What is Bursitis?
Ang bursitis ay ang pamamaga ng bahagi ng kasukasuan na tinatawag na bursa. Ang bursa ay isang maliit sa sako o sac na puno ng lubrication fluid. Ito ay nahahanap sa gitna ng mga tissues ng buto, litid, kalamnan, at balat, na nagsisilbing kutson upang mabawasan ang pagkikiskis ng mga ito dahil sa paulit-ulit na galaw.
Ang mga bahagi ng katawan na karaniwang nagkakaroon ng bursitis ay ang balikat, siko, at balakang. aaari ring magkaroon ng bursitis knee o pamamaga sa tuhod, sa sakong, at sa ilalim ng hinlalaki sa paa.
What Causes Bursitis?
Ang pangkaraniwang sanhi ng bursitis ay ang paulit-ulit na pagtama o paggalaw ng kasukasuan na naglalagay ng pressure sa mga bursa sa paligid nito. Ang paulit-ulit na paghagis ng bola o pagbubuhat ay ilan sa mga halimbawa ng galaw na nakapipinsala sa mga bursa. Kasama dito ang matagal na pagsasandal sa siko, o ang sobrang paggamit ng tuhod sa mga gawaing tulad ng pagkukuskos ng sahig, gardening, tennis, at iba pa.
Maaari ring makaapekto sa mga bursa ang pagpipinsala o trauma sa mga buto o kasukasuan, lalo na kapag ito ay nakatanggap ng malakas na tama. Nabibilang din sa mga ibang posibleng sanhi ang pagkakaroon ng rheumatoid arthritis, gout, sakit sa thyroid, at impeksyon na nagdudulot ng pamamaga.
Mayroon ding kinalaman ang edad sa pagkakaroon ng bursitis. Habang tumatanda ang katawan, humihina ang kakayahan ng mga litid na makatanggap ng pressure o stress, at madali na itong mapunit.
Mga Uri ng Bursitis
Dahil ang bursitis ay kondisyon sa tissues na malapit sa buto, kasukasuan, at litid, ang mga karaniwang bahagi ng katawan na naaapektuhan nito ay ang balakang, balikat, siko, at tuhod. Ang mga bursitis symptoms ay nauugnay sa kung anong uri ng bursitis ito:
- Hip Bursitis. Ang pamamaga ng bursa sa balakang ay nagdudulot ng sakit at pagkasensitibo sa labas na gilid ng balakang. Habang tumatagal, maaaring lumago ang sakit hanggang sa labas ng hita, kasama na ang puwet, singit, at lower back. Ang pasyente na may bursitis ay kadalasang nahihirapang maglakad, tumayo, umakyat ng hagdanan, at humiga sa kanyang tabi, lalo na sa tabing apektado. Dahil ang bursa nito ay nahahanap sa isang bahagi ng balakang na tinatawag na greater tochanter, ang tawag sa uri na ito ay Trochanteric Bursitis. Ang chronic pain at pagkasensitibo ng balakang ay tinatawag ng mga doktor na Greater Trochanter Pain Syndrome.
- Shoulder Bursitis. Ang bursitis in shoulder ay isang pangkaraniwang sanhi ng pananakit ng balikat. Ito ay ang masakit na pamamaga ng bursa sa kasukasuan ng balikat. Dahil lumalaki ang namamagang bahagi, nababawasan naman ang lawak ng mga pwang sa kasukasuan na syang nagdudulot ng masakit at limitadong galaw sa balikat. Ito ay maaaring mangyari pagkatapos ng sobrang paggamit ng shoulder joint, pagpipinsala, o mga chronic na kondisyon tulad ng rheumatoid arthritis.
- Elbow Bursitis. Kilala sa pangalang Olecranon Bursitis, ito ay ang pananakit at pamamaga ng bursa sa likod ng kasukasuan ng siko. Ang olecranon ay ang mabutong bahagi na nakausli sa siko. Ito ay nahahanap sa ibabaw ng ulna bone, at ang olecranon bursa ay nasa gitna ng balat at buto ng bahaging ito. Ito ang bursa na madalas nagkakaimpeksyon dahil kahit simpleng sugat o ineksyon sa bursa ay maaaring magdulot ng bacterial infection dito. Bagama’t madalas nagagamot ito sa mga pangkaraniwang paraan, ang malulubhang kaso ay maaaring mangailangan ng surgical treatment.
- Kneecap Bursitis. Ito ang pananakit at pamamaga sa harap ng tuhod, sa ibabaw ng kneecap o patella. Ang tawag sa uri na ito ay Prepatellar Bursitis. Dahil maraming ibang posibleng sanhi ng pamamaga sa tuhod, kailangan suriin munang mabuti kung ang pamamaga ay nasa harap o nasa loob ng kasukasuan. Ang pinaka-pangkaraniwang sanhi ng kneecap bursitis ay ang matagal na pagluluhod. Ito ay dahil sa mga gawaing tulad ng madalas na paglilinis o pagkukuskos ng sahig o pagtatrabaho sa bubong. Sa mga gawaing bahay o paglalaro sa sahig, mainam ang gumamit ng kneepads o lumuhod sa maliit na kutson.
Bursitis Treatment
Ang paggamot sa bursitis ay nakabatay sa uri nito, dahil mayroong mga espesipikong pangangailan ang iba’t-ibang bahagi ng katawan. Ngunit mayroong mga pangkaraniwang lunas na nababagay sa lahat ng uri ng bursitis, at ito ang mga sumusunod:
- Cold compress. Lagyan ng ice pack ang apektadong bahagi ng isa hanggang dalawang araw upang mabawasan ang pamamaga. Maaari ring magsalit-salit ng hot at cold compress nang 20 minutes bawat isa, tatlong beses sa isang araw.
- Gamot. Uminom ng anti-inflammatory medications base sa rekomendasyon ng doktor. Ang RM Paramax ay isang halimbawa ng gamot na nakatutok sa pagpapagaling ng namamagang bursa.
- Cortisone injections - Maaaring mag-prescribe ang doktor ng corticosteroids o mas kilala sa tawag na “steroids.” May mabilis na epekto ang steroids kaya’t ginagamit lang ito kapag may hinahabol na oras ang pasyente sa pagpapagaling. Hindi inirerekomenda ang paulit-ulit na gamit nito dahil sa mga potensyal na side effects at dahil maaaring takpan lamang nito ang ibang problema sa kasukasuan.
- Physical therapy - Ito ay isa sa pinakamadalas gamitin na treatment. Kasama dito ang range-of-motion exercises at paglalagay ng splint upang hindi nagagalaw ang namamagang bahagi habang nag-eehersisyo. Ang layunin ng physical therapy ay ang ayusin ang mga hindi-normal na paggamit ng joints sa pamamagitan ng ilang mga ehersisyo. Ang pag-aayos ng joint functions na ito ay makakatulong sa pagbabawas ng pamamaga at para maiwasan ang pagbabalik nito.
- Surgery - Bagama’t hindi agad pinapadaan sa surgery ang mga pasyente ng bursitis, ito ay isang option kapag hindi gumagana ang ibang treatments.
Prevention
Bagama’t hindi laging maiiwasan ang bursitis, mayroong mga paraan para mabawasan ang risk ng pagkaroon nito:
- Stretching - Pangunahin sa mga paraang pang-iwas sa bursitis ay ang pagsasagawa ng stretching araw-araw. Ang paggawa nito tuwing umaga ay makakatulong sa tamang pagdaloy ng dugo sa mga kalamnan at kasukasuan. Hinahanda at pinalalakas nito ang katawan upang hindi ito madaling maapektuhan ng sakit at makayanan nito ang iba’t-ibang panggamit sa mga kasukasuan.
-
- Anti-inflammatory diet - Ang tamang pagkain ng anti-inflammatory diet ay isa ring natural na paraan sa pag-iwas sa impeksyon at pamamaga. Ang mga pagkaing mayroong omega-3 fatty acids katulad ng isda at walnuts ay ilan sa mga halimbawa ng ganitong diet dahil nakakadagdag ito ng lubrication o pagpapadulas sa mga kasukasuan. Ang dapat namang iwasan ay ang refined sugars at mamantikang pagkain.
- Pagpapanatili ng tamang timbang - Ang pagiging overweight ay nakakalagay ng pressure o bigat sa mga kasukasuan. Malaking tulong sa pag-iwas sa bursitis ang pagkakaroon ng tamang timbang batay sa height, weight, at edad.
- Paggamit ng knee pads o elbow pads - Ang paggamit ng mga suporta sa tuhod o siko ay nakakabawas sa pressure na inilalagay dito ng mga mabibigat na gawain.
- Tamang pagbubuhat - Ang maling paraan ng pagbubuhat ay nakakapinsala sa mga kasukasuan. Siguraduhing naka-bend ang mga tuhod tuwing nagbubuhat ng mabibigat na gamit.
- Sapat na pahinga - Ang tuloy-tuloy na paggamit ng katawan sa nakakapagod na gawain ay maaaring makapagdulot ng pinsala sa mga buto at kasukasuan. Mahalaga ang mga regular “breaks” o maiiksing pahinga sa gitna ng mga pisikal na gawain kung saan madalas gamitin ang mga braso, tuhod, at balakang. Ito ay upang mabigayan ng oras ang mga kasukasuang makabawi ng lakas.
Kailan dapat magpatingin sa doktor?
Kumonsulta sa doktor kapag mayroong kasamang mataas na lagnat ang pananakit ng kasukasuan. Maaaring may impeksyon na ito na dapat gamutin. Obserbahan din ang mga apektadong bahagi kung ito ay may pamumula, pamamaga, at mainit na pakiramdam. Huwag hintaying lumala ang sakit at pamamaga. Kapag hindi na madaling galawin ang bahaging apektado, magpatingin agad sa doktor.
Ang mabilis na aksyon sa bursitis symptoms at tamang alaga o treatment ay ang pinakamainam na paraan tungo sa pagpapagaling ng kondisyong ito. Ang sapat na pag-iingat ay higit na makakatulong upang magkaroon ng lakas ang mga kasukasuan laban sa bursitis.
Sources:
https://www.webmd.com/pain-management/arthritis-bursitis#1
https://www.livestrong.com/article/100681-natural-home-remedies-bursitis/
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/bursitis/symptoms-causes/syc-20353242
https://www.arthritis-health.com/types/bursitis/hip-trochanteric-bursitis
https://www.verywellhealth.com/the-4-most-common-types-of-bursitis-2549305