Pwede tayong makakuha ng mga impeksyon sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Nanggagaling ang ibang mga impeksyon na ito sa bacteria at virus kapag nagkaroon ng masamang strain nito sa ating katawan.
Ang bacteria at virus ay matatagpuan kung saan-saan. Ang bacteria ay naniniharan sa kahit anong klima at lokasyon sa mundo. Kadalasan ito ay airborne o kung di naman ay matatagpuan sa dagat o lupa. Karamihan sa mga bacteria ay hindi totally makakasama kaagad sa katawan. Kung minsan maaari ring makatulong sa immunity ng katawan at makatulong sa magandang pag-digest ng pagkain.
Ang mga bacteria at virus ay maaaring kumalat at makuha sa:
-
Pag-ubo
-
Contact mula sa mga infected na tao, lalo na sa pamamagitan ng halik at pakikipagtalik
-
Maaring makuha din ito sa mga kontaminadong pagkain, tubig, o hayop, kabilang na dito ang mga alagang hayop o insekto.
Anu-ano ang mga bacterial infections na madalas maranasan?
Maraming iba’t ibang uri ng infection. Bawat impeksyon ay may nakalaang paunang lunas upang maagapan at hindi na makagawa ng mga bagay na makakapagpalala nito.
Mga Karaniwang Bacterial Infection na Pwedeng Makuha
Skin Infections
Ang balat ang pinakamalaking organ ng katawan. Ang tungkulin nito ay protektahan ang katawan sa mga infection. Minsan, ang balat na mismo ang naaapektuhan. Ang mild infections ay maaring malunasan ng mga over-the-counter na gamot (hyperlink). Samantala, ang mga malalang kondisyon naman ay nangangailan ng matinding atensyon at paunang lunas.
Iba’t ibang uri ng Skin Infections
-
Bacterial Skin Infections
-
Viral Skin Infections
-
Fungal Skin Infections
-
Isa sa maituturing na dulot ng fungal infection ay ang buni o ringworm. Ang buni ay maaaring matagpuan sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sa paa, ito ay tinatawag na alipunga o athlete’s foot. Ito ay naipapasa sa pamamagitan ng pagdikit sa balat na may impeksyon, lalo na kung ito ay nasa paa. Ang alipunga ay mas pangkaraniwan sa mga lalaki magmula pagbibinata hanggang sa mga edad 50.
-
Parasitic Skin Infections
URINE INFECTION o UTI
Ang normal na ihi o urine ay walang bacteria ngunit hindi maiiwasan na may mga nakakapasok na mikrobyo sa loob ng katawan na nagdudulot ng urinary tract infection o UTI. Maaari nitong maapektuhan ang iba’t-ibang bahagi ng urinary system katulad ng impeksyon sa bato, impeksyon sa pantog at impeksyon sa daluyan ng ihi (ureter at urethra).
ANG MGA SINTOMAS NG URINE INFECTION
SANHI NG URINE INFECTION
Ang sanhi ng UTI ay ang mga bacteria na nakapasok sa daluyan ng ihi. Ito’y maaaring mangyari kung hindi malinis ang bahagi ng katawan, o dahil sa pakikipagtalik o sex. Maaari ding dahilan ang pagbubuntis, diabetes o paggamit ng birth control pills.
GAMOT SA URINE INFECTION
Ang pangunahing sanhi kung bakit nagkakaroon ng Urine Infection ang isang tao ay dahil sa bacteria. At ang pinaka epektibong gamot para dito ay ang paginom ng antibiotic. Ang mga karaniwang nireresetang antibiotics ng mga doktor ay:
-
Amoxicillin
-
Cephalosporins
-
Doxycycline
-
Ciprofloxacin
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng Urine Infection, dapat ay uminom ng 6 hanggang 8 na baso ng tubig sa isang araw. Ugaliing linisin nang maigi ang genital area at umihi bago at pagkatapos ng pakikipagtalik upang matanggal ang mga bacteria na posibleng pumasok sa urethra.
KIDNEY STONES
Ang kidney ang nagtatanggal ng sobrang tubig at basura sa katawan, nagsasaayos ng likido at mga kemikal na kailangan sa ating katawan, sumusupil sa presyon ng dugo. Ang sakit sa bato ay isang panganib sa kalusugan at buhay ng tao kung hindi matutuklasan ng maaga at mabibigyan ng kaukulang lunas.
SINTOMAS
-
Masakit na pantog, likod, at tagiliran
-
Pagkakaroon ng UTI o Urinary Tract Infection
-
Dugo sa ihi
-
Panghihina at panlalambot
PAG-IWAS SA PAGKAKAROON NG KIDNEY STONES
-
Manatiling fit at aktibo
-