Benefits ng Zinc sa mga bata | RiteMED

Benefits ng Zinc sa mga bata

March 10, 2019

Benefits ng Zinc sa mga bata

Ano ang Zinc?

Lingid sa kaalaman ng nakararami, isa sa pinakamahalagang mineral na dapat ibinibigay sa mga bata ay ang Zinc.

Ang Zinc ay ang pangalawang pinakamasaganang trace metal na mahahanap sa katawan ng tao, sumusunod lamang sa iron. Mahigit sa 70 enzymes ang nakasalalay sa zinc upang mapagana ang kanilang tungkulin sa pantunaw (digestion) at metabolismo ng katawan.

Dahil hindi ito agad-agarang pumapasok sa katawan, kinakailangan ihalo ito sa ibang organic o amino acids upang mas mabilis ma-absorb.

Ano ang mga Zinc benefits?

Mahalaga ang zinc para sa mga chemical reactions sa loob ng katawan na tumutulong sa pagpapalakas ng resistensya, tamang digestion, pagtangkad at paglaki, at pati na rin sa malusog na balat at buhok.

Sa mga pag-aaral, napag-alaman na napaiikli ng zinc ang karaniwang sipon (common cold) kapag ininom ito sa loob ng 24 oras na unang lumabas ang mga sintomas. Nakitaan rin ito ng bisa laban sa pagtatae (diarrhea) at lower respiratory infection.

Sa katunayan, ang kakulangan ng zinc sa katawan ay maaaring magdulot ng kawalan ng ganang kumain, ang pagsugpo ng paglaki, at mahinang resistensya.

Saan nakukuha ang Zinc Vitamins?

undefined

Maraming maaaring mapagkunan ng zinc sa mga iba’t-ibang pagkain tulad na lamang ng karne (beef, chicken, pork), lamang dagat tulad ng talaba, mushrooms o kabute, kasoy, beans, at tsokolate.

undefined

Maaari ring bigyan ng zinc supplement ang mga bata upang masiguradong sapat ang dami nito sa katawan nila.

Gaano karaming Zinc ang dapat binibigay sa mga bata?

Tinatanyang ang mga batang 1 to 3 years ay dapat nakakakuha ng 3 milligrams bawat araw at ang mga bata namang 5 to 8 years ay dapat nakakakakuha ng 5 milligrams bawat araw. Mula 9 hanggang 13 years naman, kinakailangan ng hanggang 8 milligrams bawat araw.

Sources:

https://www.ritemed.com.ph/articles/benefits-ng-vitamin-c-at-zinc-sa-mga-bata

https://healthyeating.sfgate.com/much-zinc-give-kids-4782.html

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2740712/

https://www.babycenter.com/0_zinc-in-your-childs-diet_10324698.bc

http://www.scienceforkidsclub.com/zinc.html

https://www.nhs.uk/news/medication/zinc-for-the-common-cold/

https://www.whittington.nhs.uk/document.ashx?id=1950

https://living.thebump.com/zinc-behavior-children-13649.html

https://www.kidsnewtocanada.ca/conditions/zinc

https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements-zinc/art-20366112



What do you think of this article?