Mga Gamot o Lunas sa Pananakit ng Tuhod

September 21, 2020

Gabay sa Paggamot sa Pananakit ng Tuhod

 

Ang sakit sa tuhod ay kadalasang reklamo ng maraming tao, lalo na ang mga matatanda. Maaaring senyales ito ng simple lamang o mas malalang problema. 

 

Alamin ang mga paraan upang malaman ang iba’t-ibang sanhi ng sakit sa tuhod at kung paano ito malulunasan.

 

Diagnosis

 

Sa tuwing magpapa-checkup, aalamin ng doktor ang mga sumusunod:

  • Kung namamaga,sumasakit, malambot, mainit, o may pasa sa tuhod
  • Kung gaano katagal maigagalaw ang binti sa iba’t-ibang direksyon
  • Kung matibay ang mga tuhod

 

Imaging Tests

Upang alamin ang sanhi ng knee pain, maaaring imungkahi ng doktor ang iba’t-ibang imaging tests tulad ng mga sumusunod:

  • X-Ray
  • Computerized Tomography (CT) Scan
  • Ultrasound
  • Magnetic Resonance Imaging (MRI)

Lab Tests

Kung may infection o pamamaga, maaaring magsagawa ng blood tests. Maaari ring gawin ang arthrocentesis kung saan kukuha ng kaunting fluid sa pagitan ng knee joints para sa analysis o pagsusuri.

Treatment

Ang knee pain remedy o treatment ay nakadepende sa kung ano ang sanhi ng pananakit ng tuhod. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

1. Medications

Magbibigay ng reseta ang doktor upang gamutin ang mga kondisyon gaya ng, arthritis, rayuma sa tuhod, o gout.

2. Therapy

Patatagin ang mga tuhod sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga muscles sa paligid nito. Depende sa kondisyon o sanhi ng sakit, irerekomenda ng doktor ang physical therapy o ehersisyo upang palakasin ang mga tuhod.

3. Injections

Sa ilang kaso, maaaring imungkahi ng doktor ang pagtuturok ng gamot o iba pang substances sa joints. Halimbawa ng mga ito ay ang sumusunod:

  • Corticosteroids - Ang pagturok ng gamot na ito ay nakatutulong upang mabawasan ang sintomas ng arthritis flare at mawala ang sakit sa loob ng ilang buwan. Mahalagang tandaan na ang injection na ito ay hindi epektibo sa lahat ng kaso ng sakit sa tuhod
  • Hyalunoric Acid - Ang fluid na ito ay katulad ng fluid na naglu-lubricate sa joints. Itinuturok ito upang medaling maikilos ang mga tuhod at mabawasan ang sakit. Tumatagal ang epekto nito ng hanggang anim na buwan.
  • Platelet-Rich Plasma (PRP) – Ito ay nagtataglay ng iba’t-ibang growth factor na tumutulong upang mabawasan ang sakit at mapabilis ang paggaling. Mas epektibo ang injection na ito sa mga taong ang sanhi ng knee pain ay tendon tears, sprain, o injury.

4. Surgery

Bago magdesisyon, makabubuting alamin muna ang mga pros and cons ng nonsurgical rehabilitation at surgical reconstruction upang malaman kung alin ang mas makabubuti sa iyo. Narito ang mga operasyon na maaaring gawin kung kinakailangan:

  • Arthroscopic Surgery - Gamit ang fiber-optic camera, aayusin ng doktor ang kasukasuan depende sa pinsala nito. Ang Arthroscopy ay ginagamit upang alisin o ayusin ang sirang cartilage at buuin muli ang napunit na ligament.
  • Partial Knee Replacement Surgery – Sa operasyong ito, papalitan lamang ng surgeon ng plastic o metal ang bahagi ng tuhod na may pinakamalaking pinsala o sira.
  • Total Knee Replacement – Tatanggalin ang nasirang buto at cartilage mula sa thighbone, shinbone at kneecap at papalitan ng artificial na joints na gawa sa metal alloys, high-grade plastic, at polymers.

5. Lifestyle and Home Remedies

Makakatulong ang mga sumusunod na home remedies upang mabawasan ang  sakit na dulot ng pinsala sa tuhod:

  • Sapat na pahinga upang hindi lumala ang pinsala
  • Paggamit ng ice pack upang mabawasan ang sakit at pamamaga
  • Paggamit ng heat compress o heat pack upang pansamantalang mawala ang kirot
  • Paggamit ng compression bandage upang mapanatili ang tamang alignment ng tuhod
  • Pagtaas ng paa gamit ang unan o recliner upang maiwasan ang pamamaga
  • Paggamit ng alternatibong gamot tulad ng Glocusamine at chondroitin
  • Acupuncture

Ang mga sakit sa tuhod ay kailangang malunasan kaagad upang hindi lumala at magdulot ng mas malubhang kondisyon. Kumonsulta agad sa doktor kapag nakaranas ng alin man sa mga sintomas o sakit na nabanggit.

 

reference:

https://www.unilab.com.ph/articles/osteoarthritis-symptoms-risk-factors-treatment

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/knee-pain/diagnosis-treatment/drc-20350855

https://www.medicalnewstoday.com/articles/311280