Ang sakit sa puso at hypertension ay isang global health concern. Ayon sa World Health Organization, habang lumalago ang industriya ng processed food na nakakaapekto sa taglay na alat ng mga pagkain sa buong mundo, may malaki itong bahaging ginagampanan sa pagtaas ng bilang ng may sakit na hypertension. Tinatayang 2.38% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ang namatay dahil sa hypertension noong taong 2017.
Ano nga ba ang hypertension?
Ang hypertension ay kilala rin sa tawag na high blood pressure. Ito ang kadalasang nagiging sanhi ng komplikasyon na maaaring humantong sa heart disease, stroke, o tuluyang kamatayan.
Ang blood pressure ay ang pwersa ng pagtama ng dugo sa mga dingding ng blood vessels o ugat ng tao. Ang pressure na ito ay nakabase sa pag-function ng puso at ang pa-kontrang galaw ng blood vessels. Ito ay nahahati sa dalawa: ang systolic at diastolic. Ang systolic measurement ay ang pinakamataas na pressure sa arteries, samantalang ang diastolic measurement naman ay ang sukat ng mababang pressure sa arteries.
Ang normal na blood pressure ay 120/80, kung saan ang 120 ay ang systolic (maximum) at ang 80 ang diastolic (minimum).
Maituturing na mayroong high blood ang isang tao kapag tumaas ang pagtama o pagpalo ng pwersa ng dugo sa dingding ng blood vessels. Umaabot sa 140/90 ang blood pressure ng taong may atake ng hypertension.
Alamin muna natin ang iba’t ibang impormasyon tungkol sa nasabing sakit. Mas makakatulong ito sa pagtukoy ng mga wasto at ‘di-wastong lifestyle practices na dapat tandaan.
Types of Hypertension
May dalawang uri ang hypertension. Ang high blood pressure hindi dulot ng ibang sakit o kondisyon ay tinatawag na primary o essential hypertension. Kapag naman ito ay dala ng ibang kondisyon, ito ay tinatawag na secondary hypertension.
- Primary/Essential Hypertension - Walang tiyak na dahilan ang uri na ito at madalas ay lumalabas lang ang mga sintomas paunti- unti sa paglipas ng panahon. Maaaring sanhi ito ng hormones na nagpapanatili ng wastong blood volume at pressure. Ito rin ay kadalasang dulot ng stress, pagod, at kawalan ng ehersisyo.
- Secondary Hypertension - Ito naman ay kadalasang dulot ng isang kalagayan o sakit na na-diagnose na noon. Ito ay biglaang nararanasan at kilala bilang pinaka-common na uri ng high blood pressure. Ang secondary hypertension ay madalas sanhi ng iba’t ibang komplikasyon gaya ng diabetes, kidney disease, sleep apnea, pregnancy, thyroid problems, at adrenal glands tumors. Maaari rin namang dala ito ng medikasyon gaya ng birth control pills, cold remedies, decongestants, at mga over-the-counter pain relievers. Ang mga illegal drugs gaya ng cocaine and amphetamines ay nagdadala rin ng ganitong uri ng hypertension.
Hypertension Stages
Ang abnormal na pagtaas ng pressure ng dugo sa mga arteries na nagdadala ng dugo sa buong katawan ay may apat na stages:
- Stage 1 o Prehypertension - 120/80 hanggang 139/89
- Stage 2 o Mild Hypertension - 140/90 hanggang 159/99
- Stage 3 o Moderate Hypertension - 160/100 hanggang 179/109
- Stage 4 o Severe Hypertension - 180/110 pataas
Kapag ang dugo ay nasa prehypertension stage na, ipinapayo ang ibayong pag-iingat at pagiging maagap para hindi na tuluyang humantong pa sa hypertension. Ang high blood pressure ay kailangang mabigyan ng kaukulang gamutan para maagapan at maiwasan ang mga komplikasyon gaya ng kidney failure, heart attacks, heart failure, stroke at pagkabulag.
Causes
Hindi madaling matukoy ay dahilan sa bawat pag-atake ng hypertension. Narito ang ilang posibleng mga dahilan kung bakita nararanasan ito ng isang tao:
- Family history ng high blood pressure;
- Edad - Tumataas ang risk na magkaroon ng hypertension kapag nasa edad 35 sa mga lalaki at 45 naman sa mga babae;
- Kasarian - Ang mga lalaki ang mas madalas tamaan ng ganitong kondisyon;
- Masamang bisyo - Ang labis na pag-inom ng alak, paninigarilyo, at paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay tiyak na nakapagpapataas ng pressure ng dugo; at
- Laki at timbang - Ang pagiging overweight o obese ay isang malaking ng factor para magkaroon ng hypertension dahil sa labis na dami ng unhealthy fats sa katawan.
Signs and Symptoms
Gaya ng nabanggit, ang taong may hypertension ay kadalasang walang kapansin-pansing mga sintomas - kaya naman “silent killer” ang tawag sa kondisyong ito. Sa kasamaang palad, habang hindi pa nagpapakita ang mga sintomas, maaari pa ring makaapekto na ang sakit sa cardiovascular system at sa iba’t ibang internal organs gaya ng kidneys. Dahil dito, mahalaga ang regular na pagpapa-check ng blood pressure.
Sa kabilang banda, ang mga taong na-diagnose nang hypertensive ay madalas nakararamdam ng sakit ng ulo, hirap sa paghinga, at pagdudugo ng ilong sa tuwing umaatake ito. Maaari ring makaranas ng matinding pagpapawis, pagkabalisa, problema sa pagtulog, at pamumula ng pisngi.
Lifestyle
Susi ang tamang nutrisyon sa pagpapanatiling healthy ng blood pressure, lalo na kung nasa prehypertension stage pa lang ang pasyente. Kaya naman ipinapayo na magkaroon ng well-balanced diet na may prutas at gulay para gumanda ang daloy ng dugo.
Mahalaga ang pagdagdag ng healthy amount ng potassium sa pagkaing kinakain para sa mga hypertensive. Ayon sa pag-aaral, ang taong mas maraming potassium intake ay may lower o normal na blood pressure. Ilan sa mga pagkaing mayaman sa potassium ay saging, melon, oranges, at spinach.
Kung may mga pagkaing dapat idagdag sa diet, narito naman ang 10 pagkaing dapat limitahan para makaiwas sa hypertension:
- Maaalat na pagkain - Ang asin at sodium ay kontrabida sa mga taong may hypertension. Ayon sa pag- aaral, tinatayang nasa 1,500 mg. lang dapat ang intake ng sodium sa loob ng isang araw. Ilan sa mga pagkaing labis sa sodium content ay ang vegetable juices, canned soup, canned tomato products, mga pagkaing instant, fast food, at junk foods.
- Mga pagkaing mataas sa sugar - Ang sobrang paggamit ng asukal sa lutuin at sa mga pagkaing kinokonsumo ay may kaugnayan sa pagiging overweight at obese. Ang unhealthy weight naman ay may kinalaman sa pagkakaroon ng hypertension. Ang mga halimbawa ng mga ito ay artificial fruit juices, candies, at iba pang produktong nagiging starch sa dugo matapos iproseso ng katawan.
- Chicken skin at packaged foods - Mataas sa saturated fats na nakaka-trigger ng hypertension ang mga pagkaing gaya ng chicken skin, full-fat dairy, red meat, at butter. Iwasan ang mga pritong pagkain hangga’t maaari, lalo na ang mga parte ng ulam na matataba at mamantika.
- Alak - Ang abusadong pag-inom ng alak ay tiyak na nakakapagpataas ng blood pressure. Maaaring maging sanhi rin ito ng pagkakaroon ng cancer at iba pang komplikasyon sa mga organ ng katawan. Kumokontra rin ang ganitong mga inumin sa epekto ng mga maintenance medication para sa hypertension.
- Kape - Ang mga inuming mataas sa caffeine ay maaaring magpataas ng blood pressure. Ang labis na pagkonsumo sa loob ng isang araw ay nakakasama rin para sa puso at may kakayahang pababain ang libido.
- Candy - Ang mga candy at iba pang artificial sweets ay nagtataglay ng matataas na calories at sugar na nakakapagpataas ng blood pressure. Imbis na ito ang kainin para sa dessert, mas mainam kung prutas na lang ang piliin.
- Softdrinks - Tulad ng candies, mataas ang calories at sugar nito. Ang isang lata ng softdrinks ay nagtataglay ng halos siyam na kutsarita ng asukal o 39 grams. Kapalit ng mga soda, pawiin ang uhaw gamit ang tubig o kaya naman ay mga natural fruit juices at shake na walang halong asukal.
- Pastries - Ang doughnuts, cakes, at cookies ay may mga sugar at fat na hindi mabuti para sa blood pressure. Maliban sa hypertension ay dahilan din ang mga ito para bumigat ang timbang ng isang tao. Alalahanin na factor sa pagkakaroon ng altapresyon ang ‘di-malusog na bigat.
- Sauces - Ang mga sawsawan at condiments ay pinaghalong asin at asukal. Ang ketchup ay isang halimbawa ng pampalasa na may mataas sa salt at sugar contentna nakakapagpataas ng blood pressure. Hangga’t maaari ay gumamit lamang ng mga natural na pampalasa nang may pag-iingat.
- Frozen food - Ang mga pagkaing galing freezer o may mahabang shelf life gaya ng pizza, chicken strips, at iba pang frozen goods ay nagtataglay ng mataas na sodium. Ito ang dahilan kaya tumatagal ang mga pagkaing ito.
Bukod sa mga nabanggit importante rin ang pagpapanatili ng active lifestyle. Hindi lamang sa tamang nutrisyon naaagapan ang hypertension.. Sa kahit ano namang sakit, ang wastong pamumuhay ay may malaking ambag sa kabuuang kalusugan ng isang tao. Para mas mapanatili ang tamang blood pressure, sikaping gawin ang mga sumusunod:
- Panatilihing sakto ang timbang at angkop ito sa edad, kasarian, at health condition.
- Siguraduhing mayroong nakatalagang oras sa loob ng isang araw para sa pisikal na mga gawain gaya ng pag-eehersisyo, gawaing bahay, o sports.
- Bawasan nang unti-unti angpag-inom at paninigarilyo hanggang sa tuluyan nang tumigil sa paggamit ng mga ito.
- Magkaroon ng oras para mag-relax at makakamit ng sa sapat na tulog upang makaiwas sa stress.;
- Ugaliing magpasailalim sa regular na pagmo-monitor sa blood pressure at overall check-up.
- Sundin ang payo ng doktor. Kung mayroong mga iniresetang gamot gaya ng RiteMED Amplodipine Besilate at inirekomendang mga paraan para mapanatiling normal ang blood pressure, tiyaking magawa ang mga ito para maging malayo sa atake ng hypertension. Ang maintenance medication para sa kondisyong ito ay nakakatulong para pababain ang bad cholesterol sa dugo para hindi maging at-risk sa altapresyon at iba pang komplikasyon sa puso.
Sources:
https://vascularcures.org/high-blood-pressure-and-vascular-disease/
https://www.medicalnewstoday.com/articles/150109.php
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure/symptoms-causes/syc-20373410
https://www.edisoninst.com/15-foods-to-avoid-with-high-blood-pressure/
https://www.healthline.com/health/high-blood-pressure-hypertension/foods-to-avoid
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure/diagnosis-treatment/drc-20373417