Healthy and Easy Breakfast Recipes for Kids

June 30, 2018

Ayon sa ilang mga experts, “breakfast is the most important meal of the day”. At para sa mga growing kids, kinakailangan nila ng sapat na nutrisyon para puno sila ng energy para harapin ang kanilang activities sa school. Ang mga susunod ay iba’t ibang healthy and easy-to-make breakfast recipes na perfect for kids:

 

  1. Breakfast Popsicle

 

Ang mga kids ay madalas pihikan sa pagkain, kaya importante na gawing fun ang mga sineserve sa kanila para nakakasiguro ang mga mommies and daddies na kakain ang mga kids at nakukuha nila ang nutrisyon na kinakailangan nila. Ang recipe na nito ay isang fun na recipe na ginagawang dessert ang breakfast for kids.

 

Ingredients:

 

Yogurt (Ideally non-fat)

Fruits (Depene sa preference ng kids)

 

Materials:

 

Knife

Chopping board

Mixing bowl

Spoon

Popsicle mold

Popsicle stick

 

Procedure:

 

  • I-slice ang fruits ng maliliit na sizes
  • Ilagay sa mixing bowl ang yogurt at fruits
  • I-mix ang mga sangkap
  • Ilagay ang mga sangkap sa popsicle mold
  • I-freeze overnight
  • I-serve sa kids in the morning

 

  1. Open-faced Tomato Sandwich

 

Ayon sa mga chefs, ang mga tao ay ‘di lang kumakain base sa amoy at lasa dahil ginagamit din natin ating mga mata para husgahan kung masarap ang isang dish. Ang recipe na ito ay isang easy to make recipe na siguradong mapapa-wow ang mga kids.

 

Ingredients:

 

Wheat bread

Tomato

Eggs

Cheddar cheese (slices)

Salt

Pepper

Olive oil (pwede din normal cooking oil)

 

Materials:

 

Frying pan

Spatula

Knife

Mixing bowl

Fork

Chopping board

 

Procedure:

 

  • Wash tomatoes
  • Cut tomatoes into thin slices and i-set aside
  • Crack eggs into bowl
  • Add salt and pepper
  • Mix eggs
  • I-preheat ang pan at lagyan ng konting olive oil
  • Lutuin ang scrambled eggs
  • Kapag malapit na maluto ang scrambled eggs, hatiin kung ilan ang sandwich na gagawin
  • I-patong ang cheese slices sa scrambled eggs, takpan ang pan at hintayin mag-melt ang cheese for 1-2 minutes over low-medium heat
  • Habang inaantay mag-melt ang cheese, lagyan ng 1 tomato slice kada wheat bread.
  • Ipatong ang eggs with cheese sa tomato sandwich
  • Palamigin ng konti bago i-serve sa kids
  • Best served ito with real fruit juice

 

  1. Breakfast burrito

 

undefined

Source: https://www.pexels.com/photo/burrito-chicken-delicious-dinner-461198/

 

Dahil pihikan ang mga kids sa pagkain, maganda na ine-expose sila sa iba’t ibang cuisine sa murang edad para maging mas malawak ang kanilang kaalaman tungkol sa pagkain. Ang recipe na ito ay isang paraan para ma-expose ang mga kids sa mga pagkain ng mga dayuhan. Isa itong Mexican dish na ginawang simple dahil breakfast ingredients ang ginamit para dito.

 

Ingredients:

 

Whole wheat tortilla

Eggs

Cheese

Salt

Pepper

Olive oil (pwede din normal cooking oil)

 

Materials:

 

Frying pan

Spatula

Knife

Mixing bowl

 

Procedure:

 

  • I-slice ang bell pepper into small dices
  • Scramble eggs sa mixing bowl
  • I-gisa ang bell peppers
  • I-dagdag ang eggs
  • I-dagdag ang cheese, salt and pepper
  • I-lagay ang scrambled eggs sa tortilla at i-roll
  • Serve to kids with fruit juice

 

  1. Mango and Berry Swirl

 

Kagaya ng sabi ni Ms. Judy Ann Santos sa kanyang cooking show, “Kung ayaw kumain ng mga kids ng fruits, kailangan nilang inumin ito.” Dahil nga pihikan ang mga kids, kinakailangan maging creative ang mga parents kung paano nila mapapakain ng fruits ang mga kids. Ang recipe na ito ay isang creative na recipe dahil maituturing dessert ito, kung kaya’t siguradong magugustuhan ito ng mga kids.

 

Ingredients:

 

Mangoes

Berries

Ice

Water

 

Materials:

 

Knife

Chopping board

Blender

Cups

Straw

 

Procedure:

 

  • I-slice ang fruit into small bits
  • Ilagay ang fruits, ice and sugar sa blender
  • I-blend ito hangga’t sa maging parang slushie ito. Lagyan ito ng tubig para makuha ang desired texture ng slushie.
  • I-serve sa kids

 

  1. Peanut Butter Roll

 

Sawa na ba ang mga kids sa boring sandwiches? Ang recipe na nito ay isang alternatibo sa nakasanayang sandwich ng mga kids.

 

Ingredients:

 

Whole wheat bread

Peanut butter (low fat)

Granola (optional)

 

Materials:

 

Butter knife

 

Procedure:

 

  • I-spread ang peanut butter sa whole wheat bread
  • Lagyan ito ng granola bits
  • I-roll ito na parang burrito
  • Serve to kids with fruit juice

 

  1. Peanut Butter Banana Sandwich

 

Ang recipe na ito ay rich in protein mula sa peanut butter at potassium mula sa banana. Ang recipe na ito ay isang yummy and quick recipes na pwede gawin para sa mga kids sa loob ng limang minuto. Siguradong magugustuhan ito ng mga kids at makakatipid sa oras ang mga parents.

 

Ingredients:

 

Banana

Peanut butter (low fat)

Granola (optional)

 

Materials:

 

Butter knife

 

Procedure:

 

  • I-slice ang banana ng pahaba
  • Lagyan ito peanut butter at granola
  • Serve to kids with fruit juice or milk

 

  1. Strawberry and Butter Toast

 

Ang recipe na ito ay mabilis lang kung mayroon nang strawberry jam na prepared. Para makasigurado na healthy ang strawberry jam, maganda kung ito ay homemade, pero pwede din ang mga nabibili sa supermarket. Para sa healthy homemade strawberry jam recipe, maaari itong makita dito.

 

Ingredients:

 

Homemade strawberry jam

Butter

Whole wheat bread

 

Materials:

 

Butter knife

Toaster

 

Procedure:

 

  • I-toast ang bread
  • Habang mainit ba ang bread, i-spread ang butter dito, then i-spread ang strawberry jam
  • Serve to kids with milk

 

Ang mga recipes na ito ay ilan lamang sa mga quick and healthy breakfast na pwedeng ihain sa kids para makasigurado na sapat ang nutrisyon na nakukuha nila tuwing umaga. At siyempre para extra sure ka na complete ang nutrisyon na nakukuha ng kids, maaari din silang bigyan ng vitamins pagkatapos nilang kumain ng breakfast. Maaari silang bigyan ng ascorbic acid, zinc-c o multivitamins para sigurado ka na sapat ang nutrisyon at malakas ang resistensya ng mga kids mula sa mikrobyo at polusyon.

 

Sources: