Gamot sa Insomnia

December 20, 2018

Malaking bahagi sa kalusugan ng tao ay nakukuha sa pagkakaroon ng sapat na tulog. Nakikita ang koneksyon ng kakulangan sa tamang pahinga at sa pagkakasakit. Kapag may problema sa pagtulog, apektado hindi lang ang pisikal na aspeto kundi pati na rin ang overall mood at pananaw ng isang tao. Ito ang dahilan kaya pinapahalagahan ang sapat at regular na oras ng tulog gabi-gabi.

 

Problema sa Pagtulog

 

May ilang sleep disorders o problema sa pagtulog ang nakakasagabal sa pagsasagawa ng katawan sa mga natural processes nito habang nakapahinga ang isang tao. Isa na rito ang insomnia, isang kondisyon kung saan nahihirapan ang isang tao na makatulog o manatiling tulog kahit may pagkakataon. Maaari itong samahan ng mga sumusunod na sintomas at signs:

 

  • Labis na pagkaantok tuwing umaga;
  • Lethargy o kakulangan sa pagkilos;
  • Mabilis na pagkairita;
  • Mood swings;
  • Fatigue; at
  • Anxiety o labis na pagkabahala.

 

Ang insomnia ay dala ng iba’t ibang physical, emotional, at psychological factors. Kadalasan, ito ay dahil sa:

 

  • Pagbabago ng circadian rhythm o natural na body clock dahil sa jet lag, pag-iiba ng oras o shift sa trabaho o school, pagtaas ng altitude ng isang lugar, at labis na pagkainit o pagkaginaw;
  • Pagkakaroon ng depression, bipolar disorder, o anxiety;
  • Pagkakaroon ng medical conditions gaya ng chronic fatigue syndrome (CFS), ilang sakit sa puso, gastroesophageal reflux diseases (GERD), hika, at iba’t ibang sakit sa utak;
  • Pagbabago ng hormones lalo na sa kababaihan tuwing may menstrual period; o
  • Iba pang factors gaya ng pagbubuntis at pagkakaroon ng overactive mind.

 

Mayroong tatlong uri nito. Una na rito ang transient insomnia o ang pagiging hirap sa pagtulog na umaabot hanggang tatlong gabi. May tinatawag ding acute insomnia o short-term na challenge sa pagtulog na tumatagal nang ilang linggo. At ang chronic insomnia naman ay maaaring tumawid ng ilang buwan o taon. Ang uri na ito ay kadalasang side effect lamang ng mas mabigat na health problem.

 

Bukod sa insomnia, ang sleep apnea ay isa pang disorder sa pagtulog kung saan paulit-ulit na tumitigil at bumabalik ang paghinga nang biglaan. Nakakasira rin ito sa dire-diretsong pagtulog dahil nakakasagabal ito sa airways, dahilan para hindi makapag-send ng tamang signals ang utak sa mga muscles para makontrol ang paghinga. Sinasamahan din ito ng insomnia at mga sintomas gaya ng:

 

undefined

Photo from Unsplash

 

  • Malakas na paghilik;
  • Mga pagkakataong tumitigil sa paghinga habang natutulog;
  • Naghahabol-hininga habang natutulog;
  • Paggising nang tuyo ang bibig;
  • Labis na pagkaantok sa umaga o hypersomnia;
  • Pagkairita;
  • Pagsakit ng ulo; at
  • Pagiging hirap mag-focus habang gising.

 

Ang sleep disorders na ito ay nagagamot at maaaring mapagaling. Alamin kung anu-ano ang mga pwedeng gawin para malabanan ang mga ito.

 

How to Treat Insomnia and Other Sleep Disorders

 

Home Remedies – Bukod sa gamot, may ilang mga paraan on how to cure insomnia. Ang pagsasagawa ng mga hakbang na ito para mapasaayos ang kalidad ng tulog gabi-gabi ay nakakatulong din kasabay ng pag-inom ng gamot para rito>

 

  1. Pagkakaroon ng sleep hygiene.

 

Malaki ang naitutulong pagkakaroon ng disiplinadong routine para makaranas ng kumpleto at maayos na tulog. Susi rito ang pagtatalaga ng regular na oras ng pagtulog. Makakabuti ito para mai-set ang body clock sa wastong oras ng pagpapahinga at paggising sa umaga nang sa gayon ay maging normal din ang pag-function ng iba’t ibang Sistema sa katawan.

 

  1. Pag-iwas sa mga produktong may caffeine.

 

Iwasan ang pag-inom ng kape o tsaa bago ang nakatalagang oras ng pagtulog. Nakakagising ng diwa ang caffeine dahil stimulant ito ng isip, hinahayaan ang pagtakbo nito kahit habang nagpapahinga.

 

  1. Pag-iwas sa sobrang pagkagutom o pagkabusog.

Nakakaapekto sa pagproseso ng katawan habang nagpapahinga ang kagutuman at kabusugan. Siguraduhing may sapat na laman ang tiyan ilang oras bago ang itinakdang sleeping time.

 

  1. Paniniguradong may komportableng environment para sa pagtulog.

 

Gumawa ng mga bagay na makakatulong sa iyo na maka-relax bago ang oras ng patutulog. Maghilamos o maligo gamit ang maligamgam na tubig, magpamasahe, mag-ayos ng kama, makinig sa nakaka-relax na mga kanta, mag-meditate – gawin ang mga bagay na makakatulong makapag-set ng “mood” ng pagpapahinga.

 

  1. Hindi paggamit ng gadgets bago matulog.

 

Kasama rin sa insomnia remedies ang pag-iwas sa gadget usage bago matulog. Ang ilaw na nanggagaling sa mga device na ito ay nakaka-stimulate ng isip, maging ang mismong activity ng pagkonsumo ng entertainment.

 

Medicine for Insomnia

 

undefined

https://www.pexels.com/photo/alone-bed-bedroom-blur-271897/

 

May mga inirerekomendang gamot laban sa sleep disorders bukod sa sleeping pills na kadalasan ay may ‘di-magandang side effects. Ilan sa mga ito ang corticosteroids, alpha at beta blockers, at antidepressants.

 

Mayroon ding insomnia cure na kung tawagin ay diphenhydramine na pwedeng gawing solusyon para sa short-term na sleep disorders. Nakakatulong ito sa pag-manage ng insomnia na tumatagal na ng ilang linggo.

 

Bukod sa benefit na ito, nagsisilbi rin itong antihistamine an antitussive. Para makatulong sa pagtulog, pwedeng uminom ng isang capsule nito 20 minutes bago matulog.

 

Para makasigurado sa paggamit nito, ipinapayo na kumonsulta muna sa inyong doktor para malaman kung angkop ba ang diphenhydramine para sa iyong kalagayan, lalo na kung mayroon pang ibang health condition na nangangailangan ng maintenance medications.

 

Paalala: Hindi ito para sa mga may history ng asthma at health conditions gaya ng glaucoma. Bawal din ito sa mga inang nagpapa-breastfeed dahil maaaring humalo ito sa gatas at sa mga nakainom ng alak dahil makakadagdag hilo ito.

 

Kung ang insomnia o iba pang sleep disorders ay nasa chronic stage na, mas inirerekomendang magpasuri sa isang sleep specialist para mabigyan ng wastong solusyon sa problema sa pagtulog. Maaaring magsagawa ng sleep studies gamit ang polysomnograph na siyang nagre-record ng sleep patterns, at actigraph na sumusukat ng movement at mga pattern ng pagtulog at paggising.

 

Maging mapagbantay sa oras at kalidad na mayroon sa iyong pagpapahinga araw-araw. Ang pagtatala ng mga ito sa isang sleep diary ay makakatulong din sa iyong doktor na makaabot sa maayos na diagnosis tungkol sa iyong kondisyon.

 

 

Sources:

 

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sleep-apnea/symptoms-causes/syc-20377631

https://www.medicalnewstoday.com/articles/9155.php

https://www.sleepfoundation.org/insomnia/content/what-is-insomnia