Tips Para Ma-Maintain ang Normal na Blood Pressure

December 12, 2017

Holiday Season na naman. Bukod sa pagiging busy sa paghahanda sa Holiday season, challenging din ang panahon na ito dahil sa kagustuhang mag-celebrate at makasama ang kanya-kanyang pamilya at mga kaibigan. Dahil sa kaliwa’t kanang activities at preparation, madalas nakakalimutang isipin ang kalusugan, lalo na ang  puso. Karamihan sa mga Pinoy ay hindi pinapansin ang mga bagay na makakatulong sa pag-iwas sa mga sakit sa puso o sa pagma-maintain ng normal na blood pressure. Ang Cardiovascular disease ay isa sa mga sakit na biglaang kumikitil sa buhay ng sanhi ng heart attack o heart failure.

Maraming paraan para ma-maintain ang blood pressure tuwing Holiday Season pero ang pinakamadali ay ang pagkain ng healthy food, ang pag-eexercise at sapat na pahinga.

  1. Pagkain ng healthy foods – Tuwing panahon ng Kapaskuhan, sagana sa sweets ang mga tao. Isa sa mga paboritong kainin ng mga tao, bata man o matanda, ay chocolates. Maaaring mas lumakas pa ang pagkain ng chocolates kung malalaman ng tao ang kahalagahan nito sa pag-iwas ng sakit sa puso. Highly-recommended ang pagkain ng Dark Chocolate dahil nagtataglay ito ng maraming nutrients na beneficial sa kalusugan ng mga tao. Ito ay mayroong antioxidants na nakakatulong para mabawasan ang heart diseases.

undefined

Ang iba pang paraan  para makaiwas sa sakit sa puso at ma-maintain ang normal blood pressure ay ang pagkonsumo ng mga pagkaing mababa sa cholesterol. Kung nais magkaroon ng healthy heart, simulan ang pagkakaroon ng healthy diet. Ang mga pagkain tulad ng brown rice at whole grain bread ay makakatulong sa pagpapanatili ng normal blood pressure. Ang paggamit ng olive oil sa pagluto o paghahanda ng mga kakainin ay dapat gawing habit. Ang pagpili ng mga kakainin ay mahalaga, siguruhing ang pagkain ay low-fat or fat-free lalo na sa mga dairy products. Dapat maging parte din ng diet ang gulay at prutas, damihan ang pagkain ng mga ito. Haluan ang Christmas dishes ng mga gulay tulad ng broccoli at caluliflower. Ang pagkain ng maaalat o mataas ang  sodium ay dapat iwasan dahil ito ay nakakapagpataas ng blood pressure pati ang mga fried food. Umiwas sa prito, pillin ang steamed, o grilled food.

  1. Pag-eexercise at pagiging active – Kailangang ng puso at katawan ang pag-eehersisyo dahil ang puso ay binubuo ng mga muscles na kailangang i-stretch at i-exercise palagi. Habang nag-eexercise, ang puso ay nagpa-pump ng dugo sa buong katawan na nakakatulong para ang bawat parte ng katawan ay gumana ng maayos. Ang pagpa-pump ng blood ay nakakatulong sa pagkakaroon ng normal blood pressure. Ang pag-eexercise ay nakakatulong din para ma-burn ang mga calories mula sa mga kinain. Bukod sa pagkakaroon ng healthy heart at normal blood pressure, mas long-term ang benefits kapag nag-eexercise araw-araw. Hindi kailangan ng elaborate na work-out plan para maging healthy, kadalasang 30-minutes lang ang nire-rekomenda ng mga doktor na tagal ng pag-eeherisyo o pagwo-workout.

  2. Sapat na pahinga – Dahil sa kagustuhan maka-attend sa lahat ng parties at mag-Christmas shopping, kadalasan ay kinukulang sa oras at naghahabol. Mas madalas, hindi rin sapat ang pahinga pati ang oras ng pagtulog dahil sa puyat sa pag-attend ng parties o kaya’y sa pagsi-Simbang Gabi. Ito ang nagiging sanhi rin ng stress. Ang stress ay isa sa mga tinuturong sanhi ng stroke o iba pang sakit sa puso. Iwasan ang stress. Kung hindi na kaya ng schedule, i-decline ang ilang party invite. Ugaliin din ang pagchi-check ng blood pressure lalo na tuwing nai-stress. Maglaan ng sapat na oras ng pagtulog at pahinga. Kailangan ng sapat na pahinga para ma-recharge ang katawan pati na rin ang puso. Magkaroon ng me-time at gamitin ito para magpa-massage.

Madali lamang ang pagpapanatili ng normal blood pressure, kailangan lang ang disiplina sa wastong pagkain, pag-eehersisyo at tamang pahinga. Mas mae-enjoy ang Holidays, pati ang mga sususond na araw at taon dahil sa  healthy lifestyle. Sa pag-shift sa healthy lifestyle, masisigurong malusog ang iyong puso at mami-maintain ang normal blood pressure.

 

Sources:

  • http://cardiojuvenateplus.com/2017/01/02/easier-ways-to-naturally-maintain-blood-pressure-during-the-holidays/

  • https://www.doctorshealthpress.com/general-health/holiday-tips-natural-ways-to-stay-healthy-in-holidays/