Ayon sa datos mula sa World Health Organization (WHO), ang mga Cardiovascular Diseases (CVDs) o mga sakit na may kinalaman sa cardiovascular system ang isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa mundo. Apat sa bawat limang kamatayan na sanhi ng CVD ay dahil sa atake sa puso (heart attack) at stroke. Ating alamin kung ano ang mga unang senyales ng atake sa puso (early signs of heart attack), ano ang mga maaring sanhi nito at kung paano natin ito maagapan.
Anu-ano ang mga unang senyales ng atake sa puso (early signs of heart attack)?
Ang mga sumusunod ang mga karaniwan na heart attack symptoms:
- Pagramdam ng paninikip o pagsakit sa dibdib o sa braso na maaring kumalat hanggang sa leeg, panga at likod
- Pag-duduwal (nausea), heartburn, indigestion o pagramdam ng sakit sa tiyan
- Hirap sa paghinga
- Pananamlay o kawalan ng enerhiya
- Biglaang pagpapawis (cold sweat)
- Biglaang pagkahilo
Hindi lahat ng nakakaranas ng atake sa puso ay nakakuha ng parehong mga sintomas o nakakaranas ng pare-parehong tindi ng mga sintomas. Maari din na hindi maranasan ng isang pasyente ang lahat ng heart attack symptoms.
Ngunit, mas tumataas ang probabilidad na isang pasyente ay nakakaranas ng atake sa puso kung marami sa mga heart attack symptoms ang kanyang nararamdaman. Maaring maramdaman ng isang pasyente ang mga heart attack symptoms ilang oras, araw o linggo bago ang atake sa puso.
Ano ang sanhi ng atake sa puso?
Ang ating puso ay isang muscle na ngangailangan ng tuloy-tuloy na supply ng dugo para makapagbigay ito ng oxygen at iba pang sustansya sa iba pang parte ng katawan. Ang nagbibigay ng dugo sa iba’t-ibang parte ng ating puso ay ang mga daluyan na tinatawag na arteries. Ngunit dahil sa mga factors sa ating lifestyle ay nagkakaroon ng pamumuo ng iba-ibang substance na tinatawag na plaque sa arteries na maaring magpakitid sa daluyan ng dugo. Ang tuluyang pagka-bara sa daluyan ng dugo ang isa sa mga pinaka-common na sanhi ng atake sa puso.
Sa kalagitnaan ng isang atake sa puso, maaring pumutok ang mga plaque na namuo sa mga artery. Mamumuo ang isang blood clot sa kinalalagyan ng pumutok na plaque at ito ay magbabara sa daloy ng dugo sa artery.
Mga Heart Attack Risk Factor
Photo from unsplash
Maraming mga factor ang nag-cocontribute sa pamumuo ng plaque sa arteries. Pwedeng iimprove o tuluyang pigilan ang mga factors na ito para mabawasan ang probabilidad na magka-atake sa puso.
1. Mataas na Cholesterol (High Blood Cholesterol)
Ang pagkakaroon ng mataas na level ng low-density lipoprotein (LDL) at mga triglyceride sa dugo ay nakakabara sa mga artery at nagpapataas ng posibilidad ng atake sa puso.
2. Mataas na Blood Pressure (High Blood Pressure)
Sa paglipas ng panahon, ang mataas na blood pressure ay maaring makasira sa mga artery. Ang mataas na blood pressure mula sa iba pang kalagayan katulad ng obesity at diabetes ay mas makakadagdag pa sa risk factor.
3. Edad
Mas mataas ang risk factor na atakihin sa puso ang mga lalaking edad 45 at pataas at ang mga babaeng edad 55 at pataas.
4. Obesity
Ang obesity ay naiiugnay sa mataas na blood pressure at mataas na cholesterol na parehong risk factor sa pagkakaroon ng atake sa puso.
5. Kakulangan sa regular exercise
Ang kakulangan sa regular na exercise o iba pang mga physical activities ay naiuugnay sa obesity at mataas na cholesterol.
6. Sobrang stress o pagtatago ng hinanakit
Ang reaksyon ng isang tao sa sobrang stress ay maaring makapagpataas sa risk factor niya sa atake sa puso.
7. Paggamit ng Tobacco
Ang paninigarilyo at ang patuloy na pagkababad sa secondhand smoke ay nakakasira sa mga artery at maaring makadagdag sa pagkitid ng mga daluyan ng dugo.
8. Paggamit ng illegal na droga
Ang paggamit ng mga illegal na droga katulad ng cocaine at amphetamine ay maaring mag-sanhi ng spasm sa mga artery.
9. Family history ng atake sa puso
Maaring mas mataas ang risk sa atake sa puso kung ang kaniyang mga kamag-anak ay nagkaroon ng early heart attack sa edad na 55 para sa mga lalaking kamag-anak at sae dad na 65 para naman sa mga babaeng kamag-anak.
10. Paano mapipigilan ang atake sa puso?
Paano mapipigilan ang atake sa puso?
Ang pinaka-mainam na paraan upang mapigilan ang pagkakaroon ng atake sa puso ay ang pananatili ng malusog na pangagatawan. Pwedeng gawin ang mga sumusunod na tips upang maiwasan ang atake sa puso:
- Pagkain ng masustansya
Ang pananatili ng isang balanseng diet ay makakatulong upang mabawasan ang risk ng heart disease at atake sa puso. Ang pagdagdag ng mga prutas, gulay, mga karne na walang taba (lean meats), isda, mga whole grain katulad ng oats at brown rice sa pang-araw araw na pagkain ay makakatulong sa pagpapababa ng cholesterol at pag-regulate ng blood pressure.
Ang pagbawas sa pagkain ng mga saturated fat at trans fats ay makakatulong din sa pagbawas sa blood cholesterol at pag-iwas sa pamumuo ng mga plaque sa mga artery. Ang pagbawas naman sa mga maalat na pagkain ay makakatulong sa pag-baba ng blood pressure.
- Pag-control sa portion ng pagkain
Ang pag-control sa kung gaano kadami ang kinakain ay kasing importante sa kung anu-ano ang mga kinakain. Dagdagan ang serving ng mga prutas, gulay, whole grains at mga lean meat habang binabawasan ang serving ng mga pagkaing mataas sa calories, maalat at mga processed na pagkain. Pwede din gumamit ng mas maliliit na plato o bowl upang makatulong sa pag-control kung gaano kadami ang iyong kinakain.
- Regular exercise
Ang pag-eexercise ng 30 minutos hanggang 1 oras bawat araw ay makakatulong sa pagpapababa ng timbang at pagpapalakas sa iyong cardiovascular system.
Ang mga aerobic exercise katulad ng brisk walking, swimming at cycling ay nakakatulong sa pagpapababa ng blood pressure at pag-iimprove ng blood circulation. Ang resistance training naman katulad ng pag-bubuhat ng weights ay makakatulong sa pagbabawas ng taba sa katawan habang ang mga exercise katulad ng yoga at tai chi ay makakatulong sa pagpapatuloy ng iyong aerobic exercise at resistance training.
- Pag-iwas sa paninigarilyo
Ang paninigarilyo at ang patuloy na pagkababad sa secondhand smoke ay nakakadagdag sa pagkasira ng mga artery. Bumababa agad ang risk factor na magkaroon ng heart disease kapag tinigil ang paninigarilyo at paggamit ng mga tobacco products.
- Pag-monitor sa cholesterol at blood pressure
Kumunsulta sa isang heart specialist upang alamin ang status ng cholesterol at blood pressure at malaman kung mataas ang risk para sa heart disease. Ang mataas na blood pressure ay kadalasang walang mga sintomas, pero isa ito sa mga pangunahing sanhi ng atake sa puso o stroke.
Kung mataas ang blood pressure, ay kailangan imonitor ito at gumawa ng mga lifestyle change katulad ng pagkain ng balanseng diet at pag-exercise. Maaari ring resetahan ng doctor na uminom ng gamot na “antihypertensive” katulad ng na nakakatulong sa pagpapababa ng blood pressure. Tandaan, bago uminom ng gamot tulad ng Carvedilol ay dapat magpakonsulta muna sa doktor para nakakasiguradong tama ang iinuming gamot.
Pagdating sa mga gamot, doon tayo sa subok at kilala tulad na lamang ng pinagkakatiwalaan ni Susan Roces, ang RiteMED.
Sources:
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-attack/symptoms-causes/syc-20373106
https://www.who.int/cardiovascular_diseases/en/
https://www.who.int/features/qa/27/en/
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-disease/in-depth/heart-healthy-diet/art-20047702
https://www.hopkinsmedicine.org/health/healthy_heart/move_more/three-kinds-of-exercise-that-boost-heart-health