Isa ang tenga sa mga pinakamaselang bahagi ng katawan. Kaya naman kapag nagkakaroon pagsakit dito ay labis itong nakaaapekto sa pagtakbo ng araw ng isang tao. Sa mga nakatatanda ay ganito na ang epekto nito kaya naman siguradong mas malala ang nararamdaman ng mga batang nakakaranas ng pananakit ng tenga o ear ache.
Para sa magulang, madalas na pag-iyak ng mga bata dahil sa pananakit ng tainga ay labis na nakababahala. Lalo na kapag ang bata ay isa pa lamang sanggol at hindi maipaliwanag kung ano ang kanyang nararamdaman.
Ang pagsakit ng tainga ng mga bata o ear ache ay kadalasang resulta ng impeksyon o ‘di naman kaya ay ng simpleng sipon. Narito ang mga senyales ng ear ache.
Sintomas ng Pananakit ng Tainga:
- Pamumula ng tainga
- Regular na pagkakamot ng bata sa kanilang tainga.
- Pagtulo ng likido mula sa tainga.
- Hirap sa pandinig.
- Kawalan ng ganang kumain.
- Pagsusuka.
- Pagsakit ng ulo.
- Lagnat
- Labis na pag-iyak.
Kapag napansin na nakakaranas ng pananakit sa tainga ang mga bata, pinakamagandang gawin ay ang dalhin agad sila sa ospital upang patingnan sa doktor. Subalit kung hindi posible na agaran silang madala sa ospital o malapit na clinic, may mga first aid tips na maaaring gawin upang maibsan ang discomfort na kanilang nararamdaman.
First-aid Tips Para sa Pagsakit ng Tenga ng mga Bata:
Bigyan ng Ibuprofen.
Ito ay magandang paunang lunas upang mabawasan ang sakit na kanilang nararamdaman. Ngunit, hindi ito mapapayo kung masyado pang bata ang pasyente o di naman kaya ay hindi sigurado sa dosage na dapat ipainom sa bata. Ayon sa American Academy of Pediatrics (AAP), maaaring gumamit ng over-the-counter pain relievers para sa pananakit ng tainga ng mga bata ngunit importanteng alamin muna ang dosage ng gamot na ibibigay.
Cold o Warm Compress
Madalas ng ginagamit ang cold o warm compress sa anumang bahagi ng katawan na nananakit. Puwede itong gamitin sa pananakit ng tenga ng mga bata. Maaaring mamili kung malamig o mainit na tela ang gagamitin, depende sa kung saan komportable ang lalagyan. Ipatong lamang ito sa nananakit na bahagi sa loob ng sampung minuto bago ilagay sa kabilang banda.
Pagtulog sa isang banda lamang
Ang paghiga sa kama ng nakatagilid ay makatutulong rin sa pagbawas ng sakit na nararamdaman sa tenga ng bata. Para hindi makaramdam ng pressure ang nananakit na bahagi, maaaring ipatong ang hindi na nananakit na bahagi ng tenga sa unan habang nasa itaas naman ang masakit na banda.
Pinakamaganda pa rin sa lahat ang pagpapanatiling malusog sa mga bata. Siguraduhing nakakaiwas sila sa sakit gaya ng ubo at lagnat upang hindi na ito lumala pa sa pananakit ng tenga. Ugaliin ang parating paglilinis ng kamay para malayo sa mikrobyo. Higit sa lahat, turuan rin sila ng tamang paraan ng paglilinis ng tenga.
Sources: