Maraming ‘di kanais-nais na epekto ang nadadala ng sakit sa bato, tulad hirap sa pagdudumi, ang pagkakaroon ng dugo sa ihi, o kaya naman ang mga seryosong kondisyon tulad ng kidney failure. Para maiwasan ito, marami sa mga pasyente na may sakit na ito ay sumasailalim sa kidney dialysis.
Ano ang dialysis?
Kung malusog ang isang tao, ang bato nito ay kayang magsala ng 113 hanggang 142 na litro ng dugo kada araw. Pero kapag nagkasakit na ito sa bato, hindi masasala ang dugo ng mabuti at naiipon na ang dumi sa dugo niya. Ang health issue na nito ay maaring magdulot ng masasamang epekto sa katawan.
Sa pamamagitan ng dialysis procedure, naiiwasan ang pagtaas ng dumi o toxins ng dugo sa delikadong lebel.
Kailan at sino ang dapat sumailalim sa dialysis?
Hindi naman lahat ng may kidney disease ay dapat magpa-dialysis. Ayon sa National Kidney Foundation, kailangan ito kapag dumating na, o kung malapit na sa malubhang estado ang kidney disease, at hindi na kayang na umandar ng mabuti. Ang tawag dito ay kidney failure o end stage renal disease (ESRD).
Ang end stage renal disease ay madalas na dulot ng ibang sakit sa kalusugan, na nagbibigay na ng permanenteng pinsala sa bato. Diabetes at high blood ang dalawa sa pinaka-karaniwang sanhi ng ESRD. Maliban sa dalawa, ang iba pang cause ng kidney failure o ESRD ay:
- Mga autoimmune diseases tulad ng lupus
- Mga sakit sa lahi, tulad ng polycystic kidney disease
- Heart attack
- Pag-abuso sa mga illegal na droga
- Mga problema sa urinary tract
Kung ang tao ay may isa o ilan sa mga kondisyon na nailista, maiging bantayan ang kondisyon niya para makaiwas sa kidney failure. Narito ang ilan sa mga sintomas na dapat abangan:
- Fatigue o ang laging pagiging pagod
- Pagdalas ng pag-ihi, lalo na sa gabi
- Pangangati ng balat
- Erectile dysfunction
- Nausea o pagduduwal
- Shortness of breath o paghina ng hininga
- Pag-ipon ng tubig sa katawan, na nagdudulot ng magang paa, kamay at ankles
- Pagkaroon ng dugo sa ihi
- Pagkaroon ng protina sa ihi
Malubha man pakinggan ang kidney failure at end stage renal disease, pero hindi dapat manggamba. Malaking tulong ang pwedeng ibigay ng dialysis.
Mga Klase ng Dialysis
Mayroong dalawang klase ng dialysis - ang hemodialysis at ang peritoneal dialysis.
- Hemodialysis
Sa hemodialysis, ginagamitan ng artificial kidney o hemodialyzer ang dialysis patient, para matanggal ang dumi at kemikal sa dugo. Inuumpisahan ang procedure na ito sa isang minor surgery sa braso o bunti, para makadaan ang dugo mula sa katawan papunta sa artificial kidney.
Minsan naman, ang daanan ng dugo ay ginagawa sa pagkonekta ng ugat sa isang mas malaking blood vessel na tinatawag na fistula. Pero kung hindi sapat ang blood vessels para sa isang fistula, gagawa na lamang ang doktor ng isang maliit na plastic tube para makonekta ang artery at ugat. Ang tawag sa tube na ito ay graft.
Ang isang hemodialysis treatment ay tumatagal ng apat na oras, at ginagawa ng dalawa o tatlong beses sa isang linggo.
- Peritoneal Dialysis
Sa peritoneal dialysis naman, ang dugo ay nililinis sa loob ng katawan. Kailangan rin ng surgery dito, para malagyan ng catheter ang tiyan at magkaroon ng access ang doktor sa katawan. Nilalagyan ng isang cleansing fluid na tinatawag na dialysate ang catheter, para malinis at matanggal ang mga dumi sa katawan. Pagkatapos ng paglinis na ito, tinatanggal na ang cleansing fluid sa pamamagitan rin ng catheter.
May dalawang uri ng peritoneal dialysis. Ang una ay ang Continuous Ambulatory Peritoneal Dialysis o CAPD. Dito, walang machine na kailangan para sa treatment. Manual ang paglagay ng cleansing fluid o dialysate sa katawan. May apat na hakbang ito:
- Pagkonekta ng bagong plastic bag ng dialysate sa katawan
- Pag-alis ng lumang diasylate sa katawan at paglagay sa isang drain bag
- Paglagay ng mismong dialysate sa katawan
- Pagalis ng mga plastic bag na ginamit
Ang proseso na ito ay tumatagal ng mga 30 hanggang 40 na minuto, at ginagawa tatlo hanggang limang beses sa isang araw.
Automated Peritoneal Dialysis naman ang isang klase ng peritoneal dialysis. Dito, may ginagamit na dialysis machine para hindi na mano-mano ang paglagay ng cleansing fluid. Madalas, ginagawa ito habang natutulog.
Depende sa pasyente ang uri ng peritoneal dialysis na nais niyang gawin. Pero, dapat pa rin ito ikonsulta sa doktor para mabigyan ng tamang payo sa nararapat ayon sa kondisyon.
Mga Epekto ng Dialysis
Dahil kailangang gawin ang dialysis ng regular at madalas, may mga side effects ito. Kasama dito ang:
Hemodialysis
- Low blood pressure
- Sepsis
- Muscle cramps
- Pangangati ng balat
- Insomnia
- Madalas na pagtulog
- Pananakit ng buto at kasu-kasuan
- Kawalan ng nais na makipagtalik
- Erectile dysfunction
- Panunuyo ng bibig
- Anxiety
Peritoneal Dialysis
Photo from Pixabay
- Peritonitis, isang bacterial infection kapag hindi malinis ang equipment na ginagamit
- Pananakit ng tiyan
- Lagnat na lagpas 38C
- Paghina ng katawan
- Chills o pangangatog
- Hernia
- Pagtaas ng timbang
Kung masyado nang naabala gawa ng mga side effect na ito, pwedeng magpatingin sa doktor para mapayuhan ng mabuti.
Kawalan ng Bitamina sa Katawan
Bukod sa mga side effects na pwedeng maramdaman dulot ng dialysis, may epekto rin ito sa mga bitamina sa katawan. Dahil maaring mabigyan ng doktor ng espesyal na diet ang mga dialysis patients, may mga vitamins and minerals na hindi na nakukuha.
Huwag hayaan na kulang ang bitamina na nakukuha ng katawan. Lalo na at may mga vitamins na importante para sa mga kidney patients, pero nawawala kapag sumasailalim na sa dialysis.
- Vitamin D: Importante ang vitamin D para sa bone growth at maintenance.
- B Vitamins: Tinatawag na building blocks ng katawan
- Folic Acid: Kasama ng vitamins B6 at B12, tumutulong ang folic acid sa development ng red blood cells
- Ferrous Sulfate: Nakakatulong ang ferrous sulfate sa iron deficiency
Para madagdagan ang mga bitamina na ito sa katawan, may mga gamot o supplement na pwedeng inumin, tulad ng RiteMED Iron + Folic acid at RiteMED Vitamin B Complex. Ang mga bitaminang ito ay maaring magbalik ng mga nawalang nutrients sa katawan.
Dapat na kumonsulta sa doktor para malaman kung pwede ba ang mga gamot na ito sa pasyente. Ito ay dahil may mga pwede at bawal na gamot para sa iba’t ibang pasyente, depende sa kanyang kondisyon.
Madalas, ang dialysis isang lifetime treatment para sa kidney disease o failure, na isa ring chronic o pangmatagalan na sakit. Ngunit sa pagkaroon ng tamang kaalaman tungkol dito, maraming magagawa ang pasyente para mapabuti ang kondisyon nila.
References: