Dahil bagong taon, ano ang mga nais mong baguhin sa iyong buhay? Importante ang tanong na ito dahil dapat kada simula ng taon, nababago natin ang mga pagkakamali na ating nagawa noong nakaraan na taon, para mas maganda ang takbo ng 2018. Ang ilan sa mga ito ay mga halimbawa kung paano natin ma-ipapabuti ang simula ng bagong taon:
- I-assess ang nakaraan na taon
Para maganda ang simula ng bagong taon, importante na tingnan ang nakaraan na taon upang ma-assess ang mga nangyari- masama man o maganda. Importante ito dahil na-dedetermine natin ang mga dapat natin ang mga bagay na dapat pasalamatan, ipagpatuloy at baguhin. Ang mga ito ay ilang halimbawa ng mga tanong na maaari mong gamitin:
- Ano ang mga mabuting bagay na nangyari noong nakaraan na taon?
- Ano ang mga mabuting bagay na aking ginawa?
- Ano ang mga masamang bagay na nangyari noong nakaraan na taon at paano ko ito na-solusyonan?
- Ano ang mga hindi ka-nais nais na bagay na aking ginawa?
- Ano ang mga bagay na dapat kong ipagpatuloy ngayong taon?
- Ano ang mga bagay na dapat kong tigilan o bawasan ngayong taon?
- Anu ano at sinu sino ang mga bagay at tao na dapat kong pasalamatan?
- Bawasan ang unhealthy snacks
https://pixabay.com/en/ice-cream-cone-melting-hot-1274894/
Kung last year ay nag-enjoy tayo sa mga unhealthy snacks, dapat this year, bawasan natin ito. Hindi kinakailangan na agad agad, maaaring sa isang buwan, meron tayong iiwasan na unhealthy snack. Dahil sa kasalukuyang reporma ng presyo ng bilihin, maaari na simulan natin ang pag-iwas sa pag-inom ng softdrinks o high in fructose or artificial sugars. Ang ilan sa mga ito ay mga rason kung bakit ang softdrinks ay nakakasama sa ating katawan:
- Ang softdrinks ay maaring magdulot ng decline sa kidney function, ayon sa isang 11-year Havard Medical Study.
- Ang softdrinks ay mataas sa asukal at maaaring magdulot ng Type 2 Diabetes.
- Ang caffeine ay isang diuretic (o pampa-ihi), at dahil mayroong caffeine ang softdrinks, maaari itong magdulot ng dehydration.
- Ang softdrinks ay mayroong phosphoric acid na siyang nagbabawas sa calcium sa katawan.
- Ang softdrinks ay maaaring magdulot ng obesity, lalo na sa mga bata kung ito ay iniinom araw araw.
- Bawasan ang unhealthy activities o habits
Paminsan may mga bagay tayo na nakasanayan na, kung kaya’t hindi na natin napapansin na ito ay nakakasama sa ating sarili. Ang mga bagay na ito ay maituturing bad habit, dahil nakasanayan na pero hindi natin namamalayan na nakakasama na pala sa ating katawan. Ang ilan sa mga ito ay mga activities o habits na maaari natin bawasan o tigilan ngayong bagong taon:
- Ang pagkain ng kahit hindi gutom
Ang ating katawan ay may pinapadalang signals sa ating brain tuwing may nararamdaman tayo. Kapag tayo ay kumakain kahit hindi tayo gutom, posibleng mabawasan an gating connection sa hunger and satisfaction signal ng ating katawan at maaari itong magdulot ng chronic overeating.
- Ang panunood ng TV ng matagal
Kapag mas madami tayong oras na ginamit sa panunood sa TV, mas konti ang ating physical activity. Dahil dito, may mga calories tayong hindi na-buburn at maaari itong magdulot ng unwanted weight gain. Ayon din sa pag-aaral, mas may chance na kumain ng snacks kung nanunood ng TV, kaya maliban sa kulang sa ehersisyo, nadadagdagan din ng unwanted weight.
- Ang pagpapa-deliver ng fast food
Dahil sa kulang ng oras para magluto ng pagkain, nagiging tempting magpadeliver ng fast food, subalit dapat itong iwasan dahil hindi ito healthy.
- Ang hindi pag-gamit ng proper sunblock
Kapag pumupunta ng beach, paminsan nakakalimutan natin maglagay ng sun block dahil hindi naman natin ito nararamdaman, subalit importante na gumamit nito dahil ang pag-expose sa sarili sa araw na walang sun block ay mayroong long term effects kagaya ng skin cancer.
- Hindi kumakain tuwing breakfast
Ayon sa mga eksperto, breakfast is the most important meal of the day. Kung hindi tayo kumain ng breakfast posible na ito ay magdulot ng di ka-nais nais na long term effects, kagaya ng ulcer.
- Ang pagtulog ng less than 8 hours
Ayon sa mga eksperto, importante na tayo ay nakakatulog ng sapat- 8 hours. Subalit dahil sa mga dapat gawin sa pang-araw araw, hindi ito nasusunod at hindi ito nakakabuti sa ating kalusugan. Maliban dito, kung kulang ang ating tulog, kulang din ang ating energy para sa susunod na araw, kaya sinusunod natin ang 8 hours of sleep.
- Mag-exercise
Source: https://pixabay.com/en/cycling-bicycle-riding-sport-655565/
Kahit paulit ulit na natin itong sinabi at paulit ulit na din tayong nabigo, importante na pwede pa din tayong muling magsimula. Kaya ngayong bagong taon, hindi lang dapat ito hanggang sabi, kundi dapat gawin.
- Magpa-check up
Maliban sa mga pagbabagong nabanggit sa itaas, importante na lumapit tayo sa Doktor upang maka-siguro na tayo ay malusog. Kung may nararamdaman na mga sintomas, importante na kumonsulta tayo sa Doktor upang masuri tayo at mabigyan ng angkop na payo. Kung may mga katanungan tungkol sa kalusugan, wag mahihiyang magtanong sa Doktor dahil trabaho nila ang tulungan tayo na mapanatiling healthy ang katawan.
- Magpasalamat
Bukod sa physical health, importante din ang mental health natin. Ayon sa Time Magazine, ang pagiging thankful ay mayroong iba’t ibang positibong epekto sa ating sarili, kagaya ng:
- Ang pagiging thankful ay nakakabuti sa heart.
- Ang pag-lista ng mga bagay na pinasasalamatan natin tuwing gabi ay nakakatulong para tayo ay makatulog, dahil ayon sa isang pag-aaral, nakakatulong itong mabigay ng peace of mind tuwing gabi.
- Ayon sa isang Swiss study, ang high level ng thankful disposition ay nakakatulong sa overall health.
- Ang pagpapasalamat ay nakakatulong sa disposisyon o mood ng isang tao. At dahil dito, mas nagiging madali para sa tao magkaroon ng mga kaibigan.
Ang mga tips na ito ay ilan lamang sa mga bagay na maaari natin baguhin, ipagpatuloy at simulan para maganda ang simula ng ating taon. Ang mga tips na ito ay hindi kailangan gawin ng sabay sabay. Maaari na ito ay isa isa gawin, upang maka-siguro na magagampanan natin ito. Basta ang importante ay sinubukan natin ito.
Sources: