Kapag nakaranas na ng heart attack o atake sa puso, hindi natatapos sa hospital treatment ang pagtugon dito. Kinakailangan ang consistent na lifestyle at pag-iingat sa puso para maagapan ang heart attack symptoms na maaaring bumalik kapag napabayaan.
Para sa mga nag-aalaga ng mga maysakit sa puso o kaya naman ay mayroong history ng heart problems, may ilang mga paraan para mapabuti ang quality of life ng pasyente at patuloy itong makakilos ng normal matapos ang insidente ng heart attack o cardiac arrest.
Tingnan natin ang ilan sa mga sumusunod na heart tips:
- Huwag magmadali na bumalik sa normal ang lahat.
Hindi biro ang nangyayari sa katawan matapos ang problema sa puso. Matagal ang recovery time na kinakailangan para sa kumpletong paggaling, kasama naman dito ang araw-araw na pagmo-monitor ng pamumuhay mula sa kinakain, iniinom, pagpapahinga, at iba pa. Sa ganitong paraan, mapapababa ang risk na maulit ang heart attack at iba pang komplikasyon nito.
Pagkalabas ng ospital, maaaring magpatulong sa pamilya o mga mahal sa buhay sa pag-aasikaso sa mga gawaing-bahay o iba pang activities na kadalasang ginagawa ng pasyente mag-isa. Kung kaya, pwede ring kumuha ng caregiver o personal nurse para maagap na matuunan ang pangangailangan ng maysakit.
- Samahan ang pasyente sa regular na pag-eehersisyo.
Parte ng healthy routine para sa mga nakaranas ng heart problems ay ang pagkakaroon ng active lifestyle. Para ganahan ang pasyente sa pagwo-workout, samahan ito sa paglalakad, stretching, jogging, at iba pang low-impact exercises. Sa ganitong paraan, makakapagpanatili rin siya ng healthy weight. Makakatulong din ang mga nasabing activities para unti-unting manumbalik ang lakas at sigla ng pasyente.
- Siguraduhing hindi na babalik sa pagbibisyo.
Risk factors sa pagpapakita ng heart attack symptoms ang mga naninigarilyo at umiinom ng alak. Ipagbawal ang mga ito sa pasyente para makaiwas sa blood clots at high blood pressure.
- Magkaroon ng heart-healthy diet.
Malaki ang ginagampanan ng ating kinakain sa kalusugan ng ating puso. Sundin ang inirerekomenda ng doktor na low-sodium diet. Iwasan din ang paghahanda ng mga pagkain na mataas sa cholesterol gaya ng mamamantikang pagkain at mga ulam na mataas sa fats. Gumawa ng meal plan na sagana sa lean protein, prutas, at gulay para makabuo ng balanseng diet.
Image from: https://www.shutterstock.com/image-photo/grilled-tuna-spice-lemon-cafe-menu-530478556
- Maging mapanuri at maalam sa pagma-manage ng kondisyon ng pasyente.
Magsagawa ng research tungkol sa health condition ng pasyente para maging alerto sa heart attack signs, causes of heart attack, at ang mga paraan para matugunan ang mga ito. Magkaroon din ng talaan para mai-record ang regular na monitoring ng blood pressure ng pasyente.
Bukod sa mga ito, siguraduhin din ang pag-inom sa tamang oras ng maintenance medication. Ilan sa mga madalas inirekomenad ng doktor ang mga gamot gaya ng:
Bukod sa mga ito, malaking tulong tungo sa tamang alaga para sa pasyente ang mahabang pang-unawa, pagmamahal, at suporta. Hindi man madali ang kanilang pinagdadaanan, mapapagaan ito ng iyong malasakit.
Sources:
https://www.heartfoundation.org.nz/your-heart/post-heart-attack/after-care
https://www.cherishedagency.com/blog/how-to-care-for-someone-who-had-a-heart-attack