Ang heart disease ay dulot ng kondisyon na tinatawag na artherosclerosis na nag-reresulta sa pagpigil sa pag-daloy ng dugo sa puso. Dahil kabilang ito sa kategoryang cardiovascular, tinatawag din itong cardiovascular disease. May iba’tibangklaseng cardiovascular disease kagaya ng atake sa puso o heart attack, irregular napagtibok ng puso o heart palpitations at pananakit ng dibdib o chest pain. Ayon sa Department of Health (DOH), ang heart disease o sakit sa puso ay isa sa sampung pangunahing sanhi ng mga sakit sa Pilipinas kada taon. Isa sa mga pangunahing sanhi heart disease ay diet at lifestyle, kung kaya’t importante na natututukan ito for prevention. Upang maiwasan ang pagkakaroon ng heart disease, lalong lalona ang atake sa puso o heart attack, mabuti na kumonsulta sa isang doktor upang masuri, mabigyan ng angkop na gamot o mabigyan ng payo tungkol sa heart disease prevention. Ang mga sumusunod ay mga tips para mapanatiling malusog ang puso at maiwasanang cardiovascular disease kagaya ng heart attack:
- Pagkakaroon ng sapatnaorassapagtulog
Kung ikaw ay natutukso na mag puyat upang manood ng TV o lumabas ng bahay, laging tandaan na ang pagkakaroon ng sapat na oras sa pagtulog ay nakakatulong sa overall health ng ating puso. Ayon sa isang pag-aaral,ang mga young and middle-age adults na nakakatulog ng 7 hours kadagabi ay nahanapan ng mas konting calcium sa arteries (isang maagang senyales ng heart disease), kumpara sa mga nakakatulog ng mas mababasa 5 hours o mas higit sa 9 hours. Maliban sa sapat na oras sa pagtulog, importante din ang uri ng pagtulog. Ayon sa pag-aaral, ang mga taong nakakatulog ng sapat at mahimbing ay mayroong healthier arteries kumpara sa mga nakakatulog ng sapat ngunit hindi mahimbing. Kung ikaw ay nahihirapanmatulog, maaaringkumonsultasaDoktorupangmasuri at mabigyan ng payo kung ano ang dapat gawin upang mapabuti ang pagtulog.
- Iwasan o itigilangpaninigarilyo
Maliban sa pagiging masama nito sa lungs o baga, nakakasama din ang smoking sa puso. Ang smoking ay isa sa mga pangunahing sanhi ng coronary heart disease. Ayon sa mga pag-aaaral, ang pagtigil sa paninigarilyo ay nakakabawas ng posibilidad ng pagkakaroon ng coronary heart disease. Maliban sa mga dahilang ito, may iba’tiba pang nakakasamang epekto ang paninigarilyo, kung kaya’t importante itong iwasan o itigil.
Pagkakaroon ng active lifestyle
Source: https://www.pexels.com/photo/exercise-female-fitness-foot-601177/
Ang pagkakaroon ng active lifestyle ay nakakatulong sa pagbawas o pag-maintain ng timbang. Importante ito dahil ang pagiging overweight ay nakakataas ng posibilidad ng pagkakaroong ng heart disease. Maliban dito, nakakatulong din ang pagiging active sa pag bawas ng stress at nakakaganda din ito ng overall mood ng isangtao. Simple lang para maging active, ugaliin lang na mag-ehersisyo pagkatapos ng trabaho o tuwing weekends.
- Eat healthy food
Isa sa mga pinaka mabisang paraan para mapanatiling healthy ang heart at maiwasanang heart disease, ay ang pagkain ng healthy food. Kung mayroong history ng heart disease sa pamilya, mas lalongimportantenakumain ng mgapagkaingmakakatulongupangmapanatiling healthy angpuso para maiwasanang heart disease. Ang mga pagkaing ito ay mabisa para sa heart disease prevention:
- Salmon: ito ay mayamansa omega-3 fatty acids na nakakatulong pagandahinang metabolic markers for heart disease.
- Sardines: ito din ay mayamansa omega-3 saanyo ng fish oil na nakakatulong sapagpadami ng “good cholesterol”. Ang good cholesterol naito ay nakakatulong sa pagbawas ng chances ng sudden heart attack. Siguraduhin lamang na fresh ito at hindi canned good para maka-iwas sa sobra sobrang salt content.
- Liver: ang liver ay mayamansa healthy fat nanakakatulongsa overall health ng heart.
- Oatmeal: matagal nang hindi sekreto na ang oatmeal ay nakakatulong sa pagpapababa ng cholesterol. Siguraduhin lang naiwasan ang processed version nito upang maka-iwassa preservatives na nakikitasa processed oatmeals.
- Blueberry: ito ay mayamansa resveratrol at flavonoid, mga antioxidant na nakakatulongsapag-iwas sa coronary heart disease.
- Dark chocolate: ayon sa mga experts, ang dark chocolate na mayroong at least 70% cocoa ay mabuti para sa puso. May roon itong flavonols na nakakatulongi-relax ang arteries at sapag-increase ng blood flow.
- Broccoli: ang gulay na ito ay low in cholesterol, high in fiber at mayaman sa mga antioxidants na nakakabuti sa puso.
- Cauliflower: ang gulay na ito ay mayaman sa antioxidants, high in fiber at may roon din itong allicin(isang component ng garlic) na nakakatulong bawasan ang risk of heart attack at bawasan ang cholesterol.
- Apples: ang prutas na ito ay mayaman sa pectin, nagsasangga sa absorption ng cholesterol at fiber, nagbabawas ng cholesterol sakatawan. Katulad ng kasabihan, “an apple a day keeps the doctor away”.
- Oranges: angprutasnaito ay mayamansaflavanoid, hesperidin, at vitamin c nanakakatulongsa health ng heart.
Ang ilan sa mga ito ay mgatamangalaga tips para mapanatiling healthy ang heart. Kung ang mga ito ay hindi nakasanayan, hindi kailangan nagawin ito ng sabay sabay. Maaaring one step at a time ang approach dito para hindimanibagoangkatawan. Angimportantelang ay kapag nasimulan na isa samga tips na nandito, siguraduhin naipagpatuloy ito para mapanatiling healthy ang heart at makaiwas sa sakit sa puso.
Source: