Ang baby teeth (primary teeth) ng bata ay kadalasang lumuluwag at natatanggal sa edad na anim na taon. Ito ay upang magbigay daan para sa bagong patubo na mga ngipin. Ngunit minsan, ang pagtubo ng ngipin ay naantala ng isang taon. Ang mga baby teeth ang nagsisilbing gabay sa paglabas ng permanent teeth. Isa sa maliit ngunit lubhang mahalagang hakbang ng pangangalaga sa sarili ang pagsisipilyo araw-araw.Bukod sa kailangan ito para maiwasan ang mabahong hininga, napoprotektahan din ang mga ngipin at gilagid sa pamamagitan ng pagsisipilyo.
Mabilis na malulusaw ng mga bacteria ang mga ngipin dahil sa pagkain ng mga madidikit at matatamis na pagkain at inumin at hindi sapat na pag-aalaga. At pag nasimulan ang pagkasira ng ngipin, sa loob ng 3-6 na buwan ay maaari nang maramdaman ng bata ang epekto ng sakit at impeksyon.
Ayon sa Mayo Clinic, ang mga bata ay mawawalan ng kanilang unang mga ngipin sa edad na 6. Tiyaking bisitahin ang dentista kung ang anak ay matatanggalan ng ngipin nang mas maaga. Ang hindi pagbisita sa dentista ay maaaring magresulta sa mas malaking problema.
ITO ANG MGA MAAARING GAWIN KAPAG MABUBUNGI NA ANG KIDS
Painumin ng tubig sa halip ng Juice o Soda
Ang mga juice, soda, at kahit gatas ay naglalaman ng asukal. Samantalang, ang tubig naman ay hindi nakakapinsala sa mga ngipin at nakakatulong sa paghuhugas ng anumang mga particle ng pagkain na maaaring kumapit sa ngipin.
Iwasan ang mga pagkaing matamis
Iwasan ang mga pagkaing matamis na nagtatagal sa mga ngipin. Ang mga lollipop, hard candies, cough drop, at mga mints ay nakapagbibigay ng kontribusyon sa pagkabulok ng ngipin dahil patuloy silang naglalagy ng mga asukal sa mga ngipin.
Iwasan ang mga sticky, chewy foods
Ang mga raisins, oatmeal cookies, peanut butter, beans, caramel, honey,jelly beans, molasses, at syrup ay dumidikit sa mga ngipin na lalong nagpapahirap para sa laway upang hugasan ang asukal. Kung ang iyong anak ay kumain ng mga ganitong uri ng mga produkto, siguraduhing agad nilang sipilyuhin ang kanilang mga ngipin pagkatapos kumain.
Dahan dahan na pagsisipilyo
Dahan dahang sipilyuhin ang ngipin upang hindi kusang matanggal ang nabubunging ngipin. Sa halip, hayaan na kusang matanggal ang ngipin. Ugaliing hikayatin ang mga kids na magsisipilyo ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw.
Tiyaking may malambot na bristles ang toothbrush
Tiyaking ang sipilyo ng mga kids ay may malambot na bristles. Ugaliing tulungan ang mga kids makakuha ng isang bagong sipilyo tuwing 3 buwan. Ang ilang mga toothbrush ay may mga bristle na nagbabago ng kulay kapag oras na upang baguhin ang mga ito.
Bumisita sa Dentista
Napakahalaga na masubaybayan ang kalagayan ng ngipin ng mga kids. Pumunta sa isang dentist kapag nakakaramdam na ng sakit ang mga kids.
UPANG MAIWASAN ANG PAGKABUNGI
TAMANG PAGKAIN
Nagsisimula ang malusog na ngipin sa kinakain. Simulang piliin ang mga kinakain ng mga kids upang lalong mapangalagaan ang kanilang ngipin. Hikayatin ang iyong anak na kumain ng regular na malulusog na pagkain at iwasan ang madalas na pagkain ng mga candy o junk food sa gabi.
SAPAT NA PAGSISIPILYO
Magsipilyo ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw. Ang paghikayat sa inyong anak sa pagsisipilyo ay maaaring makatulong sa kanya hanggang paglaki. Huwag din kakalimutan gumamit ng wastong dami ng toothpaste na may fluoride sa pagsipilyo sa mga bata.
REGULAR NA MAG PA CHECK UP SA DENTISTA
Ang iyong anak ay dapat bumisita sa dentista sa kanyang unang kaarawan. Ang maagang pag-iingat sa ngipin ng mga kids ay nakakatipid sa budget ng pamilya at nakakatulong upang hindi lumala ang nararamdamang sakit sa ngipin. Kung pipiliin niyong bumisita sa dentist tuwing may issue lamang sa ngipin, maaaring huli na ang lahat.
Ang balanseng pagkain na may kalsyum at bitamina A, C, at D ay makatutulong na mabuo ang mga ngipin, mula sa sinapupunan hanggang sa lubusan na itong mabuo. Ang maiinam na kaugalian sa pagkain ay makatutulong sa iyo na maingatan ang malulusog na ngipin, pero mag-ingat sa pagkaing mayaman sa asukal! Lalong nanganganib na masira ang ngipin dahil dito.
Ang pagkakaroon ng malusog na bibig ay kasama sa matibay na pangangatawan. Bukod sa pangkain at pangnguya, ginagamit ang mga ngipin sa pagsasalita at sa pagbibigay ng kumpiyansa dahil sa magandang ngiti at malusog na hininga. Ang pagpapanatiling malusog ng mga bibig ay madali lamang. Kailangan lamang ng regular na pagsisipilyo at pagbisita sa dentista.
References:
https://www.webmd.com/oral-health/guide/nutrition-childs-teeth#1
https://www.webmd.com/oral-health/dental-health-for-kids#1
https://www.colgate.com/en-us/oral-health/life-stages/childrens-oral-care/what-you-should-know-about-your-child-losing-baby-teeth-0414
https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/childrens-health/expert-answers/baby-teeth/faq-20058532
https://www.colgate.com/en-us/oral-health/life-stages/childrens-oral-care/what-you-should-know-about-your-child-losing-baby-teeth-0414
https://kidshealth.org/en/kids/teeth-care.html