Sa kabataan pa lang ng isang tao, makikita na agad kung gaano kalaki ang ginagampanan ng pagtulog tungo sa maayos at mabuting kalusugan. Pagkapanganak ng isang sanggol, sa katunayan, mas madalas pa itong natutulog kaysa sa kumakain. Sa tulong nito, umuusad ang overall development ng isang bata.
Sa kabilang banda, pagdating naman sa edad tatlo pataas kung kalian nagsisimula nang maging independent sa pag-eexplore ng mundo ang isang bata, unti-unting umiiksi ang panahon na inilalaan niya sa pagtulog. Dahil na rin ito sa excitement, pagkawili, at labis na energy na mayroon sa kanyang katawan. Bagama’t normal na pinagdadaanan ng mga bata ang stage na ito, may mga implikasyon sa kanilang kalusugan ang hindi pagkakaroon ng sapat na tulog at pahinga.
Pag-usapan natin ang ilang importance of sleep para sa mga bata nang sa gayon ay masuportahan nang maayos ang kanilang paglaki. Pero bago iyan, tingnan natin ang iba’t ibang sleep cycles para sa iba’t ibang edad ng bata:
Bilang panimula, ang non-rapid eye movement o NREM ay ang tinatawag na quiet sleep kung kailan nagpapadala ang katawan ng dugo sa mga muscles sa mas mataas na volumes kumpara kapag gising. Sa NREM din na pagtulog napanunumbalik ang energy at nangyayari ang paglaki at pag-repair ng tissue sa katawan, ganoon din ang paglalabas ng mga importanteng hormones na responsible sa growth at development.
Ang rapid eye movement naman o REM ang active sleep state kung kalian gumagana ang isip. Sa panahong ito nagkakaroon ng mga panaginip. Hindi na gumagalaw ang katawan gaano sa mga oras ng REM, at nagiging irregular na ang paghinga at heart rate.
Hours of Sleep by Age
- Para sa mga bagong-panganak (0 to 3 months)
Tinatayang nasa tig-50% ng kanilang oras sa buong maghapon ang inilalagi ng newborns sa NREM at REM states. Inirerekomenda ang 14 to 17 hours ng tulog para sa mga batang ganitong edad, na pwede ring mapunta sa bracket ng 11 to 13 hours at 18 to 19 hours sa loob ng isang araw.
Hindi maayos na tulog: Mababa sa 11 hours o labis sa 19 hours dahil baka senyales ito ng lethargy o ang kakulangan sa normal na pagkilos na maaaring sintomas ng isang health condition.
- Para sa mga infant (4 to 11 months)
Photo from Pixabay
Pagdating ng anim na buwan, nagiging 30% na lamang ang itinatagal ng REM na pagtulog. Ibig sabihin nito ay mas mahaba na ang panahon kung kalian nangyayari ang paglaki at pag-develop ng katawan ng bata. Inirerekomenda naman para sa infants ang 12 to 15 hours na pagtulog, na maaaring mapunta sa bracket ng 10 to 11 hours o 16 to 18 hours sa loob ng isang araw.
Hindi maayos na tulog: Mababa sa 10 hours o labis sa 18 hours dahil baka senyales ito ng lethargy o ang kakulangan sa normal na pagkilos na maaaring sintomas ng isang health condition.
- Para sa toddlers (1 to 2 years)
Pagdating sa ganitong edad, unti-unti nang umiiksi ang kanilang nap time. Dahil mas nagkakaroon na ng independence sa ganitong edad, samahan pa ng pagtaas ng kanilang motor, mental, at social abilities, maaaring ma-distract sila sa pagtulog. Nasa 11 to 14 hours ang kanilang tulog, na pwedeng pumagitna rin sa 9 to hours o 15 to 16 hours.
Hindi maayos na tulog: Mababa sa 9 hours o labis sa 16 hours dahil baka makaapekto ito sa kanilang immune system at brain development.
- Para sa pre-schoolers (3 to 5 years)
Makalagpas limang taong gulang, nagiging normal na sa ilang bata ang hindi pagkakaroon ng nap time. Dito na rin madalas mangyari ang pagiging hirap sa pagtulog sa gabi at paggising ng alanganing oras dahil sa development ng imagination. Inirerekomenda sa mga batang ito ang 10 to 13 hours ng tulog, na pwede ring nasa pagitan ng 8 to 9 hours o 14 hours.
Hindi maayos na tulog: Mababa sa 8 hours o labis sa 14 hours dahil baka makaapekto ito sa kanilang immune system at brain development.
- Para sa school-aged kids (6 years pataas)
Bagama’t dumadami na ang oras na pinaglalaanan ng kanilang energy gaya ng school activities at iba pang interest, nasa 9 to 11 hours na lang ang inirerekomendang oras ng tulog ng mga batang nasa ganitong edad. Pwede ring pumasok ito sa bracket ng 7 to 8 hours o 12 hours.
Hindi maayos na tulog: Mababa sa 7 hours o labis sa 12 hours dahil baka makaapekto ito sa kanilang immune system, energy levels, at mood.
Importance of Sleep
Sa kahit anong edad at stage ng buhay, ito ang health benefits ng pagkakaroon ng sapat na tulog:
Photo from Unsplash
- Nakakatulong ito sa paglaki. Ang growth hormones ay inilalabas ng katawan sa oras ng tulog.
- Napapalusog nito ang puso. Ang mga batang nakakakumpleto ng tulog ay malayo sa risk ng pagkakaroon ng chronic diseases gaya ng diabetes, heart disease, at maging obesity.
- Nagagawa nitong normal ang timbang. Naaapektuhan ng kakulangan sa tulog ang hormone na leptin, na siyang nagbibigay ng signal sa utak na tapos na dapat ang pag-kain.
- Nalalabanan nito ang germs. Habang natutulog, ang mga cytokine proteins sa katawan ay gising at lumalaban sa mga impeksyon. Kapag kulang sa tulog, bumababa ang abilidad ng katawan na mabilisang mapuksa ang isang sakit.
- Napapalakas nito ang brain power. Humahaba ang attention span ng isang batang kumpleto ang tulog, dahilan para makapag-perform siya nang mas maayos sa school at mapaghusay pa ang learning. Bukod dito, nakakakitaan ng mas magandang mood at positive na mga reaksyon ang kids na nakakabuo ng tulog sa magdamag.
Anu-anong mga pwedeng gawin para makumpleto ng kids ang kanilang tulog?
- Simula sa pagiging sanggol, hangga’t maaari, maging disiplinado sa pagsunod sa tamang sleep habits. Sa gayon, lalaki ang mga bata na may sinusunod na healthy sleep cycle at routines.
- Iwasang bigyan ng permiso ang mga bata na gumamit ng gadgets, manood ng TV, o kumain ng matatamis na pagkain ilang oras bago ang nakatalagang bedtime. Sa ganitong paraan, hindi magiging overactive ang kanilang isip at madali silang makakatulog nang mahimbing.
- Samahan ng supplements ang kanilang healthy diet para mas lalong mapabuti ang kanilang kalusugan. Ang mga bitamina at mineral na Ascorbic Acid, Zinc, at Chlorella Growth Factor o CGF ay nagpapalakas ng kanilang immunity lalo na sa mga pagkakataon na hindi sila nagkakaroon ng tamang pahinga.
- Siguraduhing malinis, tahimik, at ligtas ang kanilang tinutulugan. Malaking factor ang mga ito para sa kabuuang quality ng kanilang pagtulog.
Sources:
https://www.sleepfoundation.org/press-release/national-sleep-foundation-recommends-new-sleep-times/page/0/1
https://www.sleepfoundation.org/sleep-topics/children-and-sleep/page/0/2
https://kidshealth.org/en/kids/not-tired.html
https://www.parents.com/health/healthy-happy-kids/the-7-reasons-your-kid-needs-sleep/