Photo Courtesy of stux via Pixabay
Ang buwan ng Hunyo ay kilala sa ating bansa bilang buwan ng pasukan ng mga estudyante sa kanilang mga paaralan. Lingid sa kaalaman ng iba, ang buwan ng Hunyo ay ang buwan din kung saan ipinagdiriwang ang National Kidney Month kung saan kinikilala at binibigyang importansya ang mga may kidney diseases, tulad ng kidney stones at cancer sa bato, sa pamamagitan ng pagpapataas ng kamalayan ng bawat indibidwal, may sakit man o wala, tungkol sa disorder na ito.
Ang ating kidney ay ang organ na nagsisilbing tagapagtanggal ng mga wastes at ginagawang urine ang mga sobrang tubig sa ating katawan na siyang nilalabas sa ating bladder (pantog). Isa ang kidney sa mga importanteng organs sa ating katawan kaya naman ay dapat natin itong pangalagaan upang magkaroon ng malusog na pangangatawan at maiwasan ang mga diseases na maaaring makuha ng ating mga kidney.
Ayon sa isang artikulong inilabas ng The Manila Times noong 2014, sinasabi rito na ang kidney disease ay ang pang-pito sa pangunahing dahilan ng pagkamatay sa ating bansa. Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit dumadami ang cases ng kidney diseases sa bansa ay dahil sa lifestyle na meron ang isang indibidwal. Ang pagpupuyat at pagpili ng ating mga kinakain ay ang mga key factors na nagdudulot ng diabetes at hypertension na maaaring magresulta sa kidney disease.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng may unhealthy kidneys, paano nga ba maiiwasang magkasakit at mapapangalagaan ang mga ito? Ang pagkakaroon ng isang healthy lifestyle ay ang pangunahing tugon rito. Ano-ano nga ba ang mga pagkaing dapat iwasan para masiguradong malusog ang ating mga bato?
Photo Courtesy of lola56 via Pixabay
1. Processed food at fast food
Ang mga processed food at fast food ay kadalasang nagtataglay ng mga unhealthy fats, salt, at sugar. Kasama rito ang mga canned at frozen food at mga snacks tulad ng cookies, chips, at crackers. Madaling makabili ng mga ganitong klaseng pagkain at marami ang mga bilang ng tumatangkilik rito kaya naman ay marami din ang nagdudusa mula sa kidney diseases tulad ng kidney stones.
2. Sobrang protein
Importanteng kumain ng mga pagkaing may protein dahil ito ang nagbibigay lakas sa ating katawan at tumutulong upang mapalakas ang immune system ng isang indibidwal. Ngunit hindi rin magandang kumain parati ng mga pagkaing matataas sa protein sapagkat pinapalala nito ang kondisyon ng mga taong may kidney disease. Ilan sa halimbawa ng pagkaing may high protein ay ang meat, cheese, fish, eggs, at tofu. Nahihirapang tanggalin ng may apektadong kidney ang mga wastes na ito kaya naman para sa mga taong may problema sa kidney, iwasan ang pagkain ng sobra sobrang protein upang mapadali ang pagtanggal ng wastes sa katawan.
3. Mga pagkaing mataas sa potassium at phosphorus
Ilan sa mga pagkaing may mataas na potassium at phosphorus ay ang gatas, nuts, yogurt, banana, avocado at marami pang iba. Ang pagkain ng may mataas na potassium ay maaaring makasama sa buto ng isang indibidwal dahil ang kidney problem ay nagdudulot ng excessive building ng potassium sa dugo. Matataas ang mga pagkaing ito sa sodium na maaaring magdulot ng high blood pressure na siya ring makakasama sa taong may problema sa kidney.
Photo Courtesy of unsplash.com via Pexels
Ugaliing kumain ng mga pagkaing nagtataglay ng antioxidants upang mapangalagaan ang ating kidneys. Tumutulong ang antioxidants upang maiwasan ang mga diseases na maaaring makuha ng ating katawan mula sa mga internal o external factors. Ilan sa mga pagkaing nagtataglay ng antioxidants ay mga cranberries, garlic, apples, strawberries, at red bell peppers.
Maliban sa pagkain ng mga masusutansyang pagkain ay siguraduhin ding kumonsulta sa mga eksperto at makipag-usap sa isang renal dietitian upang masiguro na ang diet na kakainin ay makakatulong palakasin at pangalagaan ang ating mga kidney. Importanteng sundin ang mga diet na ito dahil mas nakakaranas ng inflammation ang mga taong may problema sa kidney at mas mataas ang risk na magkaroon ng cardiovascular diseases. Huwag balewalain ang kalusugan at simulan na ang healthy living ngayong buwan ng Hunyo upang maiwasan ang mga sakit at magkaroon ng malusog na kidney ngayong National Kidney Month.