Ang katawan ng tao ay binubuo ng tendons sa kasukasuan na kumukonekta sa mga muscles at mga buto. Ang mga tendon ay madaling mamaga kapag nalagyan ng matinding bigat o pressure dala ng biglaang pagbubuhat o mga nakakapagod na gawain. Ang sakit sa tendons o tendinitis ay maaaring makuha kapag pinagpatuloy ang ganitong uri ng paulit-ulit na activities.
Ano ang Tendinitis?
Ang tendinitis (tinatawag ding tendonitis) ay ang pamamaga o pagkapunit ng mga tendon sa pagitan ng mga muscles at buto.
Mga Sintomas ng Tendinitis
- Pagkawala ng kakayahang maigalaw nang wasto ang parteng apektado.
Mga Sanhi ng Tendinitis
Ang tendinitis na dala ng mga paulit-ulit na biglaang pagbubuhat ng mabibigat na bagay at biglaang pagkilos o stretching sa isang apektadong bahagi ng katawan ay may mga kaugnay na mga gawaing maaaring patuloy na magpalubha nito.
Ang maling posisyon ng katawan sa pag-upo sa opisina maging sa tahanan at ang kakulangan sa stretching o warm-up exercise bago ang anumang physical activity ay maaari ring maging sanhi ng tendinitis.
Mga bahagi ng katawan na maaaring maapektuhan ng Tendinitis
Anumang bahagi ng katawan na may tendons na kumukonekta sa mga muscles at mga buto ay maaaring makaranas ng tendinitis.
Achilles Tendon Rupture
Isa sa bahaging nakakaranas ng tendinitis ay ang mababang bahagi ng binti. Maaari itong humantong sa pagkapunit ng tendons na tinatawag na Achilles Tendon Rupture. Madalas ang mga taong kasali sa mga sports ang may mataas na posibilidad na magkaroon ng Achilles tendon pain.
Ang Achilles tendon ay matibay na fibrous cord na kumukonekta sa mga muscles sa likod ng babang bahagi ng binti hanggang buto ng sakong ng paa. Kapag nasobrahan ang pagkaka-strech o paggamit sa achilles tendon na ito ay nagiging sanhi para makaranas ng foot tendon pain o kaya naman ay ang mas malalang Achilles Tendon Rupture.
Achilles Tendonitis Causes
Ang Achilles tendon ang nakakatulong para maituro padiretso ang paa, tumayo nang gamit ang mga daliri sa paa kapag sumasayaw ng ballet, at maitulak ang mga paa para makapaglakad. Malaking bahagi sa araw-araw na pamumuhay ang paglalakad at paggalaw ng mga paa ang achilles tendon.
Ang pagkapunit sa bahagi ng tendon o ang Achilles tendon rupture ay nangyayari sa sukat na 2 ½ inches sa bahaging kadikit ng buto ng sakong. Madalas na dito nangyayari ang pagkapunit sa kadahilanan ding ang pagdaloy ng dugo sa bahaging ito ay mahina lamang. Dahil dito, nagiging mahina at matagal din ang paggaling nito.
Ang pagkapunit ng Achilles tendon na may dalang foot tendon pain ay resulta ng mga sumusunod:
- Labis na pisikal na akitibidad lalo na ang mga gawaing may kasamang pagtalon;
May ilang mga sakit din ang maaaring maging dahilan para magkaroon ng Achilles tendon rupture.
Ang edad o pagkatanda, kakulang sa pagbabanat o pag-eehersisyo, labis na physical activities, biglaang pagbabago sa gawaing pampisikal, pagsusuot ng masisikip na sapatos, pag-akyat-panaog sa hagdan o sa mga lugar na matataas, at nakaraang achilles tendon injury o family history ng nasabing sakit ay maaari ring maging dahilan para makaranas ng Achilles tendon rupture.
Achilles Tendon Treatments
Dalawang paraan ang maaaring gawin para magamot ang Achilles tendon rupture. Ito ay maaaring gamitan ng surgical intervention at ang isa nama’y walang kaakibat na surgery.
Para sa mga mas bata, malusog, at aktibong indibidwal na nakakaranas ng Achilles tendon pain, lalo na ang mga atleta, surgery ang unang pagpipilian. Kailangan buksan ang bahaging apektado at kumpunihin ang napunit na tendon. Matapos ang pagkumpuni, nangangailangangmaglagay ng short leg cast. Ang surgery ay mayroong sariling risk at benefits kaya ang paraang ito ay base pa rin sa kagustuhan ng pasyente at rekomendasyon ng doktor. Ang kagandahan dito ay mabilis lang ang paggaling at tila walang nangyari matapos ang operasyon dahil maagap na makababalik na sa dating gawain.
Ang pangalawa naman ay ang non-surgical treatment. Ito ay madalas nababagay sa mga may edad na, hindi na aktibo ang paraan ng pamumuhay, at sa mga may mababang supply ng dugo sa bandang paanan, kagaya ng mga taong may diabetes. Sa paraang ito, lalagyan ang paa ng short leg cast na tatagal ng anim hanggang sampung buwan. Ang muling paglakad ay maaari lang gawin matapos ang apat hanggang anim na buwan na paggamit nito.
Kapag natanggal na ang cast, mahalagang magkaroon ng physical therapy ang taong may Achilles tendon rupture. Makakatulong din na uminom ng gamot na makakabawas sa sakin ng Achilles tendon pain. Maaaring uminom ng ibuprofen + paracetamol gaya ng RiteMED Paramax para sa mas mabilisang paggaling.
Mga Paraan para Makaiwas sa Pagkakaroon ng Tendinitis
May mga simpleng paraan para hindi na humantong pa sa pagkakaroon ng tendinitis ang pagsasagawa ng physical activities:
- Kapag nagsisimula pa lang ng isang physical activity, dahan-dahan itong isagawa. Magkaroon ng stretching o warm-up exercises bago magsimula.
- Gumamit ng katamtamang lakas o pwersa sa mga gawain at iwasan din ang paulit-ulit na paggawa ng mga ito hangga’t maaari, lalo na kung may history na ng kahit anong uri ng tendon pain.
- Magpahingakapag nakaramdam na ng sakit. Huwag nang piliting matapos ang gawain kung mayroon nang nararanasan na sakit. Mabutihing gumawa muna ng iba pang hindi gaanong strenuous o nakakapagod na gawain kapag nakaramdam ng kakaibang sakit.
Mahalaga na maging maingat sa mga pagkilos kasama na rin ang pagkakaroon ng aktibong pamumuhay. Kapag nakaramdam ng biglaang pananakit ng kasukasukan ay huwag mag-atubili at agarang magpakonsulta sa doktor para mas makaiwas sa mas seryosong kondisyon. Ang pag-inom ng B Vitamins ay makakatulong para sa mas matibay na tendons ng katawan. Ugaliin ang maingat na pagkilos para sa mas matiwasay na pamumuhay.
Sources:
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/achilles-tendon-rupture/symptoms-causes/syc-20353234
https://www.webmd.com/fitness-exercise/arthritis-tendinitis#1
https://www.webmd.com/fitness-exercise/qa/what-is-tendinitis
https://www.webmd.com/fitness-exercise/recovering-from-achilles-tendon-injury#1