Household Chores that will Keep Kids Active

June 30, 2018

                As young as 4 years old, maaari nang turuan ang mga bata na tumulong sa iba’t ibang household chores. Upang malaman ang mga maaaring gawin ng mga kids para makatulong sa bahay, importanteng tanungin ang sarili kung ano ang nais natin matutunan nila at anu-ano ang mga household chores na kaya nilang gawin. Ang mga sumusunod ay iba’t ibang household chores (pang sarili o pang pamilya) na maaaring gawin ng mga kids, depende sa kanilang edad:

 

4-5 years old

 

Pang sarili

 

  • Pagtulong sa pag-ayos ng kama

Ang pag-ayos ng kama ay isang magandang leksyon para sa mga batang murang edad, dahil  tinuturuan sila sa napakamurang edad na kinakailangan ayusin ang isang bagay pagkatapos nitong gamitin. Maliban dito, isa itong maganda simple exercise tuwing umaga dahil nakakatulong itong makawala ng antok.

 

  • Pag-organize ng toys

Maliban sa pag-ayos ng bed,  maaari din turuan ang kids na ibalik ang toys pagkatapos itong gamitin. Para maging interesado ang mga kids dito, kinakailangan na gawin itong parang game para maging fun ito sa kanila.

 

Pang-pamilya

 

  • Paglagay ng damit sa laundry basket

Ang pagturo ng pag-lagay ng damit sa laundry basket ay importanteng matutunan ng mga bata dahil tinuturuan sila maging malinis at organized.

 

  • Pagbigay ng pagkain sa pets (kinakailangan ang patnubay)

Kung dry food o pellets ang binigay sa mga pets, maaaring i-assign ang kids para gawin ito. Kinakailangan lang silang turuan kung gaano kadami ang dapat na binibigay na pagkain. At siyempre, kailangan na binabantayan sila tuwing ginagawa ito upang makasigurado na tama ang binigay ng mga kids sa ating mga pets.

 

  • Pagtulong sa paglinis ng natpon mga na pagkain o inumin (kinakailangan ang patnubay)

Tuwing mayroon natapon na pagkain o inumin, maaaring ipatulong ang mga kids na punasan ito. Magandang itong matutunan dahil tinuturuan sila na kinakailangan linisan ang isang bagay na nadumihan. Siguraduhin lang na tutulong sila kung walang basag na baso, dahil maaaring masugatan sila nito.

 

  • Dusting o pagpunas ng toys

Maliban sa pag-balik at organize ng toys pagkatapos itong gamitin, maganda din na turuan silang punasan ang toys. Kung may allergies ang kids, maaari silang pasuotin ng mask para hindi ito ma-trigger. Maganda itong leksyon dahil natututo sila sa konsepto ng pagmamay-ari at responsibilidad para sa kanilang pagmamay-ari.

 

6-7 years old

 

Pangsarili

 

  • Pagayos ng kama

Sa edad na ito, maaari na nilang gawin ito kahit walang patnubay ng mga magulang.

 

  • Pagorganize ng gamit for school (kinakailangan ang patnubay)

Dahil tinuruan na sila ng importance ng pag-ayos ng mga laruan, mas mauunawaan na nila ang importance ng pag-ayos ng mga kakailanganin nilang gamit for school. Importante lang na i-check ang bag para makasigurado na ang gamit na pi-nack ay kumpleto.

 

Pangpamilya

 

  • Pagfold ng damit

Perfect ang age na ito para turuan ang mga kids kung paano mag-fold ng sariling damit, dahil importante itong praktikal na skill.

 

  • Paglagay ng damit sa cabinet

Sa edad na ito, maliban sa mga laruan at gamit sa school, importante na matutunan nila ang pag-ayos ng sarili nilang gamit. Maganda itong physical and mental activity, dahil kinakailangan nilang i-organize ang kanilang mga damit by color.

 

  • Pagmop, lampaso at walis ng sahig (kinakailangan ang patnubay)

Ang mga gawain na ito ay importanteng matutunan at magandang exercise para sa mga kids, subalit kinakailangan nito ng patnubay dahil posible na hindi ito kasing linis kung mas nakakatanda ang gagawa. Ang importante lang ay ma-experience at matutunan nila ito.

 

8-10 years old

 

Pang-sarili

 

  • Paglinis ng kwarto

Dahil mas may kakayanan na ang mga kids, kaya na nilang linisin at ayusin ang kani-kanilang kwarto. Siguraduhin lang na i-check ang kwarto para masiguro na maayos ang paglinis ng kwarto.

 

  • Paghiwalay ng puti at dekolor na damit

Dahil sanay na sila sa pag-organize ng mga gamit, importante na tinuturuan sila sa paghiwalay ng puti at dekolor na damit. Dito nila matutunan ang isa sa pinakaimportanteng bagay sa paglaba ng damit.

 

  • Pagorganize ng damit sa cabinet

Kasabay ng paglinis ng kwarto ay ang pag-organize ng mga damit sa cabinet. Magandang leksyon ito sa mga kids na kung may sistema ang pagka-ayos ng mga bagay, mas madaling kumuha dito.

 

 

Pangpamilya

 

  • Pagwalis at mop sa sala

Dahil nasa edad na sila, mas kaya na nilang tumulong sa mga pang-pamilyang household chores na walang patnubay. Maliban sa maganda itong physical activity, nakakatulong itong mapanatiling malinis ang tanahan.

 

  • Paghugas ng pinggan (kinakailangan ang patnubay)

Sa edad na ito, maaari nang turuan ang mga kids kung paano maghugas ng plato. Kinakailangan na na i-check ang mga pinaghugasan para makasiguro na husto ang paghugas ng mga pinggan. Maaaring simulan ito sa pag-assign sa kanila sa pag-hugas ng mga baso, bago ito bigyan ng mas malaking responsibilidad. Bantayan din ang kids sa mga household products na gagamitin nila para makasiguro na safe ang mga kids.

 

  • Empty trash cans

Dahil may pagkaka-intindi na sila tungkol sa importansya ng paglinis ng tahanan, maaari na silang i-assign para magtapon ng basura mula sa mga basurahan sa loob ng bahay.

 

  • Pagfold ng mga damit

Pwede na din silang tumulong sa pag-fold ng damit ng pamilya, at hayaan na sila ang maglagay ng sarili nilang damit sa kanilang cabinet.

 

  • Pagpakain sa pets

Ang pagpapakain sa pets ay maaari na rin nilang gawin na walang patnubay. Pwede din silang utusan para palakarin ang aso, dahil maganda din itong exercise para sa kanila.

Ang pagtulong sa mga gawain sa bahay ay magandang exercise para sa mga kids at tinuturuan sila nito ng responsibilidad. Subalit, kailangan tandaan ang mga ito:

 

Maging patient

Ang mga kids ay mas gustong maglaro sa labas kesa tumulong sa mga gawain sa bahay. Kailangan maging patient ng mga magulang na mayroong mga pagkakataon na hindi nila gusto gawin ito.

 

Wag masyadong strict

Dahil mura pa ang edad ng mga ito, hindi laging perpekto ang output nila, kung kaya’t hinihikayat na ang ilang mga gawain ay kinakailangan ng patnubay ng magulang.

Ano man ang gawain na ituturo sa mga kids, importante na ipaintindi sa mga ito ang importasya kung bakit ito kailangan gawin. Maliban dito, kinakailangan na gawin ito ng buong pamilya para hindi ito matuturing trabaho, kundi gawain ng buong pamilya. Ang importante lang ay masaya at nagtutulungan ang buong pamilya sa tahanan.

 

Sources:

http://raisingchildren.net.au/articles/tasks_and_chores_involving_kids.html

https://www.webmd.com/parenting/features/chores-for-children#1

https://www.focusonthefamily.com/parenting/parenting-challenges/motivating-kids-to-clean-up/age-appropriate-chores?p=1174003