Hindi lahat ng stomach pain o sakit sa tiyan ay pare-pareho ang dahilan at lunas. May mga stomach ache na dala ng sobrang pag-kain, infection, dysmenorrhea, at iba pang factors na panandalian lamang. Mayroon naman ding mga kondisyon na pangmatagalan. Isang halimbawa na lang nito ang irritable bowel syndrome o IBS.
Ano ang irritable bowel syndrome?
Ang IBS ay isang chronic na kondisyon kung saan ang large intestine ay apektado. Nangangailangan ito ng pangmatagalang pain management dahil hindi ito basta-basta nawawala. Kapag hindi nabibigyang-pansin, maaari itong mauwi sa ibang karamdaman gaya ng colorectal o kaya colon cancer.
IBS Symptoms
Kasama sa mga nararanasan ng may irritable bowel syndrome ang mga sumusunod:
- Abdominal pain;
- Cramps;
- Pakiramdam na puno ang tiyan;
- Pakiramdam na kinakabag;
- Kapansin-pansing kaibahan ng itsura ng dumi; o
- Diarrhea o constipation.
Bakit nagkakaroon ng IBS?
May ilang mga napag-alamang factors na nagsasanhi ng irritable bowel syndrome. Tingnan ang mga sumusunod na nakakapagpataas ng risk ng pagkakaroon ng IBS:
- Allergy o intolerance sa pagkain – May ilang pagkain na nakakapag-trigger ng irritable bowel syndrome gaya ng dairy products, citrus fruits, cabbage, at soda.
- Problema sa nervous system – Maaaring may anomalya sa nerves sa digestive system kaya naman ay sumasakit ng tiyan kapag nababanat ang abdomen mula sa pagdumi o paglabas ng hangin. Kung madalas nagkakaranas ng diarrhea o constipation, magpasuri agad sa doktor para makasigurado.
- Bacterial o viral infection – Kapag malubha ang tumamang bacteria o virus na nagdadala ng diarrhea, pwedeng magkaroon ng IBS. Isa pang hinihinalang sanhi nito ay ang pagdami ng bacteria sa loob ng intestines.
- Muscle contractions sa intestine – May mga muscle na nakalinya sa lining ng intestines na nagkakaroon ng contractions kapag dumadaloy ang pagkain sa digestive tract. Kapag malakas at matagal ang contractions na ito, pwedeng makaranas ng diarrhea, stomach bloat, at pananakit ng tiyan.
- Stress – Mas mataas ang risk ng IBS para sa mga taong nakaranas ng stress sa kanilang buhay lalo na noong kanilang kabataan. Ang mga sintomas na kanilang mararamdaman ay tila mas malubha rin kaysa sa normal.
Image from:https://www.shutterstock.com/image-photo/high-fiber-foods-on-wooden-background-391498048
Irritable Bowel Syndrome Treatment
Kung nakakaranas ng IBS symptoms, magpakonsulta sa doktor para makakuha ng maagang diagnosis at maagapan ang posibleng komplikasyon nito. Maaaring magrekomenda ang eksperto na sumailalim sa mga sa mga test gaya ng colonoscopy, x-ray o CT scan, stool test, at upper endoscopy para masigurado kung IBS nga ang nararanasan.
May ilang lifestyle changes naman na kayang-kaya gawin para magkaroon ng healthy digestive system. Magkaroon ng fiber-rich diet na binubuo ng prutas at gulay at panatilihing hydrated ang katawan.
Kung hindi regular ang bowel movement, maaaring uminom ng RiteMED Fibermate. Pwede ring subukang uminom ng laxative gaya ng RiteMED Bisacodyl para mawala ang constipation at makaiwas sa pagkakaroon ng hemorrhoids o almoranas. Nakakatulong din ang regular na pag-eehersisyo para rito.
Ayon sa mga pag-aaral, mababa ang quality of life ng mga pasyenteng may IBS dahil na rin sa dami ng mga araw na hindi sila makapagtrabaho o makakilos nang maayos sa mga sintomas na dala nito. Nakaka-trigger din ito ng depression at anxiety. Mabutihing ipa-check agad sa doktor ang anumang signs na maaaring tumutukoy sa pagkakaroon nito.
Sources:
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/irritable-bowel-syndrome/symptoms-causes/
https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-kumplikasyon-sa-constipation