Likas na energetic at ganado ang mga bata kapag playtime at mayroong fun activities sa labas, sa bahay, o sa school. Para mapanatili ang ganitong klaseng active lifestyle nila, importante ang paniniguradong sapat at tama ang nutrisyon na kanilang nakukuha mula sa pagkaing hinahain sa kanila. Hindi lang sa dami ng kinakain binabase ang kanilang kalusugan. Sa katunayan, kapag nasobrahan sila sa pagkaing hindi nakakabuti, maaari itong mapunta sa childhood obesity.
Noong 2017, ang Pilipinas ay mayroong tinatayang 18 million na mamamayang obese o labis sa timbang – at karamihan dito ay mga batang lalaki mula 8 hanggang 12 years old. Ilan sa mga nakitang sanhi nito ay ang hindi pagkakaroon ng healthy environment para makapaglaro at hindi disiplinadong eating habits.
Ngayong National Childhood Obesity Awareness Month, pag-usapan natin kung paano mapoprotektahan ang mga bata sa ganitong klaseng health condition na maaaring mapunta sa maagang pagkakaroon ng chronic diseases kapag hindi naagapan.
Ano nga ba ang childhood obesity?
Ang obesity, sa bata man o matanda, ay ang kondisyon ng pagkakaroon ng labis na body fat na nakakasama sa kalusugan. Ito ay nasusuri sa pamamagitan ng tinatawag na Body Mass Index (BMI) na isang measurement base sa height at weight ng isang tao. Bagama’t hindi nito nabibilang ang percentage ng body fat, nakakatulong ito sa pagtukoy kung angkop ba ang timbang sa edad, tangkad, at health conditions ng isang tao.
Bakit nagkakaroon ng obese weight?
Ilan sa mga nakikitang sanhi ng child obesity ang kakulangan sa tamang nutrisyon, tamang ehersisyo, at disiplina pagdating sa pangangalaga sa katawan. Kasama na rito ang:
- Pag-kain ng unhealthy food – Ang labis na pagkonsumo ng food at drinks na mataas sa fat, sugar, at calories kagaya ng fastfood, candies, softdrinks, at artificially-flavored na mga pagkain ay nagdudulot ng excessive fat sa katawan ng mga bata. Hindi masama ang pagbibigay nito sa kids paminsan-minsan, pero kung napapansin na nagiging normal at malaking parte na ito ng kanilang diet, makabubuti kung susubok ng healthier alternatives dito.
- Hindi pag-eehersisyo – Bukod sa hindi pag-e-exercise araw-araw, factor din sa obese weight ang kawalan ng oras para sa physical activities gaya ng paglalaro sa playground. Ang inactive lifestyle at pag kain ng unhealthy food ay isang delikadong kombinasyon. Kapag hindi nagagamit ng katawan ang labis na sugar at fat na nakukuha sa pagkain para gawin itong energy, naiimbak lamang ito at dumadagdag sa timbang.
- Excessive gadget usage – Sa panahon ngayon, ginagamit na ng mga bata sa pagbababad ang technology. Ang kawalan ng disiplina sa paggamit ng gadgets gaya ng cellphone, tablet, at computer ay nagiging dahilan para maging sedentary ang lifestyle o ang pag-upo ay paghiga nang matagalan.
Photo from Unsplash
- Absence ng good example – Mahirap mang tanggapin, sa pamilya at paaralan pa rin magsisimula ang inspiration ng mga bata para maging aktibo at healthy. Kapag nakita nila ang healthy habits at routines, mae-ecnourage silang mag-participate dito.
- Poor sleeping habits – Kapag hindi nabubuo ng mga bata ang kumpletong oras ng tulog dahil sa labis na pagpupuyat, mataas ang risk nila sa pagiging obese.
Bukod sa mga factors na ito, mayroon ding mga kaso na ang mga bata ay nakamana ng obese weight dahil sa genetic factors. Maaaring ang mga magulang ay obese, o ‘di kaya naman ay pinanganak nang overweight ang bata dahil sa hindi-nakontrol na diet ng ina noong pinagbubuntis pa lamang ito. Sa kabilang banda, may mga hormonal factors din na nakukuha sa unhealthy diet at inactivity na nagsasanhi ng childhood obesity.
Anu-ano ang mga masasamang epekto ng childhood obesity?
Ang ilang risk factors sa pagkakaroon ng obese weight ng mga bata ang sumusunod:
- Asthma;
- Diabetes;
- Heart disease;
- Sleep disorders;
- Kidney disorders; at
- Joint pain.
Paano maiiwasan ang child obesity?
There are tips for prevention of obesity na pwede ninyong gawin para maingatan ang mga bata sa health conditions na maaaring humadlang sa pagkakaroon nila ng maayos na buhay ngayon at sa hinaharap. Ang mga epekto kasi ng obesity sa bata ay umaabot sa kanilang pagtanda. Dahil dito, mas lalong kailangang bantayan ang kanilang kalusugan lalo na kung may family history ng pagkakaroon ng obese weight.
- Maghanda ng healthy at heavy breakfast
May health studies na nagpapakita na ang mga batang may nutritious at full breakfast ay malayo sa childhood obesity dahil napipigilan nito ang pag-kain ng unhealthy snacks. Nagbibigay-energy din ito kaya siguradong may gana ang kids na maglaro at mag-aral. Siguraduhing may tamang amount ng protein, carbohydrates, vitamins, at minerals gaya ng calcium ang ihahain sa kanila para sa isang balanseng meal.
- Iwasang kumain sa labas o mag-take out
May mga pagkakataon na hindi talaga makakapagluto sa bahay dahil sa schedule. Hangga’t maaari, sikaping makapagluto ng healthy food para maiwasan ang pag-kain ng kids ng fastfood. Sa loob ng isang buwan, limitahan sa tatlo hanggang apat na beses ang pagbibigay ng ganitong pagkain sa mga bata lalo na ang pizza, ice cream, cake, French fries, at burgers dahil sagana ang mga ito sa fats at calories.
- Limitahan ang instant na mga pagkain
Nakakapagpataas din ng risk ng child obesity ang madalas na pagkonsumo ng instant noodles, canned goods, at iba pang pagkain na artificial ang preparation at flavoring. Panatilihing healthy ang kids sa pamamagitan ng pagluluto ng healthy food na may tamang combination ng prutas, gulay, karne, at grains.
- Bigyan sila ng supplements
Nakakatulong sa pag-iwas sa obesity at ilang mga sakit ang pagpapainom ng vitamins sa mga bata para masigurado na kumpleto ang nakukuha nilang nutrisyon, lalo na kung mahilig sila sa unhealthy food. Ilan sa mga pwede ninyong ibigay sa kanila ang Ascorbic Acid, Zinc, at Chlorella Growth Factor (CGF) para sa malakas na immune system.
Photo from Unsplash
- Samahan sila sa pagkakaroon ng active lifestyle
Para ganahan ang mga bata na maging healthy at aktibo, bigyan sila ng pagkakataon na makapaglaro sa labas, tumakbo, at makihalubilo sa ibang kids. Instant bonding na rin para sa pamilya kung gagawa kayo ng oras pang-family exercise gaya ng aerobics o jogging. Nakakatulong din ito para lumalalim ang relationship ng mag-anak na nakakabuti rin para sa overall well-being ng mga bata. Dahil dito, mababawasan na rin ang oras ng kids sa paggamit ng gadgets.
Ang childhood obesity ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng tamang pagsuporta, pagkalinga, at pagmamahal ng mga magulang. Sikaping magkaroon ng disiplinado ngunit masayang pamumuhay pagdating sa pagkain, pahinga, at ehersisyo nang sa gayon ay maengganyo ang mga bata sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan.
Sources:
https://businessmirror.com.ph/obese-filipinos-now-ballooning/
https://www.medicardphils.com/childhood-obesity-what-you-can-do/
https://ph.theasianparent.com/habits-cause-child-obesity/
https://www.medicalnewstoday.com/info/obesity
https://www.cdc.gov/features/childhoodobesity/index.html
https://www.eatright.org/health/weight-loss/overweight-and-obesity/preventing-childhood-obesity-healthy-eating-tips-for-kids