Mga mommies, malapit nanaman matapos ang isang taon ng pag-aaral ng inyong mga anak at magsisimula na muli ang summer o ang tag-init. Panahon ng walang katapusang paglalaro sa labas kasama ang mga kaibigan sa ilalim ng sikat ng araw. Imbis na nakatunganga lang ang mga bata, mahalagang panatilihing active ang mga kids sa pamamagitan ng pagkakaroon ng madaming activities para sa kanila ngayong. Mahilig maglaro at gumalaw ang mga bata at ang kakulitan na ito ang nagsisilbing pang araw-araw na eherysisiyo nila.
Ano nga ba ang benefits ng pagiging active ng kids?
Nakakatulog ang daily exercise ng mga bata sa pagkakaroon ng matibay na buto at malakas na muscles. Nakakatulong din ito sa pagpapanatili ng tamang timbang ng mga bata. Dahil sa mga iba’t ibang summer activities ng kids, nagkakaroon din sila ng mas magandang tulog tuwing gabi at nagiging maganda ang pakikitungo nila sa kanilang mga kaibigan, pamilya, at iba pa.
Ano nga ba ang mga healthy activities na pwedeng gawin ng kids ngayong summer?
- Sports Clinics
Summer ang perfect time para mag-enroll ang inyong mga anak sa mga sports clinics. Madaming available na sports na maaring subukan ng inyong anak. Bawat summer samu’t saring mga clinics ang nagbubukas para sa mga bata at teenager. Ilang sports na may summer clinics ay katulad ng basketball, football, swimming, volleyball, badminton, tennis, at madami pa. Halos lahat ng sports na iyong maiisip ay mayroong klase para sa mga bata. Makakatulong ang summer clinic sa inyong anak dahil magiging aktibo ang kanilang katawan buong summer. Ang ehersisiyo na makukuha nila mula sa sports ay makakatulong sa kanilang paglaki.
- Pagluluto
Hindi lahat ng mga kids ay mahilig maglaro ng sports. Hindi man sila active sa sports, maaring maging active pa rin ang kids sa pamamagitan ng pagluluto. Hindi lamang iyon, magandang turuan din ang kids na magluto ng healthy na ulam upang mas masanay sila na gumawa at kumain ng mga masusustansiyang pagkain. Ang mga lutong bahay ay mainam dahil karaniwan na mas nakakabuti ito sa mga bata kaysa mga fast food. Magandang bonding activity ang pagluluto para sa buong pamilya - hindi lamang para sa mga mommies at kids. Isama na rin sina daddy, ate, at kuya!
- Pamamasyal o Travelling
Perfect time ang summer para makapagbakasyon ang buong pamilya. Kapag summer, nasa isip talaga ng mga bata na makakapunta sila sa iba’t ibang lugar katulad ng probinsiya o di kaya naman ay sa beach. Summer din ang perfect na oras para makapag-swimming ang mga bata. Dalhin ang mga bata sa mga lugar na hindi pa nila napupuntahan upang makapagrelax at makapag-enjoy. Huwag mahiyang bistahin ang mga pook pasyalan sa buong Pilipas para makita rin ng kids ang ganda ng bansa. Nakakatulong ang pagbabakasyon upang makalanghap ng fresh air ang mga bata at malayo sa polusiyon. Nakakabawas din ito ng stress sa buong pamilya!
- Paglalaro sa Labas o sa Playground
Kung hindi naman makapagtravel ang pamilya ngayong summer, wala naman ding masama na maglaro ang mga bata sa labas ng bahay bagkus ay nakakabuti pa nga ito sa kanila. Ang paggalaw ng mga mga bata at ang kakulitan nila ang nagsisilbing ehersisiyo nila katulad ng nabanggit kanina. Mabuti ito para sa kanilang katawan para mapanatili silang malakas at active. Kailangan ng mga bata ang vitamin D na nakukuha nila mula sa araw para sa absorption ng calcium. Ito ay nakakatulong sa pampalakas ng buto at ng mga ngipin pati na rin sa pagtangkad.
- Family Picnic
Ngayong summer, mahalaga na makapagsamasama ang buong pamilya. Isang masayang family activity ang pagkakaroon ng picnic kada linggo kasama ang kids. Pumunta sa isang park, magdala ng pagkain, at maglaro kasama ang mga bata. Importante pa rin na makasama ng mga bata ang kanilang mga magulang. Ang paglaan ng oras para sa punta sa mga park ay nakakatulog upang mapalakas relasyon ng mga bata sa kanilang magulang. Sa paglaro at pagkain kasama ang pamilya, mapapanatiling healthy at active ang mga kids hindi lamang sa summer kundi sa buong taon.
Sources:
https://kidshealth.org/en/parents/active-kids.html
https://www.care.com/c/stories/3331/101-fun-things-to-do-with-kids-this-summer/
http://www.healthfitnessrevolution.com/top-10-health-benefits-going-picnic/
https://news.hjnews.com/maxread/oldgrist/why-going-on-a-picnic-is-good-for-your-family/article_e4afb1be-1c4c-11e6-8ae6-4f9f6bae34b9.html