Iba’t-ibang uri ng kidney infection

March 10, 2019

Ang kidney infection o pyelonephritis ay isang uri ng urinary tract infection (UTI) na nanggagaling sa iyong urethra o bladder (pantog) patungo sa iyong mga kidneys.

Acute pyelonephritis

Kapag napapadalas ang problema sa pagdaloy ng ihi sa urinary tract, maaari itong maging dahilan ng acute pyelonephritis. Maaari itong maging sanhi ng iba pang malubhang mga kundisyon gaya ng pagkakaroon ng abnormalities sa urinary tract, urinary obstruction, o di kaya’y diabetes.

Ang mga kababaihan ay mas prone sa pagkakaroon nito dahil mas maigsi ang kanilang mga urethra kumpara sa mga kalalakihan, na nagiging dahilan sa mas madaling pagpasok ng bacteria sa katawan.

Chronic pyelonephritis

Ang chronic pyelonephritis ay sanhi ng kidney stones na hinaharangan ang pagdaloy ng ihi at ibinabalik ito sa katawan. Ang uri ng kidney infection na ito ay mas madalas na mangyari sa mga kabataan kumpara sa mga matatanda.

Ang kidney infection ay kadalasang nangangailangan nang agarang atensyon dahil kapag ito ay hindi naagapan, maaari nitong sirain nang tuluyan ang iyong kidney, o maaaring maging sanhi nang pagkalat ng bacteria sa bloodstream at maging sanhi pa ng mas malubha pang kundisyon o sakit.

Papaano nagkakaroon ng kidney infection?

Nagmumula ang kidney infection dahil sa bacteria na E. coli. Kapag ang E. coli ay nakapasok sa tubo (urethra) na nagdadala ng ating ihi, umaakyat ito magmula sa bladder hanggang sa kidneys at tuluyang nagiging sanhi ng sakit.

May mga pagkakataon na ang kidney infection ay hindi direktang sanhi ng bladder infection. Ang isang tao na may matagal ng problema sa kidney, may kidney stones, diabetes, o may mahinang immune system ay maaari rin maapektuhan ng kidney infection.

Anu-ano ang mga symptoms ng kidney infection?

Ang mga sintomas o signs ng kidney infection ay paiba-iba depende sa edad. Ang mga sumusunod na sintomas ay kadalasang lumalabas pagkatapos ng dalawang araw mula sa pagiging infected ng bacteria. Bantayan ang mga sumusunod:

  • Mataas na lagnat (38.9°C)
  • Pananakit ng katawan lalo na sa likod, tagiliran, abdomen, at groin
  • Madalas na pag-ihi at hindi pangkaraniwan ang amoy
  • Pagkirot habang umiihi
  • Pagkahilo at pagsusuka
  • Low-blood
  • Dehydration

Huwag magdalawang-isip na kumonsulta sa duktor kapag ang mga nabanggit na sintomas ay nagtagal sa iyong katawan.

Papaano makakaiwas sa kidney infection?

Ang mga sumusunod ay mga hakbang na maaaring makatulong makaiwas sa kidney infection.

Palaging uminom ng tubig.
Ang mga fluids gaya ng tubig ay nakakatulong sa pag-alis ng bacteria sa katawan sa tuwing ikaw ay iihi.

undefined

Huwag pigilan ang pag-ihi.
Kapag nakakaramdam nang pag-ihi, huwag na magdalawang-isip na sumugod kaagad sa banyo. Iwasan i-delay ang pag-ihi sapagkat ito ay maaaring maging sanhi ng build-up ng mga bacteria sa loob ng iyong katawan.

undefined

Paglinis nang mabuti sa genital area.
Ugaliing liniisin ang mga private parts nang mabuti pagkatapos umihi o tumae. Magsabon mula harap hanggang likod para siguradong patay ang germs/bacteria.

Dagdag pa rito, bukod sa pag-inom nang maraming tubig, maaari mo rin sundin ang mga sumusunod upang makaiwas sa kidney infection:

Pag-iwas sa alcohol at caffeine.Ang kidney ang nagsisilbing pansala ng iyong katawan. Iwasan ang mga harmful substances gaya ng mga nabanggit sapagkat ang mga ito ay nagdudulot lamang ng extra work para sa iyong kidneys. Importante rin na huwag uminom ng alin man sa dalawa kapag ikaw ay naggagamot.

Pag-inom ng Sodium Ascorbate.
Ang Vitamin C ay isang powerful antioxidant na tumutulong protektahan ang mga tissue sa loob ng katawan mula sa oxidative stress, na makakatulong sa pagkakaroon ng isang healthy kidney. Ang sodium ascorbate ay superior form of vitamin C na hindi din nakakapagdulot ng pangangasim sa sikmura.

undefined

Pagkain ng apple.
Ang apple ay mataas ang acid content na nakatutulong sa pag-maintain ng acidity sa ihi na maaaring makapigil sa paglaki/pagkabuhay ng mga bacteria.

undefined

May RiteMED ba nito?

Bukod sa mga nabanggit na remedies para sa kidney infection, maaari ring uminom ng antibiotic upang makatulong sa pagpuksa ng mga bacteria na nagsasanhi ng pyelonephritis.

Ang RiteMED Cefuroxime Axetil ay isang uri ng antibiotic na nakakatulong sa pagpuksa ng mga bacteria na nagiging sanhi ng pyelonephritis at kaya rin nito pigilan ang paglubha ng impeksyon. Bago ang lahat, siguraduhing kumonsulta muna sa doktor bago simulan ang pag-inom ng mga antibiotic.


Sources:

https://www.medicinenet.com/kidney_infection/article.htm
https://www.nhs.uk/conditions/kidney-infection/
https://www.healthline.com/health/pyelonephritis
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/kidney-infection/symptoms-causes/syc-20353387
https://www.healthline.com/health/kidney-infection-home-remedies