Mga kaalaman tungkol sa Congestive Heart Failure:
Kapag nagkaroon ng heart failure, hindi ibig sabihin nito ay tumigil na ang puso sa pagtibok. Ito lamang ay nangangahulugan na hindi na kasing husay ng ating puso ang pagtupad ng kanyang tungkulin kumpara sa may malusog na puso.
Dahil sa iba’t-ibang sanhi nito, ang dugo sa ating katawan ay bumabagal ang pagdaloy habang tumataas naman ang pressure ng ating puso. Bilang resulta, hindi nakakapag-pump ang ating puso ng sapat na oxygen at nutrients na kinakailangan ng ating katawan.
Anu-ano ang nagiging sanhi ng heart failure?
- Coronary Artery Disease o Heart Disease
Ang heart disease ay dulot ng kondisyon sa artery o daluyan ng dugo na nag-reresulta sa pagpigil ng proseso papunta ng dugo sa sa puso.
Ito ay kondisyon kung saan ang iyong coronary artery ay biglaang na-block ang
pagdaloy ng dugo hanggang sa kasu-kasuan sa puso. Kapag nagkakaroon ng heart attack,
nasisira ang heart muscle kaya hindi ito nakakapagfunction nang maayos.
Nagkakaroon ng problema sa daloy ng dugo dulot ng impeksyon, sobrang pag-inom ng
alcohol at pag-abuso sa droga
- Mga sakit na nagreresulta ng pagkapagod ng puso tulad ng:
- High blood pressure
- Valve disease
- Thyroid disease
- Kidney disease
- Diabetes
- Problema sa puso mula nung pinanganak
Ilan sa mga sintomas ng heart failure:
- Pamumuo ng tubig sa baga (congested lungs)
Nahihirapan ang may sakit na huminga lalo na kung sinusubukang magehersisyo o kahit magpahinga habang nakahiga.
Dahil sa kakulangan ng pagdaloy ng dugo sa iyong bato o kidney, naiipon
ang ibang fluid sa iyong katawan sa ibang parte kaya naman nagkakaroon ng pamamanas at pagbigat ng timbang.
Kapag kulang ang dugo sa iyong utak, nakakaramdam tayo ng madalas na pagkahilo o pagkalito
Apektado rin sa kakulangan ng dugo ang iyong kasu-kasuan o muscles kaya ang pakiramdam ay palagi kang pagod
- Mabilis o Iregular na heart beat
Mga uri ng heart failure:
- Diastolic Dysfuntion o Diastolic heart failure
Mga paalala upang hindi lumala ang congestive heart failure:
- Maaaring ireseta sa iyo ng doktor ang Ritemed Carvedilol.
- Itigil ang paninigarilyo
- I-kontrol ang iyong blood pressure, cholesterol level at ang sugar intake mo kung ikaw ay mayroong diabetes
- Regular na mag-ehersisyo
- Huwag uminom ng alcohol
- Magpakonsulta sa iyong doktor nang regular
References:
https://www.webmd.com/heart-disease/guide-heart-failure#1
https://www.webmd.com/heart-disease/guide/heart-disease-coronary-artery-disease#1
https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/heart-disease