanggang limang araw bago lumabas ang mga makakating butlig, at tatlo hanggang limang araw matapos ang panunuyot ng mga nasabing butlig.

 

Maraming klase ng impeksyon ang pwedeng makuha ng mga bata, sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan. Importante ang tamang hygiene para makaiwas sa mga ito, at ang tamang treatment para bumalik ang kanilang sigla at kalusugan.

 

References:



What do you think of this article?