Healthy Cold Treats Para sa Mga Bata

May 22, 2018

Sa darating na tag-init, mainam na bigyan ng healthy treats ang mga bata lalo na at maguumpisa na ang summer vacation ng mga chikiting. Panahon ng walang katapusang paglalaro sa labas kasama ang mga kaibigan sa ilalim ng sikat ng araw. Imbis na nakatunganga lang ang mga bata, mahalagang panatilihing active ang mga kids sa pamamagitan ng pagkakaroon ng madaming activities para sa kanila ngayon.

Tuwing summer, masarap bumiyahe at lalong masarap kumain! Ang mga pagkain ng mga kids ay hindi lang  dapat masarap, mas maganda kung makatutulong din ang mga meryenda sa pagpapaganda ng kanilang kalusugan.

Heto ang iba’ibang Healthy Cold Treats para sa mga bata

 

Pakwan

Ang mga pampalamig ngayong tag-init, maaaring gawing healthy sa pamamagitan ng mga prutas katulad ng pakwan! Mag slice lamang ng pakwan at ilagay sa refrigerator upang lumamig.

undefined

Halo-halo

 Mga sangkap na kinakailangan:

Shaved ice or crushed ice

Bananas, diced (sweetened or ripe)
Langka (canned or sweetened)
Hilaw na mangga, sliced
Tapioca (cooked or soaked in brown sugar syrup)
Garbanzo beans (sweetened)
Mung beans (sweetened)
Nata de coco
Rice Krispies o dinurog na sweetened rice
Gelatin
Cream of corn o corn kernels

Ube

Leche Flan
Vanilla ice cream
Asukal
Evaporated milk

 

Hakbang sa pagluluto:

1. Sa isang mataas na baso, magdagdag ng teaspoon ng bawat sangkap. Magdagdag ng asukal kung kinakailangan.
2. Idagdag and shaved o crushed ice hanggang mapuno ang baso.
3. Lagyan ng gatas

4. Ilagay ang additional ingredients: leche flan, ube, vanilla ice cream. Idagdag ang rice krispies
5. I-serve, halo-haluin at enjoy!

undefined

Fruit Jelly

Ang Fruit Jelly ay hindi lang pumapawi ng init, ang jelly ay mabuti ring pagkain para sa digestive system. Ang collagen naman mula sa seaweed, na nahahanap sa agar-agar gelatine, ay nagpapalakas ng buto at kasukasuan, at nagpapaganda rin ng kutis. Bigyan ng happy ending ang meal sa paghahanda ng nutritious food na ito.

Mga sangkap na kinakailangan:

  • 4 cups fruit juice
  • 1 cup hiwang mangga
  • 1/2 stick ng agar-agar gelatine, dinurog
  • 1 cup ng tubig

Hakbang sa pagluluto:

  1. Sa isang kaserola, ilagay ang tubig at ang agar-agar gelatine. Pakuluin at haluin upang matunaw ang gelatine. Itabi pagkatapos.
  2. Sa isa pang caserola, ilagay ang 2 cups ng fruit juice at mangga. Pakuluin. Patayin ang apoy at isama dito ang tinunaw na gelatine at ang natitirang fruit juice.
  3. Ilagay sa mold. I-refrigerate ng 3-4 oras o isang buong gabi upang tumigas. Hiwain at ihain.

Sago't Gulaman

Mga sangkap na kinakailangan:

Tapioca pearls o Sago
Gelatin powder
Brown sugar
Vanilla extract
2 to 3 cups water

Hakbang sa pagluluto:

1. Lutuin ang sago at gelatin sa kawali. Nasa instructions sa mga package nito ang tamang pagluluto.
2. Ilagay ang brown sugar sa isang kawali at tunawin gamit ang mahinang apoy.
3. Pag natunaw na ang asukal, idagdag ang water at vanilla extract.
4. Pakuluin at haluin hanggang matunaw ang asukal. Tandaan na hinaan lang ang apoy para di masunog ang asukal.
5. Patayin ang stove para lumamig ang mixture.
6. Sa isang baso, haluin ang sago, sliced gelatin (gulaman), asukal (depende sa inyong panglasa) at isang cup ng malamig na tubig. Haluin sa isang baso.

 

Buko Pandan Salad

Mga sangkap na kinakailangan:

Gelatin (Pandan flavor)
3 pcs. Buko, shredded, defrosted, drained
Cream or thick cream (1 can)
Sweetened condensed milk (1/2 cup)

Hakbang sa pagluluto:

1. Lutuin ang gelatin. Ibuhos ang mixture sa isang pinggan. Palamigin para tumigas.
2. Hatiin ang gelatin sa cubes. Itabi.
3. Sa isang mixing bowl, haluin ang buko, cream at condensed milk. Tikman para malaman kung kailangang pang magdagdag ng condensed milk.
4. Takpan ng plastic wrap, palamigin, at i-enjoy!

Tandaan na ang pabibigay ng mga treats o meryenda ay malamang bahagi ng pang-araw-araw na iskedyul ng iyong anak - at hindi iyon kadalasang masama. Ang pabibigay ng healthy treats ay nakakatulong upang mapalusog at makatulong upang mapuksa ang kagutuman ng iyong anak sa buong araw.

 

Reference:

https://www.bellamysorganic.com.au/blog/healthy-frozen-snacks-to-cool-kids-down-in-summer/

https://www.foodnetwork.com/grilling/healthy/photos/healthiest-frozen-treats-your-kids-will-love

https://www.superhealthykids.com/recipe-category/popsicles-and-frozen-treats/