Paulit-ulit na pagkakaroon ng Urinary Tract Infection? Pag-ihi na may kasamang dugo at pananakit ng tiyan? Ilan lamang ang mga ito sa maaaring sintomas ng pagkakaroon ng kidney stones.
Kung ikaw ay nakararanas ng mga sintomas na ito, mahalagang malaman ang mga impormasyon tungkol sa halamang gamot na tinatawag nating Sambong o Blumea Balsamifera at kung paano ito magagamit upang makatulong sa iyong kondisyon.
Ano nga ba ang Sambong plant?
Ang Sambong o Blumea Balsamifera ay isang uri ng herbal medicine na tumutubo sa mga bansang may tropical climate tulad ng Pilipinas, India, Africa at pati na rin sa Eastern Himalayas. Ang Sambong ay isang aromatic shrub na tumataas ng isa hanggang sa apat na metro at ang mga sanga naman nito ay umaabot sa 2.5 centimeters.
Ano nga ba ang Sambong health benefits?
Kilala ang Sambong sa taglay nitong diuretic properties na nakakatulong sa pagpapalabas ng tubig at sodium sa ating katawan. Ayon sa pag-aaral, mabisa itong pangontra sa pagkakaroon ng calcium at uric acid kidney stone.
Kung mayroon ng kidney stone na namumuo sa iyong katawan, maaaring makatulong ang Sambong dahil pinapadali nito ang pagpapalabas ng kidney stones sa pamamagitan ng pag-ihi.
Ang Sambong ay isa sa sampung halamang gamot na kinikilala ng Philippine Department of Health (DOH) dahil na rin sa angkin nitong health benefits.
Paano ba ginagamit ang Sambong?
Karaniwang ginagamit ang Sambong bilang Sambong tea.
Para gumawa ng Sambong tea, kumuha lamang ng fresh Sambong leaves. Hugasan ang nakuhang Sambong leaves at pakuluan sa kumukulong tubig ng sampung minuto. Palamigin lamang ito at maari ng inumin.
Image from Pexels
Maliban sa pag-inom ng Sambong tea, mabisa rin na uminom ng over-the-counter Sambong tablet ang mga mayroong Urinary Tract stones.
Pag-iingat bago gumamit ng Sambong
Bago gumamit ng Sambong plant o capsules bilang gamot sa iyong iniindang problema sa kidneys, laging tatandaan na kailangan pa ring komunsulta sa doktor para mabigyan ng tamang payo at makaiwas sa iba pang maaring maging komplikasyon.
Sources:
http://www.pchrd.dost.gov.ph/index.php/news/library-health-news/1343-sambong-for-treatment-of-kidney-stone
http://news.abs-cbn.com/current-affairs-programs/01/12/14/salamat-dok-therapeutic-benefits-sambong-plant
http://www.philippineherbalmedicine.org/sambong.htm
https://vrh.doh.gov.ph/index.php/en/health-guide#traditional-amp-alternative-medicine
https://www.pexels.com/photo/addiction-chemistry-close-up-colors-460566/
https://www.pexels.com/photo/blur-dark-glass-gold-432927/