Paano i-manage ang stable angina?

March 10, 2019

Ang stable angina o angina pectoris ay isang uri ng chest pain na.nagsisimula dahil sa mahinang pagdaloy ng dugo sa puso. Kapag mahina ang daloy ng dugo sa puso, kinukulang ang oxygen na nasasagap nito. Kapag kulang sa oxygen ang puso, dito na nagsisimula ang pananakit ng dibdib at iba pang karamdaman.

Sintomas ng stable angina

  • Pananakit ng dibdib
  • Matinding pagkapagod
  • Mabigat ang pakiramdam sa dibdib
  • Parang may umiipit sa dibdib
  • Hirap sa paghinga

Ang pananakit sa dibdib na dulot ng stable angina ay maaaring kumalat sa ibang bahagi ng katawan:

  • balikat
  • braso
  • leeg
  • lalamunan
  • panga
  • likod ng katawan

Ang stable angina ay may pattern kung kailan ito nangyayari, gaya ng tuwing napapagod o nase-stress ang isang tao.

Sanhi ng stable angina

Kadalasan, problema sa puso ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng stable angina.

Kapag ang taba at iba pang fatty deposits ay naimbak at bumara sa ugat ng puso, nababawasan ang dugo na dumadaloy dito at ang oxygen na nasasagap nito. Ang kakulangan sa oxygen na ito ang nagdudulot ng matinding chest pain sa taong may stable angina.

Treatment at surgery

Kapag ikaw ay na-diagnose na may stable angina, maaaring mag-reseta ang doktor ng mga gamot na makakatulong sa tamang pagdaloy ng dugo sa puso. Kasama din dito ang mga gamot na panlaban sa pamumuo ng dugo o blood clot.

Maliban sa mga gamot, maaaring irekomenda ng doktor na ikaw ay sumailalim sa surgery para matanggal ang mga bara sa ugat sa puso.

  1. Angioplasty

May pinapasok na tubo ang doktor sa loob ng blood vessel papunta sa iyong puso. Sa loob ng tubong ito ay isang balloon na pinapalobo upang lumuwang ang ugat or artery. Sa ganitong paraan, naibabalik ang tamang pagdaloy ng dugo sa puso.

Ang tubong ito ay tinatawag na stent. Ito ay maaaring gawa sa metal o sa isang ligtas na materyal na kusang ina-absorb ng katawan.

Hindi aabot ng dalawang oras ang angioplasty. Kinakailangang magpahinga muna ang pasyente ng overnight sa ospital pagkatapos ng surgery na ito.

  1. Coronary artery bypass grafting (CABG) o bypass surgery

Kumukuha ang surgeon ng mga healthy arteries or mga ugat sa ibang parte ng katawan ng pasyente. Ito ang nagsisilbing pamalit sa mga baradong arteries o ugat.

Dahil hindi biro ang dumaan sa bypass surgery, kailangan ng pasyente na magtagal sa ospital ng mahigit isang linggo para makapahinga ng maayos. Kailangan pang i-monitor ng mga doktor at nurse ang iyong heart rate at blood pressure.

Pagbabago ng lifestyle

Kapag ikaw ay may stable angina, kailangan ang agarang pagbabago sa araw-araw mong pamumuhay. Para ma-protektahan at mapanatili ang kalusugan ng iyong puso, gawin ang mga sumusunod:

  • Mag-ehersisyo. Kung ikaw ay palaging busy, maglaan ng kahit ilang minuto kada araw para dito.
  • Itigil ang paninigarilyo. Ang labis na paninigarilyo ay nakakasira ng blood vessels na maaaring pagmulan ng sakit sa puso.

undefined

  • Kumain ng masustansiya. Hangga’t maaari, isama ang gulay at prutas sa bawat meal. Ang isda ay makakatulong sa pag-control ng cholesterol sa katawan.
  • Kumain ng tama. Bawasan na ang pagkain ng maaalat, matatamis at matataba.

undefined

  • Pag-aralan ang meditation at deep breathing exercises pangontra stress. Kung may pagkakataon, mag-enrol sa yoga classes o sumali sa mga fitness program gaya ng Zumba o mga liga ng basketball.
  • Importanteng maging listo sa mga nararamdaman mo sa katawan. Kapag may nararamadamang hindi maganda, itigil ang ginagawa at magpahinga muna.
  • Ilista ang mga bagay na nagpapa-stress o nagbibigay sa iyo ng matinging pagod. Iwasan ang mga ito hangga’t maaari.
  • Ipagbigay-alam sa pamilya at kaibigan ang inyong kondisyon. Makakatulong sila sa iyong pagpapagaling at pag-recover sa stable angina.
  • Regular na magpakonsulta sa doktor.

May RiteMED ba nito?

Ang isa sa mga gamot na maaaring irekomenda ng doktor para sa stable angina ay ang RM Carvedilol. Mainam ito para sa:

  • Altapresyon
  • Chronic stable angina pectoris
  • Adjunctive treatment of moderate to severe stable chronic heart failure

References:

https://www.webmd.com/heart-disease/heart-disease-angina#1

https://www.healthline.com/health/stable-angina

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/coronary-artery-disease/in-depth/angina-treatment/art-20046240

https://www.heart.org/en/health-topics/heart-attack/angina-chest-pain/angina-pectoris-stable-angina