Paano palakihin ang mga bata na mentally at emotionally strong?
Bukod sa physical health, isa ding napakahalagang aspeto ng pagpapalaki ng bata ang pagsiguro na sila ay mentally at emotionally strong. Ang unang limang taon ng bata ay importante dahil sa mga panahong ito nangyayari ang pinakamabilis na padevelop ng kaniyang kaisipan. Ang child development ay naiimpluwensiyahan ng mga bagay na kanyang nakikita, naririnig, nahahawakan, naaamoy o natitikman, pati na din ang relasyon niya sa mga tao nasa kaniyang paligid. Ang lahat ng ito ay nakakaapekto sa kung paano nahuhubog ang kanyang isip. Ito din ang nagiging pundasyon ng kanyang pagkatuto at paguugali.
Sa murang edad, pagiyak ang normal na response ng mga bata kapag sila ay nagagalit, natatakot, nasstress o kung minsan, kapag sila ay masaya. Gayunpaman, ang ibang mga bata ay maaring magkaroon ng emotional outburst kung saan sila ay mas iyakin kaysa sa iba o mas madaling magalit o matuwa. Wala namang masama kung ang bata ay overly emotional ngunit ang katangiang ito ay maaring hudyat na ang kanilang emotional intelligence ay hindi pa nadedevelop.
Makakatulong sa mga bata kung sila ay magiging aware sa kung ano ang kanilang nararamdaman. Heto ang ilan sa mga tips kung paano mas maipapaintindi sa kanila ang kanilang emosyon at kung paano ito ipoproseso upang sila ay lumaking mentally strong.
- Kilalanin ang nararamdaman ng iyong anak at suportahan ito.
Hindi naman maiiwasan ng mga bata ng makaramdam ng galit o lungkot kaya mahalaga na hindi ito balewalain ng mga magulang. Sa halip, mainam na maramdaman nila na sila ay naiintindihan sa kanilang pinagdadaanan. Dahil ditto, maaring mas maging madali para sa kanila na tanggapin ang mga pangyayari at ang kanilang naramdaman.
Ito ay nakakatulong sa pagimprove ng social development ng mga bata dahil sila din ay matututo makisimpatiya sa iba dahil ito ang kanilang nakikitang ginagawa ng mga matatanda sa kanilang paligid. Ito rin ay magandang paraan upang matulungan ang iyong anak na magreflect sa kanyang pinagdaanan at kung ano ba ang naging dahilan ng kanyang naramdaman.
- Hayaan ang bata na ipahayag ang kanyang sarili.
Wala pang kakayahan ang mga bata na ihiwalay ang kanilang emosyon sa kanilang "pagkatao". Kaya naman makakatulong kung hindi mamaliitin o itatanggi ng mga nakakatanda ang sinasabi ng mga bata upang hindi nila isipin na nakakahiya o hindi katanggap-tanggap ang kanilang nararamdaman. Ang pagreject sa nararamdaman ng mga bata ay maaring magresulta sa pagrepress nila ng kanilang mga emosyon pagtanda.
Makabubuti na ipaintindi sa bata na ang iba't ibang emosyon ay normal lamang na parte ng pagiging tao at ang emosyon ay maaring malimitahan kung kanilang nanaisin. Ito ay maaring makatulong para matutunan ng bata na tanggapin ang kanyang mga nararamdaman upang mas madali niya itong maregulate. Makakatulong din ito para maliwanagan ang bata na hindi nakakahiya o masama ang pagiging emotional at ito ay pinagdadaanan ng nakararami.
- Makinig sa kung ano ang nararamdaman ng bata.
Maging sa bata man o sa matatanda, ang pakikinig ay napakahalagang sangkap para sa pagintindi ng pinagdadaanan ng isang tao. Kadalasan, pagkatapos maikwento ng bata ang mga nangyari, hahayaan niya na ito at hindi na iisipin. Maari ding sa pamamagitan ng pakikinig sa kanyang kwento, mas maging malambing at open siya sa iba pang nangyayari sa kanya.
Ang pakikinig din ay isang magandang paraan para maiparamdam sa bata na siya ay safe at maari niyang sabihin sa iyo ang kanyang saloobin. Dahil dito, natutulungan sila na malaman ang kanilang sariling emotional process na sa kalaunan ay magiging beneficial sa kung paano nila ihahandle ang kanilang emosyon pagtanda.
- Turuan ang mga bata kung paano nila macocontrol ang kanilang emosyon.
Kailangang malaman ng bata na pwede silang kumilos ng hindi base sa kanilang nararamdaman at maari din na ang kanilang ginagawa ay makaapekto sa kanilang emosyon.
Kung hindi naging maganda ang araw ng bata sa eskwelahan, maari siyang gumawa ng mga bagay sa bahay katulad ng paglalaro, pagsayaw o kaya naman ay pagpinta, upang mapabuti ang kanyang nararamdaman. Maging halimbawa sa iyong anak na ang paggawa ng mga bagay na nakakapagpasaya sayo ay makakatulong para controlin ang hindi magandang pakiramdam.
- Iengage ang bata sa problem solving.
Madalas, nais ng mga magulang na iresolba na lang ang mga bagay para sa kanilang anak. Ngunit magiging malaking tulong kung hahayaan ang mga bata na ipractice ang kanilang problem-solving skills. Maari silang tulungan kung paano nila sosolusyonan ang mga bagay na kanilang pinoproblema.
Mainam din na hayaan silang magkamali upang sila ay matuto. Sa prosesong ito, maari nilang makita ang importansiya ng pagintindi muna sa mga bagay bago ito bigyan ng aksyon. Sa pamamagitan din nito, maaring madevelop and kanilang maturity at tiwala sa sarili na kaya na nilang ihandle ang kanilang mga problema.
- Palakihin ang mga bata na may pagpapahalaga sa magandang asal.
Dapat bigyang halaga ng mga magulang ang pagpapaintindi at pagturo ng values sa kanilang anak upang mapatibay and kanilang moral compass. Ang pagkakaroon ng magandang pundasyon sa kung ano ang kanilang pinaniniwalaan ay makakatulong para sila ay magdesisyon ng naayon sa kanilang nalalaman, kahit na hindi lahat ng tao ay sangayon dito.
Bukod sa mga tips na ito, maaari ding makatulong ang pagbibigay ng vitamins sa mga bata upang sila ay maging malusog at mentally sharp. Kapag naman sila ay may sakit tulad ng lagnat o ubo, siguraduhing bigyan sila ng angkop na gamot sa subok at maaasahan.
Ang role ng mga magulang sa pagpapatibay ng emotional at mental wellness ng mga bata ay napakaimportante. Ang pagpapakita na ang kanilang magulang mismo ay pinapahalagahan ang kanilang mental health ay isa sa mga pinakaepektibong paraan para maintindihan ng mga bata ang kahalagahan nito.
Ang mga batang lumaki na mentally strong ay mas malaking tsansa na magtagumpay sa buhay. Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng kanilang mental at emotional health, sila ay nagiging matatag at handang harapin ang ano mang pagsubok na maari nilang pagdaanan.
Sources:
https://www.ahaparenting.com/parenting-tools/emotional-intelligence/steps-to-encourage
https://www.inc.com/amy-morin/5-simple-parenting-strategies-that-help-kids-build-massive-mental-strength.html
http://inc-asean.com/the-inc-life/mentally-strong-kids-asian-parents-refuse-13-things/?utm_source=inc&utm_medium=redir&utm_campaign=incredir
https://www.verywellfamily.com/how-to-help-an-overly-emotional-child-4157594
https://www.verywellfamily.com/tips-for-raising-mentally-strong-kids-1095020
https://www.gottman.com/blog/strengthen-childs-emotional-intelligence/