Isa sa pinaka-common na sakit na nararanasan ng Pilipino ay ang hypertension o altapresyon, kung saan tumataas ang blood pressure na dumadaloy sa ugat. Kapag napabayaan ito ay maaaring magkaroon ng komplikasyon sa puso at sa iba pang bahagi ng katawan.
Gamot sa Hypertension
Maaring mapababa ang hypertension sa pamamagitan ng simpleng lifestyle changes. Ganunpaman, maraming kaso ng hypertension na kailangan na ng suporta ng medikasyon.
Hindi dapat basta ipagsawalang bahala ang hypertension lalo na kung palaging tumataas ang iyong blood pressure sa 160/100mmHg para makaiwas sa komplikasyon. Mas mabuting komunsulta sa doktor para makasigurado.
Ilan sa mga maaaring ireseta ng doktor ay ang RiteMED Clonidine Hcl.
Narito ang ilan pang mga paraan na pampababa ng high blood:
Kapag regular na nage-ehersisyo, tumataas ang heart rate, mas napapadali ang paghinga, at tumitibay ang puso. Importante ang pag-schedule ng ehersisyo para nakaka-recover ang katawan.
Maliban sa traditional na ehersisyo, narito ang ilan sa mga aktibidad na pwede mong gawin:
- Imbes na mag-elevator, gumamit ng hagdan
- Kung kakayanin, maglakad kesa magmaneho
- Tumulong sa gawaing bahay
- Mag-bisekleta
- Magkaroon ng sport
- Matutong mag-relax upang makabawas sa stress
Photo from unsplash
Bawasan ang pagkaing mayaman sa sugar at carbohydrates. Kung ikaw ay obese o overweight, ang pagbabawas ng timbang ay nakakatulong magpababa ng blood pressure.
Limitahan din ang pag-konsumo sa matataba at matataas sa calories na pagkain. Nakakapagpataas ang mga ito ng cholesterol sa katawan na nagdudulot ng mga sakit sa puso. Eat healthy para natural ang pagbaba ng blood pressure.
- Huwag kalimutang uminom ng gamot
May mga taong likas na mataas ang blood pressure kaya kahit na anong subok nilang bawasan ang calories sa kanilang pagkain ay hindi pa rin bumababa ang blood pressure. Makakatulong ang regular at patuloy na pag-inom ng gamot na nireseta ng iyong doktor.
- Itigil na ang paninigarilyo
Ang paninigarilyo ay nakakataas ng heart rate pati na rin ng blood pressure ng isang tao.
Kaya ang pagtigil sa paninigarilyo ay nakabubuti sa iyong pangkalahatang kalusugan.
Kapag tuluy-tuloy na paninigarilyo sa mahabang panahon , sumisikip ang daluyan ng iyong dugo at tumataas ang tiyansa na magkaroon ng komplikasyon ang iyong hypertension.
- Matulog nang may sapat na pahinga
Photo from Pixabay
Sa tuwing ikaw ay natutulog, bumababa ang iyong blood pressure. Kapag laging puyat, tumataas ang altapresyon, lalo na sa mga may edad.
- Bawasan ang pag-inom ng kape
Ang labis na pag-inom ng kape ay nakakataas ng blood pressure. Pwede kang magka-palipitations kung saan nagiging irregular ang tibok ng puso at nanginginig ang katawan nang hindi makontrol.
- Magpa-checkup nang regular
Kapag ikaw ay may hypertension, mahalagang mag-schedule ng regular check-ups upang malaman ng iyong doktor kung bumababa ba ang presyon ng iyong dugo o hindi. Sa ganitong paraan, malalaman ng doktor kung epektibo ba ang kanyang mga nireseta sa iyo.
- I-monitor ang iyong blood pressure
Kung kaya ng iyong budget, bumili ng sphygmomanometer o blood pressure monitors para kahit nasa bahay lang, pwede kang mag-monitor ng blood pressure.
References:
https://www.webmd.com/hypertension-high-blood-pressure/guide/hypertension-symptoms-high-blood-pressure
https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-epekto-ng-high-blood-pressure-sa-katawan
https://www.ritemed.com.ph/articles/chronic-series-healthy-living-tips-para-sa-may-high-blood
https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/hypertension
https://www.ritemed.com.ph/articles/11-healthy-living-tips-para-malabanan-ang-hypertension
https://www.ritemed.com.ph/articles/paano-natin-matutulungan-ang-mga-taong-may-hypertension