Chronic Series: Dagdag Atensyon sa Hypertension Kapag Tag-Araw | RiteMED

Chronic Series: Dagdag Atensyon sa Hypertension Kapag Tag-Araw

April 9, 2017

Chronic Series: Dagdag Atensyon sa Hypertension Kapag Tag-Araw

Ang hypertension ay resulta ng pagkakaroon ng mataas na presyon ng dugo o alta presyon kaya kilala rin ito bilang ‘high blood’. Karamihan sa mayroon nito ay hindi alam na sila mismo ay may hypertension. Kaya naman, mahalaga na malaman nila na mayroon sila nito. Ang hypertension ay maaaring pag-ugatan ng iba’t-ibang uri ng sakit gaya na lamang ng komplikasyon sa bato.

Ngayong tag-araw kung saan kabi-kabila ang handaan, mahalaga na laging isaisip ang high blood. Isa sa pinaka-epektibong paraan upang makontrol at maiwasan ang alta presyon ay ang pag-practice ng tamang lifestyle. Maaari mong subukan ang mga ito para makontrol ang iyong alta presyon:

1. Regular na Mag-ehersisyo

Ang regular na pag-e-ehersisyo kahit na sa loob lamang ng 30 minuto kada araw sa isang linggo ay makakapagpababa ng blood pressure. Mahalaga na ugaliin ang pag-e-ehersisyo para patuloy na bumaba ang tyansa na magkaroon ng alta presyon. Maraming simpleng ehersisyo na pwedeng subukan ng mga may alta presyon gaya na lamang ng pagbibisikleta, pagtakbo, o pagsayaw! Maaari ring kumonsulta sa isang doktor upang mabigyan ng sariling exercise program.

2. Bawasan ang pag-inom ng alak.


undefined


Ang ibang alcohol gaya ng wine ay makabubuti sa kalusugan ng tao kung iinumin ng unti-unti. Ngunit maaari rin itong makasama kung ito ay iinumin ng maramihan. Ngayong tag-araw kung kalian sunod-sunod ang mga kainan, ay hindi maiiwasan ang mapainom ng alak. Maaari namang uminom ng alak ang mga may alta presyon ngunit hindi dapat marami. Kapag naparami ay makakapagpataas lamang lalo ito ng presyon ng  dugo at posibleng makabawas pa sa bisa ng gamot.

3. Kumain ng masusustansyang pagkain.

Ang pagkain ng tama ay makakapagpababa ng presyon ng dugo. Ang mga produktong mayaman ssa fiber, prutas, at gulay, ay kabilang sa tinatawag na Dietary Approaches to Stop Hypertension diet o DASH diet.  Makabubuti rin kung babawasan ang mga pagkain na mataas ang saturated fat at trans fat.


4. Huwag manigarilyo.


undefined


Sinisira ng tobacco ang mga linya ng blood vessel at nakakapagpabilis ng pagtigas ng arteries. Marami pang magandang benepisyo ang makukuha sa pagtigil sa paninigarilyo.

5. Bawasan ang stress.

Ang chronic stress ay malaki ang kontribusyon sa pagkakaroon ng alta presyon ng isang tao. Minsan dahil sa stress, napipilitan ang tao na kumain ng hindi masusustansyang pagkain, uminom ng alak, at manigarilyo.

Makabubuting alamin ng isang taong nakakaranas ng stress kung ano ang mga bagay na nakapagdudulot nito sa kanya upang maaksyunan at tuluyan ng maiwasan. Subalit hindi lahat ng nakakapagdulot ng stress ay maiiwasan. Isang magandang paraan para maaksyunan ito ay tanggapin na lamang o di naman kaya ay gumawa ng mga bagay na makakapag-relax gaya na lamang ng yoga o exercise.

6. Ugaliing bumisita sa doktor.

Ang regular na pagbisita sa doktor ng mga taong may alta presyon ay mabuti para makontrol ang presyon ng dugo. Kasama na sa pagbisita sa doktor ang posibleng pagbabago ng reseta ng gamot na kailangang inumin.

Ngayong tag-araw, dagdag atensyon ang kailangang ibigay sa mga tayong may alta presyon. Malaki ang papel ng lifestyle sa kalusugan ng mga taong mayroon nito. Para palaging manatiling malusog at tuluyong ma-enjoy ang tag-araw, tamang pagkain, medikasyon, at lifestyle ay dapat siguraduhin.

Sources:

  • http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure/basics/risk-factors/con-20019580
  • http://www.medicalnewstoday.com/articles/150109.php?page=2
     


What do you think of this article?