Meal Plan Para sa mga Batang Athletes

July 30, 2018

Mayroon bang athlete sa inyong pamilya? Ang athlete diet ay kinakailangan ng tamang kaalaman at pagplano. Dahil mas madaming nagagamit na energy ang mga athletes, importanteng may tamang kaalaman tayo tungkol sa mga pagkain at nutrients na kailangan nila, para may sapat silang lakas at lumaki silang makisig.

 

Mga Pagkaing Mainam sa mga Athletes

 

Maaring isama ang mga sumusunod sa athlete diet plan:

 

  1. Nuts

 

Ang nuts ay puno ng healthy fats, fiber, protein, magnesium at vitamin E. Dahil sa mga nutrients na nakukuha sa nuts, perfect itong snacks para sa mga young athletes. Maaari itong ihalo sa cereal o gawing baon sa school.

 

  1. Seeds

 

Ang seeds ay kagaya ng nuts na puno ng healthy fats, fiber, magnesium at vitamin E. Dahil dito, maaari itong substitute o kapalit ng nuts, kung may allergy kayo dito.

 

  1. Cereal

 

Maraming cereal na pwede pagpilian sa mga bilihan, subalit kinakailangan na piliin ang mga cereal na mababa ang sugar content. Maliban dito, ugaliin na pillin ang cerals na fortified with folic acid, iron, calcium, vitamin A at vitamin E. Dahil maganda itong source ng nutrients, pwede itong kainin ng mga athletes for breakfast, lunch or dinner.

 

  1. 100% Orange juice

 

Ayon sa mga eksperto, maliban sa vitamin C, mayroong calcium at vitamin D sa orange juice, kaya maganda itong inumin para sa mga young athletes. Subalit ayon sa American Academy of Pediatrics (AAP), ang mga batang edad 7-18 years old ay dapat hindi sumobra ng isang baso. Ang isang baso ay sapat na para bigyang ng lakas ang mga athletes bago sumabak sa paligsahan.

 

  1. Beans

 

Ang beans ay mayaman sa fiber, protein, iron, zinc at magnesium- perfect sa diet plan ng mga young athletes. Maaari itong ihalo sa salad at pasta para gawing snack o meal.

 

  1. Low-fat yogurt

 

Ang yogurt ay magandang source ng calcium, vitamin D, potassium at protein, kaya maganda itong substitute sa mga unhealthy snacks ng mga young athletes.

 

  1. Dark green leafy vegetables

 

Ang mga dark green leafy vegetables kagaya ng kale, spinach at collared greens ay mayaman sa iron at calcium. Maganda itong kapares ng citrus fruits na mayaman sa vitamin C, at ng karne na mayaman sa iron- perfect sa mga growing young athletes.

 

  1. Lean meat

 

Ang lean meat o karneng walang taba ay perfect sa mga growing young athletes dahil mayaman ito sa protein at iron. Ang mga nutrients na ito ay importante sa growth development nila dahil nakakatulong ito sa pagpapalaki ng muscles at pagpapalakas ng katawan.

 

Maliban sa mga pagkaing mainam para sa mga young athletes, importante din malaman ang iba’t ibang tips para masigurado na lumaking strong and healthy ang mga young athletes. Ang ilan sa mga ito ay mga tips para sa ikabubuti ng ating mga young athletes:

 

  • Importante na uminom ng maraming tubig ang mga athletes, dahil sa dami ng tubig na nawawala sa katawan nila tuwing training. Payo ng mga eksperto na uminom sila ng tubig kada-15 hanggang 20 minutes ng training.

 

  • Siguraduhin na sapat ang pinapakain sa mga young athletes. Maaaring magtanong sa kanilang coach kung gaano kadalas at gaano kadami ang kinakailangan ipakain sa kanila, para magkaroon sila ng tamang athlete meal plan at para masigurado na nakakakuha sila ng sapat na pagkaing pagkukunan ng nutritsyon.

 

  • Magbigay ng walang sawang suporta. Lahat ng tao ay nakakaranas ng hirap at para sa mga young athletes, maaari din na maranasan nila ito. Importante na andiyan lagi ang pamilya para magbigay ng suporta sa mga young athletes, para sila mahikayat na magpursigi at gumaling.

 

 

Sources: