Ang headache o sakit ng ulo ay maaaring maranasan ng kahit sino. Bagama't mas madalas itong nararamdaman ng adults, may mga pagkakataon din na nagkakaroon nito ang mga bata. Paano mo malalaman kung anu-ano ang sanhi ng sakit ng ulo ng anak mo? Tingnan dito ang iba't ibang uri, sanhi, sintomas, at lunas para sa mga ito para mabigyan sila ng tamang alaga.
Migraine
Ang migraine ay isang uri ng headache na sinasamahan ng pulsing o tumitibok na sakit sa isang side ng ulo. Hindi pa proven ang totoong dahilan nito pero ayon sa pag-aaral, dahil ito sa deficiency sa brain chemical na serotonin.
Ilan sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng migraine ang mga bata ay dahil sa emotional o physical stress (kaya tinatawag din itong stress headache) sa pamilya o sa school, pasimulang sakit, o kaya naman ay na-trigger ng ilang pagkain at inumin gaya ng chocolate, cheese, shellfish, nuts, at maaalat na pagkain. Pwede rin itong makuha sa pagkahulog lalo na kung tumama ang ulo ng bata sa matigas na bagay. Kung may history naman ng migraine ang isa sa parents, pwede itong mamana ng mga bata. Kahit babies ay nagkakaroon nito.
Sa matatanda, ang migraine ay madalas mayroong kasamang nausea at pagsusuka. Here are some of the migraine symptoms in children:
- Pagkahilo
- Pagsusuka
- Sensitivity sa liwanag at ingay
- Para sa mga babies, pwede nila itong i-communicate sa pag-iyak habang hinahawakan ang ulo o hinihila ang buhok
- Sakit ng tiyan
- Sakit ng ulo na bumababa sa eyes, temples, at forehead
Kadalasan, nawawala ang migraine sa kumpletong tulog at pahinga. May mga available din na gamot para dito pero hindi nirerekomenda na painumin ang mga bata dahil sa taas ng dosage ng mga ito. Iwasan din ang mga pagkain na maaaring nag-trigger nito at siguraduhing makakapagpahinga sa isang tahimik na lugar ang bata para mawala ang sakit ng ulo. Mainam pa rin na magpakonsulta sa doktor lalo na kung pabalik-balik ang migraine at matindi ang sakit na dala nito.
Sinus Headache
Ang sinus headache ay isa pang uri ng sakit ng ulo na madalas napagkakamalang migraine. Mayroon din namang sinus headache na nagsisimula sa migraine.
Ang karaniwang sanhi ng sinus headache ay viral o bacterial infection. Ito ay pwedeng maranasan ng mga bata lalo na kapag may sipon o pasimula pa lang ng pagkakaroon nito.
Para matukoy kung ito ang headache na mayroon ang anak mo, bantayan ang mga sumusunod na sintomas:
- Malapot at hindi clear na nasal discharge
- Kawalan ng pang-amoy
- Lagnat
- Pagkahilo
- Moderate to severe headache na tumitibok sa isang side
- Sensitivity sa liwanag at ingay
Para sa ganitong klase ng headache, doktor lang ang makakatukoy kung viral o bacterial ang sanhi nito. Kung bacterial ito, maaaring resetahan ang bata ng antibiotics o kaya naman ay decongestant o antihistamine. Kadalasan, kung viral cause ang nagdala ng sinus headache ay kusang nawawala ang symptoms nito. Pwedeng bigyan ang kids ng acetaminophen o ibuprofen kung papayagan ng kanyang pediatrician.
Tension Headache
Photo from Pexels
Ang tension headache ay isang uri ng sakit ng ulo. Maaaring dala ito ng sobrang physical activity.
Para sa mga sanhi nito, nakukuha rin ang tension headache sa stress gaya ng migraine at sa pressure mula sa pag-iisiip. Pwede rin itong manggaling sa matinding init o lamig at pagod sa paglalaro o pag-aaral.
Kung mapapansin ang mga symptoms na ito, maaaring tension headache ang nararanasan ng anak mo:
- Pananakit ng muscles sa ulo o leeg
- Sakit ng ulo na walang kasamang pagsusuka o pagkahilo
- Sakit ng ulo na walang pagpintig o pagtibok
- Pagiging matamlay
Ang normal na tension headache ay tumatagal ng 30 minutes hanggang ilang araw. Para maka-recover mula rito, subukang pagpahingahin ang bata, paliguan gamit ang warm water para ma-relax ang muscles, at i-manage ang kanyang stress level. Halimbawa, kung nagre-review para sa exam ang bata, mabuting bigyan siya ng nap break para maipahinga ang isip at mga mata.Kung makalipas ang ilang araw ay hindi pa umiigi ang pakiramdam, kumonsulta sa pediatrician para mabigyan siya ng tamang gamot para dito.
Cluster Headache
Ang cluster headache ay isa sa mga pinaka-common na sakit ng ulo sa mga bata. Mas madalas itong nararanasan ng kids kesa sa adults. Nagsisimula ito nang mabilis, at ang pinakamasakit na atake nito ay kapag nakalipas na ang 15 minutes. Tumatagal ito ng 30 minutes hanggang 3 hours.
Ilan sa mga trigger ng cluster headache ay stress, bright lights, at matinding init. Kung may problema sa sleeping habits ang kids, maaari rin itong makaapekto sa pagkakaroon ng sakit ng ulo na ito. Kasama na rin sa possible causes ang genetics at head trauma.
May ilang mga sintomas na pwede ninyong bantayan para matukoy kung ito ang klase ng headache na meron ang anak ninyo. Kasama na rito ang:
- Matinding sakit sa isang side ng ulo na parang tinutusok
- Nagluluha na mga mata
- Baradong ilong
- Namumulang mukha
- Pagkapagod
- Sensitivity sa ingay or liwanag
Para ma-manage at maagapan ang ganitong sakit ng ulo, mag-set ng regular na sleep schedule para sa bata. Kailangang makabuo ng pattern na magigising at matutulog siya ng sakto sa oras. Pwede ring kausapin siya tungkol sa nararansang stress, kung meron man. Mahalaga rin na ipatingin siya sa doktor lalo na kung napansin na ang headache patterns na nangyayari sa kanya.
Home Remedies for Headache
Dahil common lang ang pagkakaroon ng sakit ng ulo kahit sa mga bata, narito ang mga pwede mong gawing pag-iingat at solusyon:
- Kausapin ang anak tungkol sa mga triggers ng kanyang headache. Kung may pagkain, inumin, bagay, o gawain na nagdudulot nito, mainam na paiwasan ito sa kanya.
- Siguaduhing sapat ang iniinom niyang tubig sa isang araw. Dehydration ang isa sa mga sanhi ng anumang klase ng headache.
- Kapag may sakit na ng ulo, tukuyin muna kung anong klaseng headache ito para mabigyan ng tamang lunas. Pwede siyang bigyan ng headache medicine gaya ng paracetamol na nirerekomenda ng kanyang pediatrician kung talagang nakakaapekto na sa kanyang regular daily routine ang sakit ng ulo.
- I-monitor ang pagtulog ng bata. Ang sapat na pahinga gabi-gabi ay makakatulong para maiwasan ang pagod at stress na dala ng school, pagbabasa, at ibang activity. Kailangan din ito para mag-function ng normal ang katawan.
- Samahan ng healthy diet ang tamang pahinga. Kung ang sakit ng ulo ay sintomas ng pagkakasakit, mainam na malakas ang kanilang resistensya para hindi na ito lumala.
Sources:
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/headaches-in-children/symptoms-causes/syc-20352099
https://kidshealth.org/en/parents/sinusitis.html
https://www.webmd.com/migraines-headaches/guide/your-childs-headache#2
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/tension-headache/diagnosis-treatment/drc-20353982
https://www.drugs.com/cg/cluster-headache-in-children.html
https://www.psychologytoday.com/us/blog/the-power-imagination/201106/7-soothing-remedies-kids-headaches