Apat na Good Food para Guminhawa ang Ubo ng Kids

April 06, 2018

Nalalapit na muli ang summer. Dadalas na ulit ang paglabas ng mga bata – sa pagbakasyon man kasama ang pamilya, o sa paglalaro sa labas kasama ang mga kaibigan. Kahit ano man ang summer activity nila, sigurado na mabibilad sila sa init ng araw. Ang matinding init na ito ay maaring magdulot ng mga karaniwang summer illnesses, katulad ng cough o ubo.

May mga gamot na mainam para sa ubo, tulad ng Ambroxol o Lagundi. Pero may mga pagkain rin na nakakainam sa mga sintomas nito. Narito ang ilan sa maiinam na food for cough:

Chicken Soup

Isa sa pinaka-karaniwang lunas para sa sakit ang chicken soup. Magandang source ito ng mga vitamins, minerals, at protein, na lalong kailangan kapag mayroong sakit para lumakas ang katawan. Mayaman ang chicken soup sa cysteine, isang amino acid na may mga anti-viral at anti-inflammatory na epekto. Pinipigilan rin nito ang mismong pag-ubo, pati na rin ang baradong ilong.

Sundin ang mga susunod na hakbang para sa isang simpleng chicken soup recipe:

undefined

Ingredients

  • 1 buong manok
  • 6 na piraso ng peeled carrots
  • 4 na piraso ng celery stalk
  • ½ bawang, na nakahiwa sa maliliit na piraso
  • 1 pirasong luya, na nakahiwa sa maliliit na piraso
  • 1 pirasong sibuyas, na nakahati sa apat
  • 2 ½ kutsarang asin
  • 1 kutsaritang paminta

Steps

  • Ilagay ang manok sa malaking kaldero.
  • Hiwain ang tatlong carrots at dalawang celery stalks.
  • Idagdag ito at ang sibuyas, bawang at luya sa kaldero.
  • Ilagay na rin ang asin at paminta, at magbuhos ng mga walong tasa ng tubig para kumulo ang mga sangkap.
  • Maghintay ng mga 30 minuto para maluto ang manok.
  • Ilipat ang manok sa ibang lalagyan para lumamig.
  • Hiwain ang natitirang carrots at celery at idagdag sa kaldero.
  • Hayaang kumulo ang broth o sabaw ng mga 10 minuto.
  • Kapag kaya nang hawakan ang manok, pilasin ito sa maliliit na piraso at idagdag sa sabaw.

Ihanda ito sa mga bata para matigil ang kanilang pag-uubo, at para rin mawala ang ibang sintomas na pwede nilang maramdaman, katulad ng baradong ilong o sipon.

 

Pinya

undefined

Sa kabilang banda, ang isang remedyo na hindi gaanong kilala ay ang pinya, na maaaring makatulong sa pagpigil at pagluwag ng plema sa lalamunan. Maliban dito, maari ring makatulong sa sinusitis ang prutas na ito.

Para maramdaman ng mga bata ang mga relieving effect ng fruit for cough na ito, pakainin sila ng ilang piraso bilang meryenda, o kaya naman dessert. Pwede rin silang painumin ng ilang baso ng pineapple juice kasama ng kanilang pagkain. Kung masyadong maasim ang purong juice, subukan ang sweetened pineapple juice para mas madaling mainom ng mga bata.

 

Calamansi Juice

undefined

Isa pang inumin na nakakatulong sa ubo ng mga bata ay ang calamansi juice. Sagana ang prutas na ito sa Vitamin C, kaya tiyak na mabuti ito para sa immune system. Nakakahilom rin ang calamansi ng pamamaga ng lalamunan, dahil sa citric acid na nilalaman nito.

Madali lamang gumawa ng calamansi juice. Maghanda lang ng 1 hanggang 1 ½ tasa ng freshly squeezed calamansi at 2 tasang tubig, at ipaghalo ito. Pagtapos, dagdagan ng pampatamis ang timpla. Ang honey o asukal ay parehong pwedeng gamitin bilang pampatamis. Tantiyahin ang dami ng ilalagay para katamtaman ang tamis ng juice. Pwede itong ihanda ng mainit, maligamgam, o malamig, depende sa kagustuhan ng mga bata.

 

Honey

undefined

Katulad ng nasabi kanina, ang juice na hinaluan ng honey ay mainam para sa ubo. Maliban dito, magandang lunas rin ang paginom ng honey lamang. Napag-alaman sa mga pag-aaral na  para sa mga bata na dalawang taong gulang pataas, ang honey ay nakakabawas sa pag-ubo sa gabi, para derecho at maginhawa ang pagtulog nila.

Painumin sila ng isang kutsara bago matulog, para maibsan ang mga sintomas ng ubo nila. Alalahanin lang na kapag wala pang isang taon ang bata, hindi pa siya pwedeng bigyan ng honey. Ito ay dahil mataas ang tiyansa ng mga sanggol na magkaroon ng food poisoning dala ng honey.

 

Mahirap maiwasan ang sakit, lalo na ngayon at paparating na ang init na dala ng summer. Maghanda na ng mga pagkain at inumin na ito, para kung magkasakit man ang mga kids, guminhawa ang pakiramdam nila at ma-enjoy nila ang bakasyon.

 

Resources:

  • https://www.healthline.com/nutrition/15-best-foods-when-sick#section1
  • https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/common-cold/expert-answers/honey/faq-20058031
  • https://www.organicfacts.net/calamansi-juice.html
  • https://www.realsimple.com/food-recipes/browse-all-recipes/classic-chicken-soup
  • https://tgp.com.ph/blog/ano-ang-mabisang-gamot-para-sa-batang-ubo-sipon/
  • https://tgp.com.ph/blog/medicine-for-cough-and-cold-philippine-fruits-vitamin-c/
  • https://www.thelittleepicurean.com/2014/07/calamansi-juice.html