Ngayong simula na ng tag-ulan at ng pasukan sa eskwela ng mga bata, isa sa mga bagay na kasabay na dumarating nito ay ang iba’t ibang klase ng mga emergencies na maaaring mangyari sa bahay. Kaya naman nagbigay si Mommy Camille Prats sa nakalipas na “Tamang Alaga Day – Para Kay Nanay” ng ilang basic first aid tips na madaling matandaan at gawin, sakaling makaranas kayo o ang inyong mga anak ng home emergencies. Ayon kay Mommy Camille, maaaring sunding ang “SIT” – Stay Alert; Inspect; at Take Action.
STAY ALERT!
Bilang mas nakatatanda, kailangang iwasan ang mabahala dahil maaari itong maka-apekto sa kung papaano tayo magdesisyon kung papaano lulutasin ang isang biglaang pangyayari (https://www.psychologytoday.com/us/blog/the-athletes-way/201603/how-does-anxiety-short-circuit-the-decision-making-process). Sa halip, mas mainam na maging kalmado upang makaisip ng tamang solusyon sa panahon ng sakuna. Maliban pa rito, sa mga magulang at nakatatanda rin kumukuha ng suporta ang mga bata sa mga ganitong pagkakataon. Kung nakikita ng mga bata na kalmado lamang ang mga nakatatanda at nakahandang sumuporta sa kanila, mapapanatag rin ang kanilang loob (https://childmind.org/article/what-to-do-and-not-do-when-children-are-anxious/).
INSPECT THE EMERGENCY AND INJURY
Alamin kung anong uri ng emergency ang nangyari para makapagbigay ng tamang first aid. Dapat bigyan ng wastong pansin ang injury upang maagapan ang paglala nito.
Halimbawa, kapag nasugatan ang isang bata, siguraduhing hugasan ng mabuti ang sugat saka lagyan ng disinfectant gaya ng iodine gamit ang malinis na bulak. May tamang lakas ang ganitong uri ng alcohol upang mapatay ang mga germs at maiwasan ang impeksyon, ngunit naiiwasan nito ang pag-dry ng balat ng mga bata.
Kapag nauntog o di kaya naman ay nagkapasa, maaaring lagyan ang apektadong bahagi ng katawan ng ointment katulad ng warming oil, at painumin ng mefenamic acid o paracetamol kapag bata upang maibsan ang sakit.
Mayroon ding mga pagkakataon na biglang nakakaranas ng pangangati ng balat, maaaring gawa ng kagat ng insekto o sa maalikabok na lugar. Pwede itong lagyan ng calming relief cream at iwasan itong kamutin upang hindi na lumala ang rashes.
TAKE ACTION
Mainam na magtabi ng basic home emergency kit upang maging handa sa mga hindi inaasahang pangyayari. Siguraduhing alam ng buong pamilya kung saan ito nakalagay at madaling kunin upang mapabilis ang pag-responde sa emergency. Dapat na selyado itong mabuti at protektado sa init, sinag ng araw, o tubig na maaaring makasira sa mga laman nito.
Ito ang ilan sa mga bagay na maaari niyong ilagay sa inyong basic first aid kit (http://www.redcross.org/get-help/how-to-prepare-for-emergencies/anatomy-of-a-first-aid-kit):
- Malinis na benda, gasa, bulak, antiseptic, at gunting
- Mga gamot para sa mga karaniwang sakit katulad ng paracetamol, mefenamic acid, loperamide, at iba pa
- Warming oil at petroleum jelly para sa mga skin irritation
- Thermometer
Mainam na tandaan ang mga first aid tips na ito, ngunit siguraduhin na magpakonsulta sa doktor kapag nakaranas ng home emergencies.