Ngayong summer, panahon ng mga kids para magpahinga sa mga school works at mag-enjoy, kung kaya’t importante na mapanatiling malakas ang resistensya ng mga kids mula sa mga summer diseases o sakit. Ang mga sumusunod ay mga common summer diseases o sakit, paano ito maaaring makuha at paano ito maiiwasan ng mga kids tuwing summer:
Dahil summer na, hindi maiiwasan na ang mga kids ay halos magdamag nakababad sa araw, lalong lalo na ngayon na uso pumunta sa beach at maglaro sa labas ng bahay. Ang sunburn ay nakukuha sa matagal na exposure sa UV rays ng araw. Nagdudulot ito ng pamumula at paghapdi ng balat, na maaaring hindi kanais-nais na pakiramdam para sa mga kids.
Ang UV rays ay nakakasama sa mga kids, at mas malakas ito from 10 am hanggang 2 pm, kung kaya’t dapat early morning or late afternoon ang activities ng mga kids. Dahil minsan hindi niiwasan na ma-expose ang mga kids sa araw tuwing summer, importante na binibigyan sila ng sapat na proteksyon para maiwasan ang UV rays na nagdudulot ng sunburn. Ang nakakasamang epekto ng UV rays ay maaaring maiwasan sa paglagay ng sun screen na mayroong SPF 30 o higit pa, 15-30 minutes bago sila lumabas ng bahay. Importante din na iwasan ang mga produkto na mayroong PABA dahil ito ay maaaring magdulot ng skin allergies. Kung ang kids naman ay mayroong sensitive skin, kailangan humanap ng sun screen na mayroong active indgredient na titanium oxide. Dahil protektado ang kids mula sa UV rays ng araw, maaari na nilang i-enjoy ang summer at kampante ka na hindi sila magkakaroon ng common summer disease na ito.
Isa sa mga common summer diseases ay ang sore eyes. Ito ay isang sakit na nagdudulot ng pamumula at pamamaga ng membranes na nakatakip sa puting bahagi ng ating mga mata at inner parts ng ating eye lids. Ang common summer disease na ito ay sanhi ng isang lubhang nakakahawa na virus na kung tawagin ay adenovirus. Kung ang bata ay kulang sa tulog, labis ang pagkamot sa kanilang mga mata, exposed sa araw at irritants, mas malaki ang posibilidad na sila ay magkaroon ng sore eyes.
Upang maiwasan ang sore eyes, lalong lalo na ngayong summer, importanteng sinisiguro na ang mga kids ay nakakatulog at nakakapagpahinga ng sapat. Maliban dito, importante na tinuturuan ang mga kids tungkol sa importansya ng paghugas ng kamay at masamang epekto ng madalas na pagkamot ng mata. Simple lang iwasan ang common summer disease na ito, kailangan lang ituro sa mga kids sa mga dapat gawin at hindi dapat gawin kung naglalaro sa labas ng bahay.
- Prickly heat o bungang araw
Ang prickly heat o bungang araw ay isang common summer disease ng mga bata at matatanda tuwing summer. Dahil mainit tuwing summer, hindi naiiwasan ang lubhang pagpawis ng katawan. Dahil dito, madaling bumara ang bacteria sa sweat glands na siya naman ay nagdudulot ng bultig bultig sa katawan. Kung ang mga butlig butlig na ito ay pumutok, nagdudulot ito ng pangangati sa katawan.
Upang maiwasan ang prickly heat o bungang araw ngayong summer, dapat maluwag o presko ang damit na pinapasuot sa bata para hindi ito agad mapawisan. Maliban dito, dapat ugaliin ang pagpalit ng damit tuwing pinapawisan ito. At dahil madalas pagpawisan ang mga bata tuwing summer, importante na pinapaliguan ito pagkatapos nito pagpawisan para matanggal ang mga bacteria sa katawan.
Ang heat stroke ay isang kondisyon na dulot ng pagka-expose ng matagal sa init. Dahil sa sobrang init at madalas na exposure sa araw, malaki ang posibilidad na ma-heat stroke ang mga bata.
Dahil ang heat stroke ay dulot ng mainit na temperatura, dapat ma-regulate ang temperatura ng mga kids. Siguraduhin na uminom ng walo o higit pa na baso ng tubig ang mga kids kung nasa labas ng bahay para mapanatili itong fresh at hydrated. Kung mainit naman sa loob ng bahay, maaari rin gumamit ng aircon o electric fan para lumamig at umaliwalas ang bahay.
Source: https://pixabay.com/en/spit-food-barbecue-kebab-gourmet-3196409/
Ang diarhea ay isang common summer disease na nakakaapekto sa mga kids at matatanda. Ito ay isang stomach disease o sakit sa tiyan na maaaring magdulot ng pagsusuka o madalas na pagbawas. Nakukuha ito sa dumi, kontaminado at sirang pagkain. Dahil mainit ang panahon tuwing summer, labis na mas mataas ang posibilidad na ang pagkain ay masira, kung kaya’t dapat i-check ang pagkain na ihinahain sa pamilya, lalong lalo na ang mga pagkain na dala sa mga outing. Para malaman na sira ito, tingnan ito, amuyin ito at tikman ito. Maliban sa kontaminado at sirang pagkain, nakukuha din ang common summer disease na ito sa dumi o bacteria, kung kaya’t dapat ugaliin ang paghugas ng kamay bago kumain para maiwasan ito.
Ang rabies ay isang nakamamatay na sakit na nakukuha mula sa saliva o laway ng mga hayop kagaya ng aso, pusa, at iba pa na mayroong rabies. Maaari itong makuha kung ang sugat ay na-expose sa saliva ng hayop na may rabies. Isa sa mga pinaka-common na sanhi ng rabies ay ang kagat ng aso at pusa. Dahil madalas na nasa labas ng bahay ang mga bata, importante na sinisiguro ng mga may bahay na ang kani-kanilang mga pets ay kumpleto at updated sa anti-rabies shots at iba pang bakuna. Sa paraang ito, ligtas ang kids at home at ang mga kids na posibleng makasalubong ng pets. Importante din na pagsabihan ang mga kids na wag lumapit sa mga hayop, lalong lalo na kung hindi nila ito kilala para maiwasan makagat nito. Kung ang bata ay nakagat ng aso, pusa o anumang hayop na maaaring may rabies, dalhin siya agad sa hospital upang mabigyan ito ng anti-rabies shots at ipaalam sa may-ari nito na ang alaga nila ay mayroong nakagat.
- Cough and colds (Ubo at sipon)
Ang cough and colds ay common tuwing summer dahil sa biglaang pag-ulan. Maliban dito, dahil madalas na nasa labas ang mga kids tuwing summer, highly exposed sila sa common summer disease na ito.
Upang maiwasan ang cough and colds tuwing summer, siguraduhin na sapat ang pahinga ng mga kids, nakakainom ito ng madaming tubig, kumakain ito ng mga pagkain na rich in Vitamin C and Zinc na siyang nakakatulong magpalakas ng resitensya ng mga kids laban sa cough and colds.
Dahil summer time na at mas madaming time ang mga kids para sa extra-curricular activities, dapat laging protektado ang mga kids sa mga common summer diseases at handa ang mga magulang sa mga ito para tuloy tuloy ang pag-enjoy ng mga kids ngayong summer. Laging tandaan, summer lang ang panahon ng mga kids para gawin ang mga bagay na hindi nila pwedeng gawin tuwing may pasok, kung kaya’t dapat sinisigurado na hindi ito naaalintala dahil sa mga sakit tuwing summer.
Sources: