Kahalagahan ng Stretching: Mga Benepisyo Nito sa Isip at Katawan | RiteMED

Kahalagahan ng Stretching: Mga Benepisyo Nito sa Isip at Katawan

July 15, 2023

Kahalagahan ng Stretching: Mga Benepisyo Nito sa Isip at Katawan

Alam niyo ba kung gaano kahalaga ang stretching? Kapag nageehersisyo tayo, maaaring nauuna ang mga aktibidad tulad ng pagtakbo o pag-buhat ng mga barbell. Ngunit, hindi dapat balewalain ang stretching. Ito ay isang mahalagang bahagi ng ating fitness routine na maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa ating kalusugan.

Sa pamamagitan ng tamang stretching, maaaring mapalawak ang ating range of motion at flexibility upang maiwasan ang muscle injuries.1,2 Ito ay nagbibigay sa atin ng kalayaan sa pagkilos at nagpapababa ng panganib sa tuwing nageehersisyo

 

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/husband-wife-happy-jogging-outdoor-sport-1936048609

Narito ang ilang benepisyo ng stretching:

  1. Nakakatulong upang maging mas flexible ang katawan

Ang pagsasagawa ng regular na stretching ay makatutulong upang mapataas ang iyong kakayahang mag-stretch o mag-inat. Hindi lamang ito makatutulong sa atin na gawin ang mga exercise routine at iba pang araw-araw na gawain nang mas madali, ngunit maaari rin itong makatulong upang madelay ang hirap sa paggalaw na dala ng pagtanda.1,2

  1. Pinapaganda nito ang performance natin sa physical activities

Ang pagsasagawa ng dynamic stretches bago magsimula sa mga pisikal na gawain ay nakakatulong upang maihanda ang ating mga kalamnan para sa aktibidad na gagawin. Maaari rin itong makatulong sa pagpapabuti ng ating pagganap sa mga tournaments.1,2

  1. Nagpapataas ng daloy ng dugo sa iyong mga kalamnan

Ang regular na pag-stretch ay maaaring mapabuti ang sirkulasyon ng dugo. Ang pagpapabuti sa daloy ng dugo sa iyong mga kalamnan ay nakakatulong upang mas mabilis makarecover ang muscles.1,2

  1. Pinapabuti nito ang ating postura

Natuklasan ng isang pag-aaral na ang pagsasagawa ng kombinasyon ng strengthening exercises at stretching ng mga kalamnan ay maaaring makabawas ng sakit sa likod at nakakatulong upang maisaayos ang alignment ng ating likod kaya’t nakakaganda ng postura.1

  1. Stress reliever

Kapag mataas ang level ng stress, malamang na nagiging tensed din ang ating mga kalamnan. Ito ay dahil ang ating mga kalamnan ay nagiging banat bilang tugon sa pisikal at emosyonal na stress. Tuonan ng pansin ang mga bahagi ng katawan kung saan karaniwang nakakaramdam ka ng stress tulad ng leeg, balikat, at itaas na bahagi ng likod.1

  1. Tumutulong sa pagbawas ng sakit sa ulo

Ang mga sakit sa ulo na dulot ng tensyon at stress ay maaaring makaapekto sa iyong pang araw-araw na buhay. Bukod sa tamang pagkain, sapat na pag-inom ng tubig, at sapat na pahinga, ang stretching ay maaaring makatulong sa pagbawas ng tensyon na nararamdaman mula sa mga sakit sa ulo.1

 

Mga Tips:

Narito ang ilang mga tips para simulan ang isang stretching routine:

  1. Simulan nang dahan-dahan. Tulad ng iba pang anyo ng pisikal na aktibidad, kailangan ng iyong katawan ng panahon upang makasanayan ang mga stretching na ginagawa mo.1
  2. Alamin ang tamang form at paraan ng pag-stretching. Kung hindi, maaaring masaktan o magkaroon ng muscle injury1
  3. Maaari kang mag-stretch sa anumang oras sa loob ng isang araw. Kapag nag-eehersisyo ka:
  • I-aim ang 5 hanggang 10 minuto ng dynamic stretching bago ang iyong aktibidad.
  • Pagkatapos ng ehersisyo, magsagawa ng 5 hanggang 10 minuto ng static stretching.1

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-mature-older-woman-doing-physiotherapist-2103744857

 Ang stretching ay hindi palaging ligtas, narito ang ilang mga safety tips:

  • Kung mayroon kang kasalukuyang o hindi pa gumagaling na injury, gawin lamang ang mga stretching na inirerekomenda ng iyong doktor.1
  • Kung mayroon kang matagal nang problema o injury, mag-consult ka sa isang espesyalista sa sports medicine o physical therapist upang mabigyan ng stretching routine na akma sa iyong pangangailangan.1
  • Kung mayroon kang anumang limitasyon na pisikal na nagpapigil sa iyo na maayos na mag-perform ng stretching exercise, kumunsulta sa iyong doktor para sa alternatibong mga ehersisyo na maaaring makatulong sa pag-increase ng iyong kakayahang mag-stretch.1
  • Huwag mag-stretch nang higit sa iyong kaya. Bagaman normal na makaramdam ng kaunting tension kapag nag-stretch ng kalamnan, hindi ka dapat makaramdam ng sakit.1
  • Huwag mag-overdo o sobrahan. Katulad ng iba pang mga anyo ng ehersisyo, nagdudulot ng stress sa katawan ang pag-stretch. Kung ikaw ay gumagawa ng stretching sa parehong grupo ng kalamnan nang maraming beses sa isang araw, maaaring mabigat ang stress na iyong ibinibigay sa mga ito at maaaring magdulot ng pinsala.1

Kahit na tayo ay baguhan sa ehersisyo o isang bihasang atleta, makakakuha pa rin ng mga benepisyo mula sa regular na stretching routine. Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng 5 hanggang 10 minuto ng stretching sa iyong araw-araw na ehersisyo, maaari mong mapataas ang saklaw ng iyong paggalaw, mapabuti ang iyong postura, at marelax ang isipan.

 

References:

(1) , S. (2018). 9 Benefits of Stretching: How to Start, Safety Tips, and More. Healthline. https://www.healthline.com/health/benefits-of-stretching

(2) Mayo Clinic Staff. (2022, February 12). Stretching: Focus on flexibility. Mayo Clinic. https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/fitness/in-depth/stretching/art-20047931



What do you think of this article?