Isa ang joint pain o sakit sa kasukasuan sa mga pinaka-karaniwang pananakit na pwedeng maranasan ng isang tao. Ayon sa lifestyle, family history, at health condition, kahit sino ay maaaring maging at risk dito, lalo na ang mga may edad na.
Mga Dapat Malaman Tungkol sa Joint Pain
Arthritis o rayuma ang tawag sa mga sakit na nagdudulot ng pananakit, pamamaga, at paninigas ng mga joint. Maaaring dulot ito ng injury sa buto o kasukasuan, abnormal na metabolism na nagsasanhi ng paninigas ng uric acid sa kasukasuan, pagkamana sa mga kamag-anak na mayroon nito, o kaya naman ay impeksyon.
Isang uri ng rayuma ang osteoarthritis, na nade-develop sa mga kasukasuan sa labis na paggamit sa mga ito o tinatawag na “wear and tear.” Kabilang din sa uri ng rayuma ang rheumatoid arthritis, isang autoimmune disease. Ibig sabihin nito ay kinakalaban ng immune system ng katawan ang mga joint sa pag-aakalang foreign bodies ang mga ito na makakapinsala sa kalusugan. Gout naman ang tawag sa pananakit at pamamaga ng joints gawa ng tumigas na uric acid sa dugo sa mga ito. Dulot ito ng hindi-maayos na pag-function ng kidneys dahil sa labis na pagkonsumo ng maaalat na pagkain.
Marami nang paraan para makaiwas sa arthritis o kaya mapagaan ang sakit na dala nito. Bukod sa pagsailalim sa physical therapy, regular na ehersisyo, pag-inom ng maintenance medicine tulad ng allopurinol at colchicine , o kaya naman ay mga pain reliever gaya ng ibuprofen at mefenamic acid, importanteng aspeto ng pagiging malaya mula sa mga sintomas ng joint pain ang pagkonsumo ng food for arthritis. Alamin kung anu-ano ang mga pwedeng isama sa inyong diet.
Arthritis Diet
Para sa mas mabusising pamimili at paghahanda ng food for arthritis patient, pag-usapan natin ang iba’t ibang klase ng pagkain na makakapagpalakas ng immunity laban sa arthritis.
- Fruits - Maraming pag-aaral na ang makakapagpatunay na kasama sa best food for arthritis ang sariwang mga prutas. Narito ang ilan sa mga pwede ninyong pagpilian:
- Cherries – Naikukumpara ang epekto ng anti-inflammatory at antioxidant benefits ng cherry sa mga nonsteroidal anti-inflammatory drugs o NSAIDs. Napapababa rin nito ang risk ng pagkakaroon ng gout.
- Avocado – Dahil sa anti-inflammatory, monounsaturated fat nito, nakakatulong sa pag-iwas sa agarang joint damage ang pag-kain ng avocado. Ang micronutrient nito na Vitamin E ay mahusay din sa pagsugpo ng inflammation sa mga kasukasuan.
- Watermelon - Isa rin ito sa recommended food for arthritis dahil sa taglay nito carotenoid beta-cryptoxanthin – isang pampababa ng risk ng rheumatoid arthritis.
- Vegetables – Ang mga gulay ay mayroong healthy properties na tumutulong makaiwas sa pagsumpong ng rayuma dahil naiingatan ng mga ito ang walls ng cells sa kasukasuan. Ilan sa mga ito ang:
Photo from Unsplash
- Broccoli – Ayon sa mga research, ang sulforaphane ng broccoli ay humaharang sa pamumuo ng cells na nagsisimula ng rheumatoid arthritis.
- Spinach – Isama rin sa rheumatoid arthritis diet ang gulay na ito dahil sa kaempferol content nito, isang antixodant na inaagapan ang inflammatory agents na nag-uumpisa ng nasabing autoimmune disease.
- Garlic – Ito ay may compound na tinatawag na diallyl disulphine, ang tumatalo sa mga enzyme sumisira sa mga litid na nakapalibot sa mga buto.
- Red and green pepper – Ang Vitamin C na nakukuha rito ay kailangan ng katawan para maprotektahan ang mga cell sa litid. Ganoon din, napapatibay ng bitaminang ito ang mga buto para maiwasan sa maagang pagkarupok.
- Drinks - Hindi lang pagkain ang dapat binabantayan para maibsan ang sakit na dulot ng rayuma. Pwede ring isama sa arthritis treatment diet ang mga inumin na ito para makuha ang kanilang mga benepisyo:
- Gatas – Makakatulong sa pag-iwas sa gout ang pag-inom ng gatas. Bukod dito, nalalabanan nito ang paglala ng osteoarthritis dahil sa calcium na naibibigay nito sa mga buto at sa joints na nakapalibot sa mga ito. Pumili ng low-fat milk para makaiwas sa saturated fat.
- Natural fruit juices – Mataas ang antioxidants ng orange, tomato, pineapple, at carrot juices dahil sa Vitamin C properties ng mga ito. Malaki ang maiaambag nitong proteksyon mula sa free radicals na nagdadala ng inflammation o pamamaga sa kasukasuan.
- Water – Kailangang mapanatiling hydrated ang katawan para mailabas ang mga toxin na pwedeng magdala ng inflammation. Siguraduhing sapat ang iniinom na tubig sa loob ng isang araw para rin maging maayos ang paggalaw ng joints.
- Red wine – Mayroon itong resveratrol na nakakapagpababa ng mga epekto ng inflammation sa kasukasuan. PInapayo na moderated drinking lamang ang gawin para makaiwas sa risk ng rheumatoid arthritis. Ipagbigay-alam muna sa inyong doktor kung recommended bai to para sa inyong health condition.
- Grains – Malaki ang potensyal na makadagdag-inflammation ang maling choices ng grain na idadagdag sa food for joint pain. Subukan ang mga ito para makaiwas sa paglala ng rayuma:
Photo from Unsplash
- Brown rice – Kumpara sa white rice, mas mayaman sa nutrients ang kanin na ito. Dahil wala na itong bran at germ sa pagproseso, napapababa nito ang risk ng pagtindi ng pamamaga.
- Whole oats – Ang mga produkto gaya ng oatmeal ay natural na walang gluten, isang madalas na trigger ng inflammation sa kasukasuan.
- Whole wheat - Pumili ng bread at pasta products na may nakalagay na 100% whole wheat sa label para makasiguradong mataas ito sa fiber kada isang serving. Kailangan ng katawan ang fiber para mailabas ang toxins na maaaring magsanhi ng pananakit ng joints.
Bago pa man bumuo ng komprehensibong arthritis treatment diet, siguraduhing kumonsulta muna sa inyong doktor para matukoy kung alin sa mga ito ang nababagay sa kalagayan ng inyong katawan.
Tandaan na ang mga ito ay nakakabuti para mabawasan at maiwasan ang pananakit, pamamaga, o paninigas na dala ng rayuma kapag sinamahan ng tamang ehersisyo, pahinga, at disiplina. Tambalan pa ito ng mga prescribed medicine ng inyong doctor para mapanatiling malakas ang katawan sa kabila ng pag-atake ng rayuma.
Sources:
https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/arthritis
https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/gout
https://www.healthline.com/nutrition/10-foods-for-arthritis
https://www.arthritis.org/living-with-arthritis/arthritis-diet/best-foods-for-arthritis/best-beverages-for-arthritis.php
https://www.goodhousekeeping.com/health/diet-nutrition/a20706575/healthy-whole-grains/
https://www.arthritis.org/living-with-arthritis/arthritis-diet/best-foods-for-arthritis/best-fruits-for-arthritis.php