Sa pagdiriwang ng World Immunization Week noong nakaraang taon, inihayag ng UNICEF na mahigit 2.9 milyong bata edad lima pababa ang nananatiling may weak immune system at hindi pa nababakunahan. Dahil dito, may malaking potensyal na tamaan sila ng nakamamatay na mga sakit gaya ng measles, rubella, at polio.
Dagdag pa dito, kakulangan sa mga sanay na health workers at kawalang access sa healthcare ang ilang dahilan kung bakit mataas na porsyento ng mga bata ang nasa bingit ng malalalang mga sakit. Dito binigyang-diin din ng UNICEF na ang bakuna ang pinaka-simple, ligtas, at epektibong paraan para mailigtas ang buhay ng maraming mga bata o sanggol sa panahon ngayon.
Walang magulang ang nanaising magkaroon ng sakit ang kanilang mga anak. Ang pagbibigay ng panahon para mapabakunahan ang inyong anak ang isa sa mga paraan para masiguro na healthy ang kanilang kinabukasan. Alamin natin kung ano ba ang bakuna at paano ito nakakatulong magpalakas ng immunity.
What is vaccine?
Ang vaccine o bakuna ay tumutulong sa immune system para makaiwas sa mga nakamamatay na sakit. Naglalaman ito ng maliliit na halaga ng mahihina o hindi aktibong virus at bacteria na kilala bilang antigens. Ang mga ito ang tumutulong sa immune system para makagawa ng antibodies na lalaban sa mga sakit.
Bagama’t may ilang magulang na hindi naniniwala sa kakayahan ng bakuna. Ang pagbibigay ng bakuna sa anak lalo na sa mga sanggol sa tamang schedule ay makakatulong makasigurado na updated ang nakukuha nilang proteksyon, lalo na sa oras ng mga epidemya.
Vaccination Schedule
Bawat bakuna ay may iba’t ibang timeline. Sa unang 24 na buwan ng sanggol naka-schedule ang karamihan sa mga bakuna. Kadalasan ay sinasabi na ito agad ng pediatrician o kaya naman ay iniaanunsyo sa mga health center.
Ang schedule ay maaaring mabago-bago depende kung saan kayo nakatira, kung anong kalagayan ng kalusugan ng iyong anak, kung anong vaccine ang ibibigay, at kung anong vaccine ang available.
Narito ang vaccination schedule na pwede ninyong sundan:
Bakuna
|
Schedule
|
Function
|
HepB (1st dose)
|
24 oras pagkapanganak
- Kung lumagpas sa unang 24 oras matapos ipanganak, pwede itong ipabakuna sa kahit anong edad.
- Kung underweight ang bata, ipasaksak na lang ang bakuna sa loob ng unang buwan nito o kaya ay kapag nailabas na ng ospital.
|
Proteksyon laban sa Hepatitis B virus na nakakasira ng atay.
|
HepB (2nd dose)
|
1 to 2 months matapos ang unang dose
|
Proteksyon laban sa Hepatitis B virus na nakakasira ng atay.
|
DTap
(Diphtheria, Tetanus, Pertussis)
|
2 months old
|
Pinagsama-samang mga bakuna laban sa tatlong matitinding sakit. Ang Diphtheria ay pamamaga ng lalamunan, Tetanus naman ang masakit na paninikip nito, at pertussis ay nagpapahirap sa paghinga.
|
HIB
|
Proteksyon mula sa Haemophilus Influenza Type B, isang uri ng bacteria na maaaring maging sanhi ng impeksyon sa utak at spinal cord. Pwede itong humantong sa pagkasira ng utak o pandinig ng bata.
|
IPV
|
Tinatawag ding polio vaccine, panlaban ito sa polio na maaaring makaparalisa o makapatay sa bata.
|
PCV
|
Iniingatan ang mga bata mula sa streptococcus pneumoniae na sanhi ng meningitis, pneuomonia at iba pang maaaring impeksyon sa tenga.
|
RV
|
Lumalaban sa mga bacteria na nagdadala ng diarrhea, pagsusuka, at dehydration ng mga sanggol.
|
DTap
HIB
IPV
PCV
RV
(2nd dose)
|
4 months
|
|
DTap
HIB
PCV
RV
(3rd dose)
|
6 months
|
|
Influenza
|
6 months at taun-taon
|
Ang flu vaccine ay panlaban sa mga sintomas ng trangkaso.
|
HepB (3rd dose)
IPV (3rd dose)
|
6 to 18 months
|
|
HIB (4th dose)
MMR
PCV (4th dose)
Chickenpox (varicella)
|
12 to 15 months
|
Ang MMR ay pangontra sa measles (tigdas), mumps (beke), at rubella. Ang Varicella naman ay bakuna laban sa bulutong.
|
HepA
|
12 to 23 months
|
Para sa pag-iwas sa Hepatitis A na nagdadala ng komplikasyon sa atay.
|
DTap (4th dose)
|
15 to 18 months
|
|
DTap (5th dose)
MMR (2nd dose)
IPV (4th dose)
Varicella (2nd dose)
|
4 to 6 years old
|
|
HPV
DTap (6th dose)
MCV
|
11 to 12 years old
|
Ang HPV ay para makaiwas sa pagkakaroon ng genital warts o kulugo sa maselang bahagi ng katawan. Dalawa ang bakunang ibinibigay sa loob ng 6 to 12 months. Ang MCV ay kontra naman sa iba’t ibang meningococcal diseases.
|
MenB
|
16 to 18 years old
|
Panlaban sa Meningococcal B bacteria. Pwede itong ibigay ng 2 hanggang 3 dose.
|
Special Vaccine: Rabies Vaccine
Ang rabies ay isang seryosong sakit dulot ng virus. Ang virus na ito ay dumidikit sa hayop gaya ng alagang aso o pusa. Ito ay kadalasang nasa laway ng infected na hayop. Kaya kapag kumagat ito ay nakakagat, maaaring dumikit sa tao ang virus na ito. Para hindi na ito kumalat at tuluyang umepekto sa buong katawan ng biktima, iminumungkahi na sumailalim sa ilang series ng anti-rabies shots o rabies vaccine.
Maliban sa pagsunod sa tamang schedule ng bakuna ng mga bata, narito pa ang ilang paraan para palakasin ang immune system ng mga bata:
How to boost immune system?
- Maghain ng mga prutas at gulay. Ang mga pagkain gaya ng carrots, green beans, oranges, at strawberries ay ilan lang sa mga masusustansyang pagkaing maaaring ihain sa mga anak. Nagtataglay ang mga ito ng carotenoids na immunity-boosting phytonutrients. Subukang bigyan ng 5 servings ng prutas at gulay sa isang araw.
- Patulugin sila sa tamang oras. May pag- aaral na ang kakulangan sa tulog ay maaaring maging dahilan para magkasakit. Sa pagpapahinga gumagawa ang katawan ng natural killer cells kontra sa mga pag-atake ng microbes at cancer cells. Sikaping bumuo ng healthy sleep pattern para makakuha ng sapat na pahinga ang mga bata.
- Mag-breastfeed. Ang breastmilk ay nagtataglay ng immunity-enhancing antibodies at white blood cells na makakatulong para makaiwas sa mga sakit o komplikasyon gaya ng impeksyon sa tenga, allergies, diarrhea, pneumonia, meningitis, urinary tract infection, at sudden infant death syndrome (SIDS). Tumutulong din ito para sa brain development ng bata.
- Regular na mag-ehersisyo. Pinapataas ng ehersisyo ang mga natural killer cells sa katawan. Samahan ang mga bata sa daily exercises o kaya naman ay hayaan silang maglaro sa labas para tumibay ang resistensya.
- Ipaalala ang proper hygiene. Turuan silang ugaliin ang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon bago at matapos kumain, matapos gumamit ng banyo, matapos humawak ng alagang hayop, matapos bumahing, o pagkagaling sa labas ng bahay.
Kahit kumpleto sa bakuna ang mga bata, mayroon pa ring risks sa pagkakasakit. Dagdagan pa ang proteksyon ng kanilang katawan sa pamamagitan ng tamang nutrisyon, sapat na pahinga, at regular na physical activity.
Sources:
https://kidshealth.org/en/parents/immunization-chart.html
https://www.parents.com/baby/health/vaccinations/how-to-handle-your-babys-first-shots/
https://www.webmd.com/parenting/baby/babys-2-month-checkup-what-to-expect
https://www.webmd.com/parenting/baby/vaccination-schedule-what-to-expect
https://www.healthline.com/health/vaccinations/infant-immunization-schedule#qa
https://www.parents.com/health/cold-flu/cold/boost-childs-immunity/