Gamot sa Sakit ng Puso: Mga Uri ng Gamot

February 20, 2021

Isa sa mga peligro sa kalusugang kinakatakutan ay ang heart attack o atake sa puso. Tingnan kung paano ito maiiwasan sa pamamagitan ng lifestyle changes, maintenance medicine, at iba pang treatment.

 

 

Causes of Heart Attack

 

Tinatawag din myocardial infarction, ang heart attack ay nangyayari kapag ang daloy ng dugo sa puso ay nahaharangan. Ang ganitong pagbabara ay dala ng pamumuo ng taba, cholesterol, at iba pa na bumubo ng plaque sa coronary arteries. Ang plaque ay pumuputok at bumabara sa mga ugat, kaya nasisira ang heart muscle.

 

Heart Attack Symptoms

 

Ilan sa mga heart attack signs na kailangang bantayan ay ang mga sumusunod:

 

  • Paninikip ng dibdib na maaaring umabot sa braso, leeg, panga, at likuran;
  • Pangangapos ng hininga;
  • Pagpapawis nang malamig;
  • Pagkapagod,
  • Nausea;
  • Indigestion, heartburn, o abdominal pain; at
  • Pagkahilo.

 

Iba-iba ang heart attack symptoms na pwedeng maranasan. May ibang mild heart attack ang nararamdaman, may iba namang malubha ang mga sintomas. Tinatawag ding silent killer ang heart attack dahil may mga taong walang sintomas na nararanasan.

 

Paalala: Oras na ma-experience ang mga sintomas na ito, magpahatid agad sa pinaka-malapit na ospital para maagapan ang atake sa puso at mga komplikasyon.

 

 

Heart Attack Treatment

 

 

Para mapanatili ang maayos na daloy ng dugo papuntang puso, maaaring resetahan ng doktor ng mga sumusunod na gamot:

 

  • Beta blockers – Nakakatulong ang mga ito para ma-relax ang heart muscle, maging normal ang heartbeat, at mapababa ang blood pressure. Pwedeng subukan ang RM Atenolol at RM Metoprolol Tartrate.  

 

  • Statins – Nakokontrol nito ang blood cholesterol para manatili sa healthy level. May RM Atorvastatin at RM Simvastatin na maaaring irekomenda ng inyong doktor.

 

  • ACE inhibitors – Pinapababa ng mga ito ang blood pressure at binabawasan ang stress sa puso. Ilan sa mga halimbawa nito ang RM Captopril.

 

 

Maliban sa mga ito, narito pa ang ilang heart tips na pwedeng gawin para makaiwas sa sakit sa puso:

 

 

How to Prevent Heart Attack

 

 

undefined

 

Image from:https://www.shutterstock.com/image-photo/healthy-diet-cardiovascular-system-heartshaped-plate-624180923

 

  1. I-monitor ang regular na pag-inom ng maintenance medication ayon sa payo ng doktor.

 

  1. Mag-maintain ng malusog na timbang sa tulong ng pagkonsumo ng heart-healthy diet at regular na ehersisyo.

 

  1. Umiwas sa masamang bisyo gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alak para hindi ma-trigger ang mga sintomas na nagdadala ng high blood pressure, high cholesterol, at diabetes.

 

  1. Gumawa ng mga hakbang tungo sa stress management.

 

  1. Magkaroon ng sapat na pahinga araw-araw para mabigyang-oras ang katawan sa pag-repair ng mga tissue at cells.

 

 

Ipinapayo rin ang regular na pagpapatingin sa doktor para tuloy-tuloy ang monitoring ng kondisyon.

 

 

 

 

Sources:

 

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-attack/diagnosis-treatment/drc-20373112

https://www.heart.org/en/health-topics/heart-attack/treatment-of-a-heart-attack/cardiac-medications