Paano mawala ang sakit ng katawan nang walang gamot?

March 29, 2018

Ang pananakit ng katawan ay pangkaraniwan sa mga taong aktibo, lalo na sa mga atleta at mga mahilig mag-gym. Pag nanibago ang katawan sa pag-eehersisyo, o kaya mahirap ang workout na ginawa sa gym, maaaring makaranas ng back pain, muscle pain at iba pang uri ng pananakit ng katawan kinabukasan.

Masakit man ang nararamdaman, ikaw ay hindi dapat masyadong mabahala. Maraming body pain remedy, sa anyo ng gawain, lunas at pagkain, ang magagamit upang bumuti ang pakiramdam laban sa iba’t-ibang uri ng pananakit ng katawan gaya ng lower back pain at muscle aches. Ating talakayin ang mga ito.

 

Mag-stretching pagkatapos mag-ehersisyo

Ang payong ito ay napakahalagang sundin lalo na ng mga taong sumasailalim sa strength training sa gym o kaya nagbubuhat ng mga mabibigat na weights. Sa tuwing nagbubuhat ng mabigat, ang mga hibla ng kalamnan ay umuurong at parang umiiksi, na nagdudulot ng muscle pain. 

Upang ang mga nanakit na kalamnan ay bumalik sa normal na haba at para hindi gaanong limitado ang paggalaw matapos mag-ehersisyo, importante na gumawa ng stretching exercises, lalo na sa mga parte ng katawan na ginamit sa strength training o weight lifting. Huwag bibiglain ang stretching para makaiwas sa injury.

Ugaliing gumawa ng mga light activity pag rest day.

undefined

 Image from Unsplash

Mainam sa muscle pain na dulot ng pag-eehersisyo sa gym ang light activity sa araw ng pahinga dahil pinapabuti nito ang blood circulation o distribusyon ng dugo sa katawan, at kabilang dito ang mga kalamnan. Kapag maganda ang blood circulation, ang muscles ay nakatatanggap ng mas maraming oxygen at mga sustansya na nagpapabilis ng muscle pain relief. Ilang halimbawa ng light activity ay ang walking, yoga, light jogging at brisk walking. Huwag pagurin ang sarili masyado sa araw ng pahinga.

 

Uminom ng sapat na tubig habang nag-eehersisyo at pagkatapos nito.

Ang pagkakaroon ng sapat na tubig sa katawan habang nag-eehersisyo ay nakakatulog sa pag-iwas sa muscle cramps na sanhi ng pananakit ng mga kalamnan. Magbaon ng tubig sa iyong ehersisyo kung kinakailangan. .

 

Gumamit ng cold compress.

Kilalang body pain remedy ang cold compress dahil napapawi nito ang pamamaga at pananakit ng mga kalamnan. Ibalot sa tela ang ilang pirasong yelo at ilagay sa mga masakit na bahagi ng katawan. Unti-unting mababawasan ang nararamdamang back pain, lower back pain, at iba pang uri ng pananakit. Nakakatulog din ang pagligo gamit ang malamig na tubig.

 

Kumain ng mga masustansyang pagkain.

undefined

Image from Pixabay

Nakatutulong sa pagpapagaling ng mga masasakit na muscles ang pag-kain sa mga pagkaing mayaman sa protina at carbohydrates. Tumutulong ang parehong sustansya sa pag-ayos ng katawan sa mga kalamnan na na-damage ng ehersisyo.

Para mapanatiling healthy ang iyong diet, umiwas sa fast food at kumuha na lamang ng protina sa sariwang karne ng baka, baboy, manok at isda. Alisin ang taba para makaiwas sa high blood. Ang carbohydrates naman ay dapat manggaling sa mga masusustansyang pagkain tulad ng kamote, kanin, o mga prutas at gulay na masagana sa fiber. Bawasan naman ang konsumo sa junk food at mga pagkaing labis ang taglay na asukal gaya ng mga cake, doughnut, candy, at ice cream.

 

I-massage ang mga masasakit na bahagi ng katawan.

Tulad ng stretching at mga light activity, ang masahe ay nakakatulong sa pag-relax ng mga muscles. Para sa pain relief, mainam na ipamasahe ang mga parte ng katawan na masakit bago matulog sa gabi. May mga nabibiling relaxing oil sa mga botika na nakatutulong sa iyong pag-relax habang minamasahe ang masasakit na bahagi ng katawan.

Maaari ring uminom ng paracetamol at ibuprofen tulad ng RiteMED Paramax para mabawasan ang sakit ng katawan.