Fatigue in Children: Tamang Alaga para sa Mga Batang Madaling Mapagod
December 20, 2018
Ang pagkapagod ay isang normal na pakiramdam na nararanasan ng isang tao. Dala ito ng pagbaba o pagkaubos ng energy na mayroon ang katawan dahil sa labis na activity, dehydration, pagkagutom, pagkakasakit, o kaya naman ay kakulangan sa sapat na pahinga. Bukod sa pisikal na mga dahilan, posibleng makaranas ng pagod ang katawan dahil sa mental stress, problemang emosyonal, at iba pang factors na pwedeng makaapekto sa mood at pananaw ng isang indibidwal.
Sa kasamaang palad, maging ang mga bata ay hindi ligtas sa pagkapagod o fatigue. Dahil hindi pa ganap ang kanilang physical development, may mga limitasyon sa kanilang energy kahit na mukhang laging mataas ang level nito. Mayroon ding hangganan ang kapasidad nilang umunawa at humarap sa iba’t ibang karanasan, kaya naman ay at-risk din sila sa stress gaya ng adults.
Chronic Fatigue in Children
Karaniwan, makikita ang mga bata na masigla, aktibo, at puno ng lakas. Sa kabilang dako, may mga bata naman na tila mabilis mapagod, o kaya naman ay laging pagod bagama’t hindi gaanong sumasabak sa mga activity na nangangailangan ng maraming energy. Para sa mga magulang, kapansin-pansin ang ganitong klaseng pagkapagod, at hindi ito dapat ipagsawalang-bahala.
Ang chronic fatigue syndrome o CFS ay isang kondisyon kung saan ang isang tao ay nakakaranas ng labis na pagkapagod dala ng iba’t ibang mga dahilan. Ang batang nakakaranas ng ilang over fatigue symptoms ay maaaring kakitaan ng:
- Panghihina at kakaibang katamlayan;
- Pananakit ng ulo;
- Pagkahilo;
- Muscle pain;
- Kawalan ng gana sa mga kadalasang kinasasabikang gawain o mga bagay;
- Pagiging hirap sa pagtulog nang diretso at kumpleto;
- Paglala ng mga nararanasang sintomas kapag bumabangon, umuupo, o humihiga;
- Kapansing-pansing pamomoblema sa concentration at memory; at
- Pananakit ng tiyan.
Ang mga nabanggit na fatigue symptoms ay posibleng na-trigger ng mga sumusunod:
Photo from Pixabay
- Infections gaya ng measles;
- Hormonal imbalance;
- Problema sa immune system o kaya naman ay sa nervous system;
- Emotional stress; at
- Low blood pressure.
Ang fatigue causes na ito ay hindi agad napapansin sa mga bata, kaya naman hangga’t maaari ay obserbahan sila sa kanilang pang-araw-araw na routine. Para sa mga hindi pa pumapasok sa paaralan, tila lethargic ba o hindi halos kumikilos ang baby o toddler? Kung estudyante naman ang anak, kumusta ang performance niya sa school pagdating sa academics, pakikihalubilo, at gana sa pag-aaral? Mabutihing makipag-ugnayan sa kanilang mga teacher o instructor para makasigurado.
Paalala: Ang iba pang signs of fatigue na dapat bantayang mabuti ang:
- Labis na pagkalungkot o pagkabalisa;
- Kawalan ng interes sa anumang bagay;
- Paglayo sa pamilya at mga kaibigan; at
- Madalas na pagtahimik kahit kinakausap.
Kung mayroong history sa inyong pamilya na mayroong depression o anxiety na madalas ay sinasamahan ng chronic fatigue, manigurado na at kumuha ng diagnosis mula sa pediatrician para sa inyong anak. Importanteng gawin ang hakbang na ito lalo na para sa mga batang nagdadalaga o nagbibinata dahil sila ay nasa transition stage ng kanilang buhay.
Fatigue Treatment: Anu-ano ang mga pwedeng gawin?
Bago pa man sumailalim sa pagpapatingin sa doktor, importanteng i-consider muna ang mga ito bago alamin ang treatment na dapat gawin.
Dahil hindi pare-pareho ang sanhi ng chronic fatigue sa mga bata, wala ring iisang paraan para makausad mula rito. Ipinapayo na bago pa man magpatingin sa doktor.
Kasama rin sa mga dapat paghandaan bago makuha ang diagnosis ang pagkakaroon ng mahabang pang-unawa at ibayong lakas para hindi mawalan ng loob sa sitwasyong maaaring kaharapin. Hindi madaling maibalik ang sigla mula sa pagkakaroon ng chronic fatigue.
Narito ang mga hakbang na pwede ninyong subukan para malagpasan ang chronic fatigue in children:
Photo from Pixabay
- Tulungang magsimula ng active lifestyle.
I-encourage ang bata na maging active hangga’t maaari. Ang pananatili sa kwarto at ang madalas na pagtulog ay hindi makakatulong dahil hindi nito madadagdagan ang energy at gana sa katawan. Bigyan siya ng oras maglaro, mag-ehersisyo, maglakad, at gumawa ng iba pang physical activities. Bilang gabay, mabutihing samahan siya sa paggawa ng mga ito.
- Buhayin ang kanyang social life.
Madalas nahihilig sa pag-iisa ang batang may chronic fatigue. Dahil ito sa pakiramdam na nakakapagod lamang mag-interact o makihalubilo sa ibang tao. Hayaan siya magkaroon ng oras lumabas, mag-enjoy, at maging bata. Hindi pa ganap ang kanilang skills para sa stress management, kaya naman makakabuti kung tutulungan silang makahanap ng healthy na outlet para mailabas ito kasama ang ilang pinagkakatiwalaang indibidwal.
- Maghain ng mood-boosting na masusustansyang pagkain.
Isang fatigue treatment technique ang paghahanda ng mga pagkaing makakapagpataas ng energy at makakapagpaganda ng mood ng mga bata. Ilan sa mga ito ang:
- High-fiber fruits - Gaya ng berries, may antioxidants ang mga ito na kung tawagin ay quercetin, na nakakapag-boost ng pag-iisip at nakakapagbigay-gana.
- Yogurt – Bukod sa calcium, may protein din ang yogurt na nakakatulong makapagpabalik ng energy at active brain function. Isa rin itong enjoyable na snack, kaya naman mawiwili ang kids kainin ito. Maaaring dagdagan ng fresh fruits para mas maraming health benefits.
- Oats – Dahil sa B-vitamins na mayroon ito, nare-relax ang isip mula sa stressors habang pinapanatili ang normal na function ng nerves. Mahalaga ito para bumalik ang sigla at ma-improve ang focus, memory, at iba pang essential brain functions lalo na kung full day ang bata sa school.
- Chocolate – Inirerekomenda ang cacao para wala pang halong additives at sugar ang kakainin ng kids. Makakatulong ito na mag-regulate ng daloy ng dugo at maingatan ang nerve cells mula sa pagkasira, sanhi para mapagod nang mabilis at mawala sa mood. Mayroon din itong anandamine, isang chemical na nakakapagpagaan ng pakiramdam.
- Bigyan ng vitamins o supplements.
Kung pihikan ang bata, ito ang isang paraan para masigurado na makukumpleto niya ang inirerekomendang daily allowance ng sustansya mula sa pagkain araw-araw. Ang supplements na may Chlorella Growth Factor o CGF ay hindi lamang nakakatulong sa kanilang pagtangkad; malaki rin ang naitutulong nito sa pagbibigay ng dagdag-proteksyon mula sa mga sakit na makakaapekto lalo sa kanilang energy at mood.
Sources:
https://kidshealth.org/en/parents/cfs.html
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5919160/
http://www.cyh.com/HealthTopics/HealthTopicDetailsKids.aspx?p=335&np=289&id=2355
https://feedingmykid.com/article/good-mood-foods/