Deworming Kids: Kailangan bang purgahin ang anak ko?
July 16, 2019
Natural lang sa mga bata ang mag-explore ng kanilang kapaligiran. Kasama na rito ang paghawak ng iba’t ibang bagay, paglalagay sa bibig ng kung anu-anong gamit, at paglalaro sa labas. Lubhang mapanganib na ang panahon ngayon, kaya naman dapat silang pagtuunan ng pansin lalo na’t kung oras para sa outdoor play. Sa kasamaang palad, may mga bagay na hindi nakikita ng ating mga mata na maaaring makapinsala sa kanilang kabuuang kalusugan.
Ang mga impeksyong nakukuha sa lupa o mga soil-transmitted helminth infections ay dala ng mga bulate gaya ng roundworm, whipworm, at hookworm. Maaari itong makuha ng mga sanggol, toddler, at school-age children. Bagama’t mas laganap ito sa mga rural na lugar, kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat laban dito. Kaya naman isinusulong ng World Health Organization o WHO ang malawakang pagsasagawa ng deworming sa mga bata.
What is Deworming?
Ang deworming o pagpupurga ay ang paraan ng pagbibigay ng gamot na nagpapalabas sa mga parasites sa katawan kagaya ng mga fluke at tapeworm. Ang ganitong mga organism ay nakakapinsala sa kalusugan dahil sa masasamang epekto nito sa intestines o bituka. Layunin nitong mapuksa at maiwasan ang pagdami at pangingitlog ng mga bulate sa tiyan. Sa regular na pagpupurga, madaling matatanggal ang intestinal worms.
Importance of Deworming
Kailangang sumailalim sa deworming ng mga bata dahil malaki ang kanilang risk sa pagkakaroon ng mga impeksyong galing sa bulate. Ilan sa mga paraan para mapasok ng parasito ang kanilang mga katawan ay sa pamamagitan ng:
- Paglalakad nang nakayapak - Kung ang lupa o damuhang tinapakan ay infected ng anumang uri ng bulate, ang mamasa-masang kapaligirang ito ay posibleng lugar kung saan nangingitlog ang mga parasito.
- Kontaminadong tubig – Maaaring sa pag-inom ng tubig galing sa sources na hindi nasisiguradong malinis magmula ang intestinal worms. Kasama na rin dito ang tubig-baha at tubig-poso.
- Mga hayop na infected – Ang mga alagang hayop gaya ng mga aso, baka, manok, at maging isda ay carriers ng helminth infections.
- ‘Di-maayos na hygiene – Sa hindi paghuhugas ng mga kamay bago at pagkatapos kumain o kaya matapos dumumi, pwedeng makuha ang mga parasito lalo na kung galing sa labasan ang bata. Sumisiksik sa gilid at ilalim ng mga kuko ang itlog ng mga bulate kaya dahil dito, may posibilidad na maipasa pa ang mga ito sa mga kalaro at iba pang tao.
Lubhang mapanganib ang epekto ng impeksyong dala ng mga bulate. Kapag walang regular na deworming at hindi naagapan ang pagdami ng worms, maaaring kumalat ang mga ito sa buong katawan. Dahil parasites ang mga bulate, kakapit ang mga ito sa lamang-loob ng kanilang “host,” o ang katawan ng isang tao. Sanhi ito para mauwi sa malnutrition at pagbagal sa paglaki ng isang bata. Mahalagang maisagawa ang pagpupurga ng isang beses sa loob ng kalahating taon para makasiguradong mailabas ang anumang uri ng bulate na nasa bituka ng bata.
Para malaman kung ang inyong anak ay nakakaranas ng helminth infestation o pagkakaroon ng bulate sa tiyan, suriing mabuti kung nagpapakita ang bata ng mga sintomas na ito:
Paano ito nada-diagnose?
Bukod sa pagpuna sa mga panimulang sintomas ng impeksyong dala ng mga bulate, makakatulong kung sasailalim sa isang check-up ang mga bata. Matutukoy ng pediatrician o specialist ang helminth infection gamit ang mga sumusunod na paraan:
- Stool exam – Kukuha ng sample ng dumi ng bata para malaman kung may mga bulate ba ito sa kanyang intestines.
- Pag-check ng mga kuko – Nasisilip sa ilalim at gilid ng mga kuko ang mga senyales ng pagkakaroon ng parasito sa katawan dahil kadalasang nag-iiwan ang mga ito ng itlog sa ganitong mga bahagi.
- Sticky tape test – Maglalagay ang doktor ng kapirasong tape sa labasan ng dumi ng bata para makakuha ng mga itlog ng bulate, kung mayroon man. Pagkatapos nito, susuriin sa laboratory ang tape kung may mga bulate nga ba sa katawan ang bata.
- Ultrasound – Para sa mga matitinding kaso ng impeksyong dahil sa bulate, nangangailangan na ito ng mas malalim na obserbasyon. May pagkakataong kumalat na sa ibang bahagi ng tiyan ang mga parasito dahil sa hindi-agarang pagpupurga.
Paano makaiwas sa helminth infection?
Regular na pagpupurga ang isa sa pinakaepektibong paraan para maging malayo sa mga mapanganib na epekto ng pagkakaroon ng bulate. Ipaalala sa buong mag-anak ang steps na ito para masiguradong hindi sila makakakuha ng impeksyon:
- Ugaliing maghugas ng kamay – hanggang sa ilalim at gilid ng mga kuko - gamit ang sabon at malinis na tubig.
- Magsuot ng maayos na tsinelas o sapatos kapag lalabas ng bahay. Iwasan ang pagtatapak lalo na kung naglalaro sa madamo at malupang lugar.
- Siguraduhing maayos ang pagkakaluto ng mga kinakain, Kung kontaminado ang tubig na ipinangluto o ipinanghugas sa mga sangkap, maaari pa ring makakuha ng helminth infection o iba pang water-borne diseases.
- Idagdag ang coconut, carrots, bawang, ampalaya, mga buto ng kalabasa, at hilaw na papaya sa inyong diet. Ang mga pagkaing ito ay nagpapalakas ng resistensya ng tiyan kontra-bulate. May kakayahin din ang mga ito na patayin ang mga bulate sa bituka sa patuloy na pagkonsumo ng mga ito.
Deworming Medicine
Depende sa klase ng worm infection na nakuha ng inyong anak, may mga anthelmintic drugs o gamot kontra-bulate na maaaring ireseta ng doktor para maagapan ang paglaganap ng mga bulate. Mayroon itong syrup at tableta na angkop sa edad ng mga bata. Ilan sa mga ito ang:
- Pyrantel
- Zentel
- Mebendazole
Oras na mapansin agad ang mga sintomas ng impeksyon, huwag mag-atubiling magpakonsulta sa inyong doktor para makakuha ng nababagay na lunas para sa kondisyon ng inyong anak. Mas mabilis nilang mailabas ang mga parasito, mas mabuti para sa kanilang kalusugan.
Sources:
https://www.who.int/elena/titles/deworming/en/
http://vikaspedia.in/health/sanitation-and-hygiene/importance-of-deworming-in-children
https://www.momjunction.com/articles/remedies-that-will-help-you-deworm-your-child_00360622/#gref