Heat stroke: Mga Sintomas, Pag-iwas, at Lunas

March 12, 2020

Ang Pilipinas ay isang tropikal na bansa na nakararanas ng malalakas na bagyo at matitinding heat waves. Ang heat stroke ay karaniwan sa mga lugar kung saan ang temperatura ay umaabot nang hanggang 40 degree Celsius. Manatiling ligtas mula sa panganib ng heat stroke sa pamamagitan ng wastong kaalaman sa mga senyales at pag-iwas dito.

 

Ano ang heat stroke?

Kapag ikaw ay na-expose sa matataas na temperatura sa matagal na panahon, maaaring mag-overheat ang iyong katawan at mauwi sa kondisyong kung tawagin ay heat stroke. Ang mga taong nagtatrabaho sa ilalim ng araw sa araw-araw ay may mas mataas na risk ng pagkakaroon ng heat stroke. Ang mga atletang nagte-training sa labas ay at risk din dahil sa kombinasyon ng init at pagtaas ng kanilang core body temperature matapos ang exercise na maaaring mauwi sa isang uri ng heat stroke na kung tawagin ay exertional heat stroke. Kapag ikaw ay nakararanas ng heat stroke, ang iyong katawan ay nawawalan ng kakayahang mapalamig ang kanyang sarili.

 

Heat stroke vs heat exhaustion

Ang heat stroke ay mas malalang kondisyon kumpara sa heat exhaustion. Ayon sa National Health Services, ang mga sumusunod ang pagkakaiba ng dalawa:

HEAT EXHAUSTION

HEAT STROKE

Labis na pagkapagod resulta ng mababang blood pressure at blood volume

Pagkakaroon ng vertigo

Pagkahimatay

Hyperventilation

Labis na pagpapawis

Mataas na temperatura ng katawan (40 degree Celsius o higit pa)

Lahat ng exposed sa matinding init ay at risk

Pamumula ng balat

 

Ang mga bata, matatanda, at iyong mga may mga diabetes, sakit sa puso o kidney ay at risk

 

Maituturing na medical emergency

 

Heat stroke First Aid

Mahalagang malaman ang mga basic sa pagresponde sa mga inaatake ng heat stroke sapagkat maaari itong mangyari kanino man. Importante ang oras dahil itinuturing na medical emergency ang heat stroke. Sundan ang mga sumusunod na hakbang kung ikaw o sinuman sa iyong paligid ay nakakaranas ng heat stroke.

  • Tumawag ng ambulansya o dalhin sa pinakamalapit na ospital na may kakayahang umaksyon sa ganitong kaso.
  • Manatili sa isang malamig at tuyong lugar habang naghihintay ng tulong. Umiwas sa labis na sikat ng araw upang hindi lumala ang kondisyon at siguraduhing sapat ang bentilasyon o hangin sa lugar.
  • Panatilihing hydrated ang sarili o ang pasyente. Huwag uminom ng anumang pain medications.
  • Kung maaari ay alisin ang ilang kasuotan upang ma-regulate ang temperatura ng katawan.
  • Subukang bigyan ang sarili o ang pasyente ng cool sponge bath.

 

How to Prevent Heat stroke

Ang heat stroke at heat exhaustion ay maaaring iwasan. Ang pinakamahalagang bagay na dapat tandaan ay umiwas sa direktang sikat ng araw lalo na kung tanghali hanggang pahapon. Narito pa ang ilang epektibong paraan upang makaiwas sa heat stroke:

  • Wastong hydration – uminom ng maraming fluids upang maiwasan ang dehydration. Palitan ang mga nawalang electrolytes sa pamamagitan ng pag-inom ng sports drinks pagkatapos mag-work out.

undefined

  • Wastong bentilasyong sa bahay– buksan ang mga bintana ng bahay sa araw. Kung mayroong sapat na budget, magpalagay ng air-conditioning o cooling fans sa loob ng bahay.
  • Iwasang gamitin ang alak bilang pang-rehydrate dahil maaari itong makaapekto sa kakayahan ng iyong katawan na kontrolin ang temperatura nito.

Kapag ikaw ay dinala sa ospital, maaaring magrekomenda ang doktor ng mga test upang ma-diagnose ang iyong kondisyon. Ang rectal temperature examination ay ang pinakatiyak na paraan upang malaman ang temperatura ng iyong katawan. Ang ilang mga examination gaya ng x-ray at blood test ay maaari ring gawin upang malaman ang sodium/potassium level. Maaari ring isagawa ang urine test (ang dark na kulay ng ihi ay senyales ng dehydration).

 

Sources:

http://www.sheffieldccg.nhs.uk/Your-Health/sunburn-and-heat-exhaustion.htm

https://www.webmd.com/a-to-z-guides/news/20070813/heatstroke-death-whos-at-greatest-risk#1

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heat-stroke/symptoms-causes/syc-20353581

https://www.accuweather.com/en/weather-news/heat-exhaustion-vs-heatstroke-what-are-the-warning-signs-and-how-should-you-react/347987