Mga Dapat Ihain sa Kids Kapag Masakit ang Tiyan

March 28, 2018

Dahil ang mga kids ay maitututring na maselan pa ang katawan, hindi nakakapagtataka kung bakit ito nagdudulot ng stress o pag-aalala sa mga magulang. Kung ang mga kids ay nakakaranas ng stomach pain, importante na malaman kung ano ito para malaman ang mga dapat gawin upang gumanda ang kanilang pakiramdam. Maliban dito, importante din na malaman ang mga pagkain na maaaring ibigay sa mga kids na nakakaranas ng stomach pain para masiguro na sapat pa rin ang nutrisyon na nakukuha nila. Ang mga sumusunod ay mga iba’t ibang sanhi ng stomach pain, symptoms ng mga ito at mga pagkain na dapat iwasan at ibigay sa mga kids na nakakaranas nito.

Iba’t ibang sanhi ng stomach pain

  • Diarrhea

Ang diarrhea ay isang uri ng stomach sickness na nagdudulot ng pagdalas ng pagbabawas at paglambot ng dumi. Ang sanhi ng diarrhea ay infection- viral, bacterial o parasitic.

            Symptoms

  • Abdominal cramps o sakit sa tiyan
  • Madalas na pagbabawas
  • Malambot o malambot na dumi

            Foods to avoid

  • Fried foods o piniritong pagkain
  • Foods with rich sauces o pagkain na may sauce
  • Fatty meat o laman na may taba
  • Citrus food
  • Artificial sugar
  • Dairy products
  • Too much fiber
  • Peppermint

            Foods to eat

  • Fruits tulad ng apple
  • Kanin
  • Patatas
  • Cereal o oatmeal
  • Saging na saba
  • Probiotics
  • Tubig (dahil ang diarrhea ay maaaring magdulot ng dehydration)

            Ang diarrhea ay tumatagal ng isa hanggang dalawang araw, subalit kailangan kumonsulta sa Doktor kung mayroong:

  • Lagnat na higit sa 37.8 C.
  • Katamtaman o malubhang stomach pain.
  • Bloody diarrhea na maaaring sinyales ng mulubhang pamamaga ng bituka.
  • Diarrhea na tumagal na higit pa sa 48 na oras.
  • Diarrhea na pabalik-balik.

 

  • Constipation

            Kung ang diarrhea ay ang madalas ng pagbawas, ang constipation naman ay isang uri ng karamdaman ng tiyan na nagdudulot ng hirap sa pagbabawas. Ang constipation ay dulot ng digestive disease o kadalasan ng pagbabawas at kakulangan ng fiber sa diet.

            Symptoms

  • Hirap sa pagbawas o madalang na pagbawas
  • Stomach cramps o pananakit ng tiyan
  • Bloating
  • Pagkawala ng gana kumain

            Foods to avoid

  • Saging o saging na saba
  • Chewing gum
  • White rice
  • Red meat
  • White bread
  • Chocolate
  • Dairy products
  • Fast food
  • Processed food at frozen food
  • Chips

            Foods to eat

  • Beans
  • Kiwi
  • Kamote
  • Popcorn
  • Almonds
  • Walnuts
  • Pumpkin seed
  • Sesame seeds
  • Pears
  • Apples
  • Strawberries
  • Blueberries
  • Broccoli
  • Dried fruits
  • Prunes

 

  • Stomach flu o gastroenteritis

            Ang stomach flu ay tinatawag na gastroentritis at ito ay isang impeskyon ng ng tiyan at bituka. Tinatawag ito “flu” subalit hindi ito katulad ng influenza dahil tiyan ang apektado at hindi baga. Ang stomach flu o gastroentritis maaaring ay sanhi ng mga virus o parasites.

            Symptoms

  • Diarrhea
  • Pagkahilo
  • Pagsusuka
  • Sakit sa tiyan
  • Lagnat

            Foods to avoid

  • Dairy products
  • Fatty foods
  • Spicy foods
  • Food high in fiber (hindi ito nakakabuti kung may diarrhea)
  • Sugar
  • Softdrinks
  • Citrus fruits (highly acidic)

            Foods to eat

  • Fluids (for hydration)
  • BRAT diet (banana, rice, apple sauce, toast)
  • Tea
  • Apple cider vinegar
  • Cinnamon and tumeric

 

  • Food poisoning

 

undefined

Source: https://stocksnap.io/photo/EV72FPAYVV

 

Ang food poisoning ay isang impeksyon sa tiyan na dulot ng pagkain ng kontaminadong pagkain.

            Symptoms

  • Sakit sa tiyan
  • Pagsusuka
  • Diarrhea o madalas na pagbawas

Kung ang mga sumusunod ay nararanas, kumonsulta agad sa doktor:

  • Fever
  • Dugo sa dumi
  • Sintomas ng dehydration (pagkahilo tuwing tumatayo, panghihina at pagkonti ng pag-ihi)
  • Diarrhea na tumagal ng higit sa 72 na oras
  • Pagsusuka na nagdudulot ng hirap sa pag-inom ng fluids

            Foods to avoid

  • Dahil ang food poisoning ay dulot ng pagkain ng kontaminadong pagkain, payo ng mga eksperto na iwasan ang mga malasa na pagkain. Ang mga sumusunod ay mga pagkain na maaaring kainin ng taong mayroong food poisoning.

            Foods to eat

  • Bananas
  • Cereal
  • Egg whites
  • Honey
  • Oatmeal
  • Peanut butter
  • Plain potatoes
  • Toasted bread
  • Apple sauce

Dahil ang stomach diseases ay nakukuha mula sa bacteria, virus at parasites, importante na laging ginagabayan ng mga magulang ang mga kids para mayroon silang tamang kaalaman sa proper hygiene at diet, upang maiwasan ang mga ito.

 

Source: