Sintomas ng orthostatic hypertension

March 10, 2019

Ano ang Orthostatic Hypertension?

Kahit wala pang napagkakasunduang depinisyon ang mga dalubhasa patungkol sa orthostatic hypertension, isa sa mga nangingibaw na kahulugan ngayon ay ang biglaang pagtaas ng presyon o blood pressure kapag napatayo ang isang tao. Sa kasalukuyan, kapag tumaas ang systolic blood pressure ng isang tao ng > 20 mmHG pagkatapos tumayo mula sa pagkakahiga o pagkaupo, maaari na itong tawaging Orthostatic Hypertension.

Ano ang sintomas ng Orthostatic Hypertension?

May mga pagkakataong walang nararamdamang kahit anong sintomas ang isang taong nakararanas ng Orthostatic Hypertension maliban na lamang kapag kinuha na ang presyon gamit ang sphygmomanometer at nakita na tumaas ang blood pressure.

Sa mga ibang kaso ng Orthostatic Hypertension, ang mga karaniwang sintomas ng alta presyon o hypertension ang lumalabas tulad ng:

  • Kalimitang pagkapagod
  • Pananakit ng ulo
  • Pananakit ng dibdib
  • Lumalabo ang paningin
  • Hirap sa paghinga
  • Hindi regular ng pagtibok ng puso

undefined

Ano ang sanhi ng Orthostatic Hypertension?

Dahil sa kakulangan ng mga kaukulang pag-aaral patungkol sa orthostatic hypertension, paiba-iba ang mga naobserbahang sanhi nito. Nagbabago-bago ang mga ito base sa edad, kung systolic (pinakamataas na presyon sa pagitan ng tibok ng puso) o diastolic (pinakamababang presyon sa pagitan ng tibok ng puso), o kung may hypertension o alta presyon na ba ang isang tao o wala.  Ang pagkakaroon rin ng ibang sakit tulad ng diabetes o hypertriglyceridaemia ay nakikitang posibleng pagmulan ng orthostatic hypertension.

Paano malalaman kung ikaw ay may Orthostatic Hypertension?

Kinakailangang gumamit ng sphygmomanometer upang masukat ang blood pressure. Ugaliin ang regular pagpapatingin sa doktor upang masuri ang iyong blood pressure.

Gamot Para sa Orthostatic Hypertension

Napag-aralan na ang mga alpha bockers tulad ng RiteMED Carvedilol ay maaaring magpababa ng biglaang pagtaas ng presyon.

References:

https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/hypertension

About the product:

https://www.ritemed.com.ph/products/rm-carvedilol-25-mg-tab

Sources:

https://en.wikipedia.org/wiki/Orthostatic_hypertension#Connections_to_other_disorders

https://www.jstage.jst.go.jp/article/circj/73/6/73_CJ-09-0286/_article

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3860797/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/16932477

https://www.eshonline.org/annual-meeting-posts/orthostatic-hypertension-impact-on-cardiovascular-risk/

http://www.eshonline.org/esh-content/uploads/2016/07/03_Mourad_fig2.jpg