Ano ang hepatitis?
Ang hepatitis ay isang sakit na nagdudulot ng inflammation ng liver o atay. Maliban dito, maaaring magdulot ang hepatitis fibrosis (scarring), cirrhosis o liver cancer. Ang hepatitis virus ay isa sa mga pinaka-common na sanhi ng hepatitis, subalit maaari din itong makuha sa infections, toxic substances (kagaya ng alak, drugs, etc.). Ang mga autoimmune diseases ay maari din magdulot ng hepatitis sa pamamagitan ng pag-produce ng antibodies laban sa liver o atay. May iba’t ibang klase ng hepatitis na tinatawag na type A, B, C, D, E at G. Ang mga ito ay pinangangambahan dahil sanhi ito ng sakit, pagkalat ng sakit at kung minsan, kamatayan. Dahil dito, importante malaman ang iba’t ibang ginagawa ng liver o atay. Ilan sa mga ito ay mga importanteng bagay na ginagawa ng ating liver o atay:
- Pagbuo ng bile o apdo, na siyang importante sa digestion.
- Pagsala ng toxins sa katawan.
- Pagpapalabas ng bilirubin, cholesterol, hormones at drugs
- Breakdown ng carbohydrates, fats at protein.
- Pagbuo ng blood protein, kagaya ng albumin
Ano ang iba’t ibang klase ng hepatitis?
Source: https://pixabay.com/en/laboratory-analysis-diagnostics-2815641/
Hepatitis A (HAV)
Ang Hepatitis A o HAV ay nahahanap sa feces o dumi ng isang taong meron nito at kadalasan nakukuha sa kontominadong tubig o pagkain. Maaari din makuha ang Hepatitis A o HAV sa iresponsableng paraan ng pakikipagtalik. Ang mga naitalang kaso ng Hepatitis A o HAV ay mild, at madalas nakakarecover ang mga tao muli dito at nagiging immune sa sakit na ito. Subalit, ang Hepatitis A o HAV infections ay maaari din maging nakakabahala, dahil may ilang parte sa mundo na walang proper sanitation at dahil dito, mas nagiging prone sila sa sakit na ito. Subalit mayroon mga bakuna na maaaring bilhin para maiwasan ito.
Hepatitis B (HBV)
Ang Hepatitis B o HBV ay nakukuha sa infected na dugo, similya at iba pang body fluids. Dahil dito, ang Hepatitis B o HBV ay maaaring maipasa ng isang nagdadalang tao sa kanyang anak kung siya ay mayroon nito. Kagaya ng Hepatitis A o HAV, maaaring makuha ang Hepatitis B o HBV sa iresponsableng pakikipagtalik. Maliban dito, maaari din makuha ang Hepatitis B o HBV sa paggamit ng kontaminado na injection, na madalas nakikita sa mga taong gumagimot ng ipinagbabawal na gamot.
Hepatitis C (HCV)
Ang Hepatitis C o HCV ay nakukuha sa infected na dugo. Kagaya ng Hepatitis B o HBV, maaari itong makuha sa kontaminadong injection.
Hepatitis D (HDV)
Ang Hepatitis D o HDV ay maaari lamang makuha kung ang pasyente ay mayroong Hepatitis B o HBV. Ang kombinansyong HBV at HDV ay maaaring magdulot ng mga mas nakakabahalang sakit. Kung kaya’t mayroong binebentang bakuna para maiwasan magkaroon ng Hepatitis B o HBV.
Hepatitis E (HEV)
Ang Hepatitis E o HEV ay madalas nakukuha sa kontaminadong tubig o pagkain. Isa ito sa mga pinakasanhi ng pagkalat ng hepatitis sa mga umuunlad na parte ng mundo at patuloy kinikilala bilang sanhi ng sakit sa maunlad na mga bansa. Mayroon nang mga epektibong bakuna para iwasan ang HEV infection subalit hindi pa ito available sa lahat.
Hepatitis G (HGV o GBV-C)
Ang Hepatitis G o HGV o GBV-C ay bago lang nadiskubre at may similaridad ito sa HCV, subalit ito ay patuloy pang pinag-aaralan ng mga Doktor.
Paano ito maiiwasan?
Ayon sa mga nabanggit sa taas, ang hepatitis ay maaaring makuha sa tubig, pagkain at iba’t ibang fluids ng katawan. Ito ang mga iba’t ibang paraan upang maiwasan ang anumang klase ng hepatitis:
- Dahil may bakuna na ang ilan sa mga ito, importante na gawin ito para maka-iwas.
- Siguraduhin na ang iniinom na tubig ay malinis.
- Siguraduhin na ang pagkain ay malinis ang pagkaggawa.
- Siguraduhin na malinis ang kinakain na labas dahil maaari din itong makuha sa kontamidong gamit.
- Iwasan uminom ng alak.
- Siguraduhin na kakilala ang katalik.
- Siguraduhin na gumamit ng protekson tuwing nakikipagtalik.
- Umiwas sa droga upang maka-iwas sa kontaminadong injection.
- Magpa-check up upang hindi makahawa ng ibang tao.
Ang hepatitis ay common, subalit madami pa rin ang hindi nakakaalam nito. Kung kaya’t importante na ang mga bagay na ito ay napaguusapan ng pamilya upang maiwasan ito. Laging tandaan, prevention is better than cure.
Sources:
- https://www.medicinenet.com/viral_hepatitis/article.htm
- https://www.webmd.com/hepatitis/digestive-diseases-hepatitis#1
- https://www.healthline.com/health/hepatitis
- http://www.who.int/features/qa/76/en/
- https://www.pexels.com/photo/person-holding-two-soda-bottles-with-drinking-glass-below-681846/
- https://pixabay.com/en/laboratory-analysis-diagnostics-2815641/